bc

FOREVER AGAIN

book_age18+
73
FOLLOW
1K
READ
billionaire
love-triangle
contract marriage
HE
powerful
heir/heiress
drama
bxg
mystery
campus
disappearance
dystopian
like
intro-logo
Blurb

Labis na nasaktan si Mayumi nang mabalitaan niyang ikakasal na si Luke Roa IKA Lucas Roa, ang apo nang may-ari nang Roncesvalle Resort sa Palawan kung saan nagtratrabaho ang kanyang ama.

Akala ni Mayumi ay mahal siya nito dahil pinangakuan siya ng kasal at wagas na pag-ibig, hindi pala. Nagkamali pala siya dahil hindi lang siya ang pinangakuan ng kasal kundi siyam silang babae na nauto nito.

Lahat sila ay umasa sa pangako ni Lucas de Hudas Barabas. Ang masakit ay hindi niya makalimutan si Lucas. Hindi niya magawang magalit dito ng totoo------dahil ang totoo ay umaasa pa rin siya sa pangako nitong siya lang ang babaeng minahal nito lalo pa at hindi naman natuloy ang kasal nito sa ibang mga babae.

Hanggang saan dadalhin si Mayumi ng pag-ibig para sa mapaglarong si Lucas Roa? Magwawagi kaya siya sa siyam na babaeng pinangakuan nito ng kasal?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
Pinagsawa ni Mayumi ang katawan sa tubig ng dagat. Hinahayang niyang damhin ng banayad na alon ang kanyang buong katawan. Dalawang taon din siyang hindi nakauwi sa Palawan kung saan siya ipinanganak dahil naging busy siya sa trabaho sa Maynila. Isa siyang Fashion Designer at may sarili na siyang Botique Shop. Isang oras na yatang nakababad ang katawan ni Mayumi sa tubig dagat. Sinadya niyang pagurin ang sarili sa paglalangoy. Sa tantiya niya ay alas singko na iyon ng hapon kaya hindi kasikatan ang araw. May ilang dayuhan din siyang nakikita at tulad niya ay nagpapakasawa sa paglalangoy. Likas kasing napakaganda ng Roncesvalle Resort, white sand, cave’s na halos nakapalibot sa buong isla ng Roncesvalle. Isa pa sa mga dinadayo ng mga turista sa isla ay ang magandang paglubog ng araw. A very peaceful and romantic place para sa mga taong nag-iibigan. Nakatingala si Mayumi upang mapagmasdan ang paglubog ng araw. Nakangiti siyang pinagmamasdan ang magandang tanawin. “Alone?” nakangiting wika ng lalaki kay Mayumi na bigla na lamang sumulpot sa harapan niya. He looks nice and cute. Nakangiti ito sa sa kanya at halos nakalabas ang mapuputi nitong mga ngipin. Tila iyon nag-aanyaya kay Mayumi na gantihan rin niya ng matamis na ngiti pero sa haliP na gantihan ng ngiti ay inirapan niya ito. Kilala niya ang ganitong klaseng lalaki. Papansin! Ang lakas ng tingin sa sarili lalo na at gwapo. Lumangoy siya palayo rito pero tila wala itong balak na lubayan siya. Sinundan siya ng lalaki. “What do you want?” Inis niyang tanong sa lalaki. “You,” nakangiting sagot ng lalaki sa kanya. “I mean, ikaw. Gusto kitang makilala. Paglilinaw nito sa unang sinabi. Nakakabighani ang mga ngiti. Ang boses ay napakasexy. Nakakawindang ng puso. Napaangat ang kilay ni Mayumi. May naisip siyang paraan para lubayan na siya. “Kung gusto mo talaga akong makilala let’s make a deal?” nakangising turan ni Mayumi sa lalaki. “A deal?” nakaarkong tanong ng lalaki na parang hindi makapaniwala. Anong tingin nito sa kanya na sa isang ngiti lang nito ay mapapaamo siya? Over her dead body. Hindi siya kaladkarin but the truth is? Hindi niya mapigilan ang pintig ng puso niya. Tila ngayon lang siya nakakita ng gwapong lalaki. “Yeah,” tango niya. “Kapag naunahan mo akong lumangoy sa dalampasigan magpapakilala ako------ if not layuan mo na ako. Deal?” mataray niyang hamon sa lalaki. “Hindi ka naman siguro mermaid hindi ba?” tanong sa kanya ng lalaki kaya natawa siya. Naisip niya na baka kinakabahan ito sa hamon niya. Mayat-maya pa ay tumango ito at inihanda ang sarili na labanan siya kaya ganun din ang ginawa niya. Nagsimulang magbilang si Mayumi. Pagkatapos ng tatlo ay sabay silang lumangoy sa tubig upang magkarera. Lahat ng lakas niya ay ibinuhos niya sa paglangoy. “I won lady!” sigaw ng lalaki. Nakatayo na ito sa dalampasigan samantalang nasa gitna pa lamang siya ng dagat pero ang higit na umagaw sa atensiyon niya ay ang macho itong katawan at naglalakihang mga biceps. Napalunok siya nang mapagmasdan ang pang-ibaba ng lalaki. The bulge in his black trunks. Napansin ng lalaki kung saan siya nakatingin. Pinamulahan siya ng mukha dahil sa pagkapahiya sa sarili at sa lalaki. Lumangoy siya palayo sa dalampasigan kung saan ito nakatayo. Hindi niya magawang lumapit. Gusto niyang sisihin ang sarili dahil sa malisyosang mata. Kahit nasa tubig siya ay ramdam niya ang pag-init ng mukha dahil sa hiya. Ang makasalan niyang mga mata ay pinapahiya siya. Muntikan pa siyang mapasigaw nang may humapit sa bewang niya. Nagpumiglas siya sa pagkakahawak sa kanya ng lalaki pero tila wala itong balak na pakawalan siya. Nararamdaman niya ang katawan nito sa balat niya at ayaw niya ang pakiramdam na magkadikit ang mga katawan nila. Tinalo pa nila ang may relasyon sa inaasal nng estranghero. “Pakakawalan lang kita kapag tinupad mo ang kasunduan natin,” nakayakap sa bewang niya na wika sa kanya ng lalaki… Kumalas lalo ang pagtibok ng kanilang mga puso dahil sa mga titig na ipinagkaloob sa kanya ng lalaki. Pakiramdam niya ay natutunaw siya. Naiinis man ay tumango siya at pumayag. Ang awkward kasi ng posisyon nila. Feel na feel niya ang pagkakahapit ng lalaki sa kanya gayong hindi niya ito kilala. Kung may makakakita sa kanila tiyak na iisipin na may relasyon sila. Bahagyang kinabahan si Mayumi sa naisip. Malay niya ba kung rapist pala ito at bigla nalang siyang gahasain. Papadilim na sa resort at malayo rin siya sa mga taong naliligo. Itinulak niya papalayo ang lalaki. “Mayumi,” maikli niyang pakilala sa sarili. “Bakasyunista ka dito?” usisa na naman nito. “My hometown,” sagot niya na lumangoy na papuntang dalampasigan. Nakasunod pa rin sa kanya ang makulit na lalaki. Nagmamadaling inabot niya ang iniwang tuwalya sa dalampasigan. “Your body was perfect, like your angelic face,” puno ng paghangang puri kay ng lalaking hindi niya pa nakikilala. Pinagmamasdan pala nito ang katawan niya. Sanay na siya na mapuri ng ibang tao pero bakit sa simpleng papuri ng lalaking ito ay kinilig siya. Pakiramdam niya ay kumabog ang dibdib niya sa sinabi. Tila may naghahabulan sa kanyang dibdib. Iyon ang unang beses na tumibok ang puso niya sa lalaki. “Ang sarap ng tubig no?” pag-iiba niya ng usapan. “Maiba nga pala ako ano ang pangalan mo?” tanong niya sa lalaki maiba lamang ang usapan nila. Hindi talaga siya komportable sa mga sinasabi nito. “Luke. Call me Luke------- at your service,” nakangiting pakilala ni Luke sa kanya. Playboy ang dating sa kanya ng lalaki. Tiyak niyang ilang babae na ang pinaiyak nito at pinaasa. Sa dating palang nito ay tila hindi mo dapat pagkatiwalaan. “Ok Luke, mauna na ako sayo at giniginaw na ako,” paalam niya at agad na tumalikod. Hindi niya na hinintay na sumagot pa ang lalaki. “Wait!” Pigil sa kanya ni Luke na hinawakan pa siya sa siko… “Bakit?” nakataas ang kilay na tanong ni Mayumi. “I’d like to know you better,” wika ni Luke kaya napaismid siya. “Bakit?” naguguluhang tanong ni Mayumi sa lalaki. "I'm curious about you," prangka sa kanya na Luke na ikinagulat niya. Umiral talaga ang pagiging presko nito. “Interesado ka sa akin?” sabay turo ni Mayumi sa sarili. Namamangha talaga si Mayumi sa lalaking kaharap. “Anong tingin mo sa akin isang bagay na kapag gusto mo ay makukuha mo?” sagot niyang bahagyang nakaangat ang kilay. Ngumiti ng matamis sa kanya si Luke. Ngiting kahit sino pa ang pagkalooban nito ng ngiti ay mangingisay sa kilig. “Gusto ko lang maging tapat sayo. Mula sa malayo ay pinagmamasdan kita and I’m attracted to you,” pag-amin na naman sa kanya ni Luke. Nababaliw talaga siya sa lalaking ito. Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi nito. “Wala akong panahon sayo! And you think maniniwala ako sayo?” inis niyang sagot at muli tinalikuran niya na si Luke. Hindi na siya sinundan ng lalaki hanggang sa makarating siya sa loob ng hotel kung saan siya nakacheck-in. Pinapagawa kasi ng Papa niya ang bahay nila kaya napilitan siya tumira pansamantala sa resort na pinagtratrabahuan ng ama. Bata pa lang siya ay nawala na ang ina niya kaya ang ama niya ang tumaguyod sa kanya hanggang sa magka-isip siya. Diretsong tumuloy si Mayumi sa hotel na inuukupa niya. Mamaya na siya lalabas para makasamang magdinner ang ama. Napagod siya sa paglalangoy kanina. Pabagsak siyang humiga sa kama nang bigla niyang maalala si Luke. Lihim na napangiti si Mayumi. Aminado siya sa sarili na malakas ang karisma ni Luke kaya hindi niya napigilan kiligin sa simpleng papuri nito. Napakunot ang noo siya nang may kumatok sa pinto. Naiinis siyang bumangon lalo pa at alas nuwebe pa ang usapan nila ng ama. Natigilan si Mayumi nang makilala kung sino ang istorbo sa pagpapahinga niya. Hindi siya nakagalaw sa may pintuan nang mapag-sino ang nasa labas ng pintuan. “I-kaw?” hindi niya mapigilang tanong kay Luke. Bihis na bihis ito. Wearing a light blue polo na itinupi nito hanggang siko at kupas na pantalon naman ang pang-ibaba nito. “Ang gwapo nga ng hudyo!” hindi napigilang wika ni Mayumi sa sarili pagkatapos niya itong pasadahan ng tingin. “Sa tingin ko ay iniisip mo ako that’s why I’m here,” preskong wika sa kanya ni Luke. Hindi mapigilang hindi mapaangat ang kilay niya dahil sa sinabi ni Luke pero alam niya sa sariling tama nga ito dahil iniisip niya ito kanina. “May nakapagsabi na ba sayo na ang yabang mo?” sagot tanong niya. “Wala pa naman. Lahat kasi ng babae ay gusto akong makasama and you’re different. Hindi ako sanay na iniiwasan na para bang may sakit.” Muling umangat ang kanyang kilay sa sagot nito. “Whatever!” akmang isasara niya na ang pinto nang biglang iharang nito ang kamay. “Can I invite you for dinner?” tanong sa kanya ni Luke. Napatingin siya sa lalaki at nagtama ang mga mata nila. Tila hinihigop nito ang buong kaluluwa niya sa mga tingin nito. “May lakad kami ni Papa,” sagot niya. “Anong oras?” makulit pang tanong ni Luke kaya pinandilatan niya ito ng mata. “At bakit kailangan kung sabihin sayo aber?” inis na wika ni Mayumi. “At teka nga pala paano mo nalaman na nandito ako sa hotel na ito? Sinusundan mo ba ako?” sunod-sunod na tanong niya sa lalaki. “Ibahin mo ako sa mga nakilala mo dahil kapag gusto ko ang isang bagay ginagawan ko ng paraan. At dahil gusto kita -----that is why I am here,” simpleng sagot nito. Napapanganga nalang siya sa mga sinasabi ng lalaking kaharap. “Well mister, hindi ako isang bagay na madali mong makuha. Tao po ako!” pilosopo niyang sagot. “I know and I want to know you better.” Mukhang nagpapaawa ang kanyang kaharap upang pumayag lamang siya. Nakakaawa ang mukha nito o talagang nagpapaawa lang talaga sa kanya at siya naman si gaga naantig ang puso niya. He looks sincere. “Hindi ako pwedeng makipagdinner sayo ngay0n dahil may dinner kami ni papa ng nine,” sagot niya kaya nalungkot ito. “At dahil alas-sais palang gusto mo sasamahan nalang kita total wala rin naman akong ginagawa ngayon?” sagot niya sa lalaki na nakangiti. Hindi niya alam kung saan niya nakuha ang mga salitang binitawan sa sarili para pumayag dito. Napansin niya ang pag-aliwalas ng mukha ni Luke sa sinabi niya. Tila ito nagtagumpay. Saglit lang siyang nagpaalam dito upang kunin ang shoulder bag at magbihis. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakaranas ng excitement dahil sa isang lalaki. Inalalayan siya ni Lucas hanggang sa makalabas sila ng hotel. Gentleman din pala ang kumag. Pakiramdam niya ay babaeng-babae siya na dapat nitong ingatan. Madilim na sa labas ng hotel pero dahil sa liwanag ng mga ilaw ay nagmistula iyong mga bituin na kumukuti-kutitap sa dilim. Kaysarap pagmasdan at napakatahimik ng paligid kahit may mga taong namamasyal din sa paligid. “Thank you,” wika ni Luke na ikinagulat niya. “Alam ko naman na napilitan ka lang na samahan ako ngayong gabi,” dagdag pa nito. Pilit siyang napangiti. Napilitan nga ba siya? Mukhang hindi naman kasi masaya siya. “Pasensiya ka na kung nasungitan kita kanina,” hingi niya ng paumanhin sa lalaki. “Wala yun------ang importante ay nandito ka na sa tabi ko,” sagot pa sa kanya ni Luke. Hindi niya maiwasang kiligin dahil sa sinabi ni Luke. Ang galing talaga nitong magsalita kaya naman dalang-dala siya. “Ah, Luke may itatanong sana ako sayo?” tanong niya. Tiningnan siya ng lalaki. “Pinopormahan mo ba ako?” prangka niyang tanong dito. Napahiyang napakamot sa ulo si Luke sa naging tanong niya. Kahit madilim ang paligid ay napansin niya pa rin ang pamumula ng misteso nitong pisngi. Mabuti na iyong malinaw sa una pa lang dahil ayaw niyang mangapa. “Pasensiya ka na kung nabigla kita----prangka lang kasi akong tao. Ayoko ng paligoy-ligoy na usapan,” dagdag niya pang wika. “Ano sa tingin mo?” tanong sa kanya ni Luke kaya napakunot na naman ang noo niya. “H-indi ako manghuhula,” irap niya sa lalaki. “May magagalit ba kapag pinormahan kita?” tanong ni Luke kay Mayumi. Humarap pa si Luke sa kanya upang matitigan siyang mabuti. “You know what? I really like you. Ngayon lang ako nagkaganito. Iyong tipong ayaw kong tigilan ang isang babae makilala ko lamang,” dagdag pa ni Luke. “Hindi mo naman siguro iisipin na nababaliw na ako hindi ba?” natatawang wika pa ni Luke sa kanya. Napangiti siya sa sinabi ni Luke. “I’m flattered,” kinikilig niyang sagot. “Aba dapat lang. Ang gwapo yata ng katabi mo,” birong wika ni Luke kaya hinampas niya ito. “Yabang! Hindi ka kaya gwapo!” Ingos niya kay Luke at saka umiwas ng tingin. Nagulat pa siya ng hilahin siya nito. “Look at me?” utos sa kanya ni Luke. “Ngayon sabihin mo sa akin na nagyayabang lang talaga ako,” dagdag pa ni Luke. Napatitig na naman siya sa brown eyes nito. Sa mata nitong tila nanghahalina. Kung anuman ang meron sa mata nito ay hindi niya alam. Naramdaman din ni Mayumi ang malakas na t***k ng kanyang puso na sa tanang buhay niya ay ngayon niya lang yata naramdaman. Weird kung baga dahil naramdaman niya pa iyon sa strangherong si Luke. “You are so beautiful,” mahinang wika ni Luke sa mukha niya. Nalalanghap niya na ang hininga nito. Ang hininga nitong nagpapataas sa mga balahibo niya. Hindi siya nakagalaw ng tawirin ni Luke ang distansiya ng mga labi nila pero hindi pa nakakalapat ang labi nito sa labi niya ay biglang may tumawag sa cellphone nito. Tila nahimasmasan siya sa ring ng telepono ni Luke. Agad siyang lumayo sa lalaki. Napahiya siya sa kanyang kagagahan. Bahagyang lumayo sa kanya si Luke at sinagot na ang tawag. Panay ang buntong-hininga ni Mayumi habang may kausap si Luke sa telepono. “Anong kagagahan ‘yun Mayumi? Ano? Kiss with a stranger? Agad-agad?” sermon ni Mayumi sa sarili. “Are you okay?” tanong ni Luke kay Mayumi. Tango lang ang naging sagot niya. Hiyang-hiya pa rin siya. “Kapatid ko ang tumawag. Importante lang kaya natagalan. I’m sorry.” “No, it’s okay. Hindi mo kailangan humingi ng sorry,” sagot niyang nag-iwas ng tingin sa lalaki. Hindi maintindihan ni Mayumi kung bakit ang lakas ng t***k nang kanyang puso. Parang hindi siya mapakali kapag tinitingnan siya ni Luke. Tila natutunaw siya sa mga titig nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
43.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
69.2K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
39.6K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
244.5K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.4K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
92.7K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
49.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook