EPISODE THIRTEEN

1060 Words
Dinala si lemuel sa kanyang mga paa sa hospital kong saan nakaratay ang kanyang nanay. Pagkatapos niyang nalaman ang lahat kay manang pacing na buntis si samantha ay dito siya dinala nang kanyang mga paa. Pinagmasdan niya nang maigi ang kanyang inay na wala paring malay, habang tumutulo ang kanyang mga luha. "nay patawad kong may nagawa akong kasalanan. Alam kong hindi mo gusto na mag kaganito ako. Pero nay ginahasa ko si samantha at hindi ko alam kong anong gagawin ko ngayon dahil na buntis ko siya nay" panay tulo parin ang kanyang mga luha habang ginagap niya ang palad nito. Naramdaman ni lemuel na gumalaw ang kamay nang kanyang nanay. "nay, nay!, naririnig mo ba ako?" tawag niya dito at parang na buhayan siya nang pag asang magising na ito nang tuluyan. Mga ilang sandali pa ay hindi parin ito nagising kaya napa upo nalang ulit si lemuel nang hindi pa rin niya makita ang mga mata nang kanyang inay na tuluyang dumilat. Hindi na malayan ni lemuel na nakatulog na pala siya nang naka yukod sa gilid nang kanyang inay habang hinintay niya itong magising. Napatingin siya sa kanyang relong pambisig at napag tanto niyang madaling araw na nang umaga. Pinagmasdan muna niya nang sandali ang kanyang inay bago niya ito hinalikan sa noo. "nay promise paggising mo makikita muna ang iyong apo, kaya nay please gumising kana". yan ang huling katagang binitiwan ni lemuel bago niya ito iniwan. Pinuntahan muna niya si betchay para pakiusapan na doon muna ito tumira sa mansyon para may makasama si samantha lalo na sa kalagayan nito. Dahil matanda na si manang pacing para mag asikaso pa kay samantha. Masaya niyang binalita sa kanyang pinsan na si kuya Rick at kay betchay na magiging Daddy na siya. Kahit nag tatanong ang mga mata nang kanyang pinsan kong paano nangyari yon ay pinaki parin nito na masaya ito para sa kanya. Ang pinakalat nalang niyang balita na may relasyon sila ni samantha noon bago pa sila nag pakasal dahil alam niyang agad-agad itong malalaman nang mga taong nakapaligid sa kanila. ____________, Nagising si samantha na parang may hinahanap na hindi niya alam kong ano. Medyo nang hihina pa siya dahil sa nangyari kahapon na akala niya ikukulong siya nang tuluyan ni lemuel sa loob nang kanyang kwarto. Hindi niya alam kong papano pakikitunguhan si lemuel ngayon lalo't na alam nito na buntis siya. Speaking of lemuel! mabilis siyang bumaba sa kanyang kama at agad lumabas sa kanyang kwarto para hanapin si lemuel. Halos malibot na niya ang boung mansyon pero ni anino ni lemuel ay hindi niya makita. "haist, bakit ba hinanap ko si lemuel, ano bang kailangan ko sa kanya?" napa tanong nalang si samantha sa kanyang sarili. "oh senyorita, kanina pa kita na pansin na parang may hinahanap" bungad ni manang pacing sa kanya. "ah, eh s-si lemuel po yaya nasaan ba siya?" hiyang tanong niya dito. "hindi ko po alam senyorita, dahil simulang binigay niya sa akin ang susi kagabi hindi na siya umuwi hanggang ngayon" paliwanag nito. "ay ganon po ba yaya" malungkot niyang sabi dito. "sa tingin mo yaya, mapapatawad kaya ako ni lemuel lalo na sa kalagayan ko ngayon?" aniya na may bahid na pait sa mukha. "ewan ko senyorita, pero alam kong maintindihan ka non dahil hindi naman ganon kasama si lemuel na hindi ka ma intindihan sa iyong sitwasyun ngayon". Sasagot pa sana si samantha nang marinig niya ang ugong nang sasakyan ni lemuel na papasok sa sa loob nang mansyon. Kaya dali-dali siyang pumunta sa labas para tingnan ito. Hindi niya alam kong bakit gusto niya itong makita kahit alam niyang galit ito sa kanya. "senyorita, dahan-dahan lang sa pag lakad baka mapa ano kapa" sita ni manang pacing sa kanya. Pero hindi niya ito pinansin dahil kanina pa niya gustong makita ito. "senyorita, anong nangyari sayo akala ko ba takot kang makita sa lemuel pero bakit ngayon para kang bata na matagal na walay sa ama na gustong makita ito". Napahinto si samantha sa sinabi ni manang pacing sa kanya. Nagtataka din siya kong bakit naramdaman niya kaninang umaga sa kanyang paggising na gustong gusto niya itong makita. "ewan yaya hindi ko rin alam, basta paggising ko kanina, naramdaman ko nalang na siya agad ang gusto kong makita" aniyang naguguluhan rin sa kanyang sarili. "senyorita ilang buwan na bayan?" sabay nguso nito sa kanyang tiyan. "mag tatatlo na po" sagot niya dito na agad itong napatutup sa bibig. "oh my senyorita! pinag lilihian mo ba si lemuel?" naka ngisi nitong tanong sa kanya. Na nag kibit balikat lang siya bilang sagot dito. Napatingin siya sa may gate na may apat na security guard na nag babantay roon at may dalawa namang nag ikot-ikot sa loob. Napailing nalang si samantha dahil talagang guardiado na ang mansyon dahil sa kanyang pagtakas sana kahapon. Pinabantayan talaga siya ni lemuel sa mga ito. Pero agad siyang napangiti nang makita niyang papalapit na ang kotse nito. At agad namang napawi nang may babaeng bumaba mula sa loob nang kotse at pagkatapos itong naka baba ay agad namang itong bumalik palabas nang masyon. "ayy si betchay yan ah, bakit kaya?" puna ni manang pacing sa minor edad na babae. "hi po manang pacing" ngiti nitong bati sa matanda. "hi din po senyorita" baling nito sa kanya. "ate nalang ang itawag mo sa akin nakakahiya namang senyorita parin na pareho lang tayo nang estado nang buhay" sabi niya at nginitian niya ito nang matipid. At gumanti rin ito nang ngiti sa kanya. "ay betchay bakit ka nandito?" pukaw ni manang pacing dito. "pinakiusapan kasi ako ni tito Lemuel na dito muna titira para may maka tulong kay senyorita ay este ni ate dahil buntis daw si ate at bawal mag bubuhat nang mabigat". mahabang paliwanag nito sa kanila, pero hindi siya nakinig sa mga ito dahil na iinis siya kay lemuel dahil hindi lang man ito bumaba para mag pakita. "si lemuel ba ang nag hatid sayo?" tanong niya dito. "opo ate, binaba lang ako ni tito dito dahil may iba-". "Aiisst, ka inis hindi man lang nakuhang mag pakita, kahit alam niyang may mga tao din ditong nakatirang nag alala sa kanya!" putol niya sa iba pang sasabihin nito at nag mamaktol siyang iniwan ang mga ito. Nag katinginan sila betchay at manang pacing sa pagmamaktol ni samantha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD