EPISODE Sixteen

1116 Words
Makalipas ang ilang buwan ay masaya ang pagsasama nila Lemuel at samantha. Kahit pumanaw na si marina ang ina ni lemuel ay pinilit parin nitong maging matatag at magiging ok ang lahat kahit na may ma bigat siyang problema na dinadala dahil hanggang ngayon hindi parin niya ma amin-amin ang kanyang kasalanan kay samantha. ______, Pagkatapos ni samantha ma ligo ay na datnan niyang naka higa na si lemuel sa kanilang kama. Simula kasi noong nag lilihi siya nito ay lumipat na ito sa kanyang kwarto. Napangiti siya habang pinagmasdan niya ang kanyang asawa na mapayapang na tutulog. Hindi niya akalain na ganito ka among mukha ay minsan nang naging salbahi sa kanya. Marahan niyang hinagod ang mukha nito.Pagkatapos ay dahan-dahan siyang humiga sa tabi nito. Hindi pa siya naka higa nang tuluyan ay niyakap agad siya nito nang mahigpit at agad sinubsub ang mukha sa kanyang leeg. Na gulat pa siya nang mag salita ito. "i love you" halos pa bulong nitong sabi, pero nanatili parin itong naka pikit. Nag tataka siyang napa titig dito. Nanaginip ba ito?. "wala ba akong makuhang sagot?, at titigan mo na lang ba ako boung gabi?" anito na naka dilat na ang mga mata. "lemuel" tanging sambit nalang ni samantha nang makita niyang gising pala ito at boung akala niyang ay na tutulog na ito. "ok, i understand hon, no need to answer and I'm willing to wait" sabay halik nito sa kanyang leeg. Napa ungol si samantha sa ginawa nito sa kanya. "ahh, kasi lem-" "psst, it's okay i understand, go to sleep dahil maaga tayong aalis bukas". "what? bakit saan tayo pupunta?" na lilito niyang tanong dito. "sa mall bibili tayo nang mga gamit ni baby gabby remember?". ay oo nga pala nag pa ultrasound siya kanina dahil gusto nitong malaman kong ano ang kanyang anak. Nag tataka pa siya dahil excited pa nitong malaman kong ano ang kasarian nang kanyang anak. At nong sinabi nang doctor na lalaki ang kanyang magiging anak ay hindi nito ma itago ang kasiyahan nito sa mukha. Masaya na rin si samantha kahit papaano dahil kahit hindi ito ang tunay na ama ay tinuring nitong tunay na anak ang bata na nasa kanyang sinapupununan. "hon, close your eyes huwag kang mag alala hindi ako mawawala sayo" ngisi nito sa kanya. Hindi niya namalayan na napatitig na pala siya dito. "salamat, lemuel and i love you too" bulong rin niya dito sabay pikit. "what? hon I can't hear you" pag sisinungaling nito. "lemuel antok na ako matulog na tayo". "ok but say it again hon, please" nag kunwari pa itong bata. Natatawa siya sa mukha nito dahil ang gwapo pa din kahit na pinilit nitong pangitin ang mukha. "haha ok, i..love...you.. too.." at mabilis niya itong hinalikan sa labi. "ang daya mo hon, lagi akong hindi maka handa sa mga ginagawa mo" reklamo nito na napa kamot pa sa ulo. Tinawanan lang niya ito pero hindi ito basta-basta mag papatalo dahil agad nitong inangkin ang kanyang mga labi. Kalaunan ay huminto ito sa paghalik sa kanya at tiningnan siya nito na napakaseryoso. "i love you more samantha, at kong nasaktan man kita at may nagawa akong kasalanan sayo. Ito ang lagi mong tandaan. Mahal na Mahal kita at totoo itong naramdaman ko sayo". Naka awang ang kanyang bibig nang mag salita ito at napa ka seryoso ang mga matang naka tingin sa kanya na may bahid na pait at pagsisisi ang mga mata nito. "lemuel ano bang, ibig mong sabihin?" ngunot noong tanong niya dito. Pero imbes na sagotin siya nito ay niyakap siya nito nang mahigpit. "sorry samantha" bulong nito at hindi na ito nag salita pa. Kahit na naguguluhan siya sa mga pinagsasabi nito ay gumanti na rin siya nang yakap. Hindi niya alam kong bakit pero kapag yakap-yakap siya nito ay feeling niya secured siya sa mga bisig nito. ___________, Kinabukasan ay masayang masaya si samantha na gumayak dahil sa wakas ay maka pag mall siya ulit dahil medyo ma tagal tagal na rin nong huli siyang pumasok sa mga mall. Habang nag mamaneho si lemuel ay hawak-hawak nito ang isa niyang kamay. "excited kana ba hon?" pisil nito sa kanyang kamay. "yess, lemuel at thank you sa lahat lahat nang kabaitan mo sa akin na akala ko talagang hindi kana magbago at ipagpatuloy mo ang iyong pag hihigante". "everything has changed, samantha". anito na naka tutuk ang tingin sa daan. Pinagmasdan niya nang mabuti si lemuel at sa tingin niya dito ay parang may mabibigat itong problemang dinadala. "lemuel, may problema ka ba?" tanong niya na ningitian lang siya nito nang matipid at naka fucos na ang mga mata nito sa daan. "lemuel" untag niya dito "where here!" anito at pilit pinasigla ang boses nito. Pagkatapos nitong patayin ang makina nang kotse ay bumaba agad ito at mabilis siyang pinagbuksan nang pinto. "let's go hon" akay nito sa kanya pa papasok sa loob nang mall. Habang na mimili sila ay hindi niya maiwasang matatawa dito. Dahil kahit kong ano-ano lang ang nilagay nito sa kanilang pushcart. "lemuel ano ba yan, hindi naman yan kailangan nang bata" saway niya dito "ok na rin yan hon dahil magamit rin yan ni baby gabby kapag lumaki na siya". paliwanag pa nito sa kanya. "Pambihira ka talaga ang liit pa nito at nasa tiyan ko pa, masisira lang yan". Ito ang taga kuha siya naman ang taga balik. Halos ma puno na nito ang kanilang pushcart sa mga damit palang nang bata. Ayaw talaga nito mag pa pigil kaya hinayaan nalang niya dahil ito naman ang mag babayad. Nang matapos na ito ay nanlaki ang kanyang mga mata dahil hindi lang isa ang pushcart nitong tulak-tulak. "Lemuel teka lang parang subra na ata yan" puna niya dito. "pssst it's ok hon, I'll pay them all" protesta nito sa kanya. Wala siyang magawa kundi sumunod nalang siya sa gusto nito. Maya't maya pa ay nong matapos na ito sa pagbabayad ay umalis na naman ito. Hindi nalang siya sumunod dito dahil medyo nakaramdam na siya nang pagod at tiningnan nalang niya ito habang papalayo. Hindi na naka tiis si samantha dahil medyo tumagal na ito. Baka kong ano nanaman ang pinagkukuha nito kaya napagdesisyon niyang sumunod nalang dito. Muntik pa siyang mapa sigaw sa galit sa kanyang nakita na may kahalikan itong ibang babae. Ang akala niya kaya ito natagalan ay dahil may ibang binili pero iba pala ang binili nito. Dahil sa kanyang pag mamadaling maka alis ay na bangga niya ang isang sales lady doon. "ay! sorry po" hinging paumanhin niya sa sale's lady. "no it's ok po maam, be careful next time" at ningitian siya nito sabay alalay sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD