NAPABUNTONG HININGA si RK habang nakatingin kay Reagan na natutulog. Mentioning about his parents earlier, nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. Alam niyang naalala ni Reagan ang parents nito. Pumasok siya sa kwarto ni Reagan na dati niyang kwarto. Naglakad siya palapit kay Reagan at inayos ang kumot nito. Umupo siya sa gilid ng kama at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha nito. Napangiti siya. Reagan really like sleeping on her side. Umuklo siya saka hinalikan ang nuo ng dalaga. Nagmulat ng mata si Reagan. “Knight…” “Hmm? I’m here.” “Tabi ka sa akin.” “Ah?” “Tabi ka sa akin.” Sabi ulit ni Reagan. “Tatabi ako sa ‘yo?” Paniniguro niya. Tumango si Reagan at muling ipinikit ang mata. “Huwag ka munang umuwi.” Napangiti si RK dahil sa boses ni Reagan na nagl