NAKAHINGA ng maluwang si RK nang makitang nakaalis na si Reagan at walang masamang nangyari kay Bree. Dahil kung may masamang nangyari kay Bree, siguradong lagot siya sa kapatid niya. Bumuntong hininga siya at nahilot ang sentido. Tumingin siya kay Director James. “What should we do now, Director?” Tanong niya. Napabuga ng hangin si Director James. “Sometimes, hindi masama ang magtiwala sa isang tao na hindi natin kakilala at kalaban pa natin.” “You mean, Director…” Tumango si Director James. “Let’s give her a chance. You saw Ms. Harley’s eyes earlier. At alam kong hindi kayo basta-basta nanghuhusga ng isang kalaban.” Sumang-ayon ang Arsenal Team sa sinabi ni Director James. “You’re right, Director.” Sabi ni Davin. “When we were at the restaurant earlier, I can observe and I ca