“I NEED to go home now. Are you sure you will be okay?” Tanong ni RK kay Reagan pagkatapos nilang kumain ng dinner. Ngumiti si Reagan. “Oo naman. Huwag mo akong alalahanin.” Aniya. “Please, don’t do anything reckless.” Pakiusap ni RK kay Reagan. Medyo magaling na kasi ito pero kailangan pa rin nito ng full recovery. Tumango si Reagan. “Promise me?” “I promise.” Itinaas pa ni Reagan ang kamay. Hinawakan naman ni RK ang nakataas na kamay ni Reagan at hinila ito palapit sa kaniya. Ipinalibot niya ang braso sa beywang ng dalaga. “I’m still worried.” Aniya. Tumaas ang sulok ng labi ni Reagan saka napatingin sa labi ni RK. Tinignan niya ito sa mata. “I think you won’t be worried after this.” Aniya saka kinabig ang batok ni RK at hinalikan niya ito sa labi. Nagulat man si RK pero