Three

1045 Words
Maaga siyang dumating sa meeting place nila ng kliyente niyang nakausap niya kanina. Inabot na siya ng mahigit isang oras sa paghihintay ngunit hindi pa rin ito nagpapakita. Panay rin ang tingin niya sa kaniyang cellphone baka tumawag ito o nagtext man lang ngunit hindi rin. Naiinip na siya kung kaya't tinawagan niya ito ngunit out coverage area ang cellphone nito. "Bahala nga siya sa buhay niya. Kung ayaw niya 'di 'wag. Sinayang niya lang ang bihis ko," pabulong nitong wika at padabog itong tumayo at nagmartsa palabas ng hotel na dapat doon sila magkikita ng kliyente niya. Hindi muna siya umuwi bagkus naglakad-lakad siya sa park na malapit sa hotel. Maliwanag naman ang park na iyon kung kaya't hindi siya natatakot na mag-ikot-ikot doon na mag-isa. Nang makaramdam siya ng pagod naghanap muna siya ng mauupuan upang ipahinga ang kaniyang paa. Kahit gabi na marami pa ring tao sa park na iyon at halos mga magkapareha at mag-asawa kasama ang mga anak nila ang nakikita niya. Habang nakatingin siya sa mag-asawa kasama ang anak ng mga ito hindi niya mapigilan ang malungkot at pamamasa ng kaniyang mga mata. Dahil nakita niya kung gaano kasaya ang mga ito habang nagtatawanan. Sapagkat sa buong buhay niya, ni minsan hindi niya man lang naranasan ang magkaroon ng kumpleto at masayang pamilya. Ibang-iba sa nakagisnan niyang buhay. Lumaki siya kung paano niya nasaksihan ang pag-aaway ng kaniyang mga magulang at kung paano murahin ng kaniyang ina ang kaniyang ama sa tuwing umuuwi ito na kulang ang perang dala galing sa pamamasada. Naawa siya noon sa kaniyang ama ngunit wala siyang magawa dahil pati siya namumura ng kaniyang ina. Hanggang sa isang araw, hindi na umuwi ang ama niya at iniwan na nga sila ng tuluyan. Gusto niya mang sumama sa kaniyang ama noon ngunit hindi naman niya alam kung saan niya ito hahagilapin kung kaya't nanatili na lamang siya sa kanilang bahay upang maghintay sapagkat nagbabakasakali siyang uuwi pa ito. Sobra ang lungkot na nararamdaman niya noon dahil tanging iyon lang ang nagmamalasakit at nagmamahal sa kaniya ngunit iniwan na rin siya. Labin-limang taong gulang naman siya noong inuwi ng nanay niya ang amain niya sa bahay nila. Naging mabait naman ito sa kaniya noong una ngunit hindi nagtagal napapansin niya na nag-iba ang ugali nito sa tuwing umuuwi ito ng bahay nila lalo pa at lasing ito at nag-iba rin ang pakikitungo sa kaniya. Kung ano ang nasaksihan niyang pag-aaway ng mga magulang niya noon, ganoon na ganoon din ang nakikita niya sa mga ito. Ngunit ang pinagkaiba lang ng bagong kinakasama ng kaniyang ina sa ama niya, sinasaktan nito ang ina niya samantalang ang ama niya hindi nito kayang pagbuhatan ng kamay ang kaniyang ina. Sa tuwing sasaktan naman ng amain niya ang kaniyang ina walang nagagawa ang kaniyang ina kun'di ang umiyak na lamang. Nang minsang kinausap niya naman ang kaniyang ina na hiwalayan ang kinakasama nito, nakatikim pa siya ng malutong na mura at sampal mula rito kung kaya't hindi niya na inulit ang kausapin ito tungkol doon. Nasa ganoong pag-iisip si Rita ng biglang umambon kung kaya't nagmadali siyang umalis at pumara ng taxi habang pinupunasan niya ang nangingilid niyang luha sa kaniyang pisngi. Kaagad namang nakasakay si Rita sa taxi at nagpahatid sa tinutuluyan niyang apartment. Nang makapasok na siya apartment na tinutuluyan niya pasalampak na umupo siya sa sofa. Ngayong gabi lang siya nabakante kung kaya't maaga siyang nakauwi. Bago sa pakiramdam niya na wala siyang ganap. Minsan hindi niya lubos maisip tumagal siya sa ganitong gawain. Minsan dumadating din sa punto na kinasusuklaman niya ang kaniyang sarili dahil nagawa niyang pagkakitaan ang kaniyang katawan. Kung minsan sinisisi niya ang nasa itaas kung bakit nangyayari ang ganito sa kaniya. Madami siyang katanungan na hindi niya rin mabigyan ng kasagutan. Siya Clarita Solis o kilala bilang Rita, ay lumaki sa isang mahirap at magulong pamilya. Dalawampu't walong taong gulang na siya. At sa edad niyang iyon iba't ibang lalaki na ang dumaan sa kaniya at nakatikim ng alay niya. Halos hindi niya na mabilang ang mga ito dahil halos gabi-gabi iba't ibang lalaki ang nakakaniig niya. Wala rin kahit isa sa mga iyon na sineseryoso siya dahil alam ng mga iyon kung ano ang papel ni Rita sa buhay nila... isang parausan. Minsan iniisip niya rin kung ano ang pakiramdam na may taong nagmamahal sa kaniya dahil simula noong umalis ang tatay niya pakiramdam niya wala ng nagmamahal sa kaniya. Pitong taon na rin ang lumipas at wala siyang balita tungkol sa kaniyang ama. Hindi niya rin alam kung saan ito hahanapin. Hindi niya rin sigurado kung sakaling magkrus ang landas nila kung makikilala pa ba nila ang isa't isa o hindi na? Subalit minsan naisip niya na mas maganda na, na walang may nakakaalam na kahit sino kung nasaan siya. Dahil ayaw niya nang balikan ang bangungot ng kaniyang nakaraan. Napapabuntong hininga na lamang siya sa tuwing naiisip niya ang nakaraan. Ngunit bigla namang sumagi sa isip niya si Dennis. Hindi niya pa rin maunawaan kung saan nito nakuha ang number niya at kilala siya. Dahil ang pagkakaalam niya tanging si Minerva lang ang nagbibigay ng number niya sa mga kliyente niya na gusto siyang ikama. At hindi ito nagbibigay ng ibang impormasiyon tungkol sa kaniya bukod sa pangalan niya lang na Rita. Imposible rin na makikilala siya nito kung sakaling nagagawi nga ito sa club dahil sampung taon na ang lumipas noong huli silang nagkita. Kahit siya hindi niya na rin kabisado ang hitsura nito. Muli siyang bumuntong hininga at pilit na iwinawaglit sa isipan niya si Dennis. Upang malibang binuksan niya na lamang ang TV at nanunood ng iba't ibang palabas. Halos wala rin naman siyang maintindihan sa mga pinanuod niya kung kaya't ini-off niya na lang ito bago pumasok sa kaniyang kuwarto. Nagbihis lamang siya at muling lumabas sa kaniyang kuwarto sapagkat nakaramdam siya ng gutom kung kaya't nagluto na lamang siya ng makakain niya. Habang nagluluto siya samo't sari ang pumapasok sa isip niya. Hindi niya na rin mabilang kung nakailang buntong hininga siya dahil pakiramdam niya may kulang talaga na gusto niyang gawin ngunit pinipigilan niya lang ang sarili niya sapagkat gusto niyang subukan kung hanggang kailan niya matitiis at makakaya na walang umaangkin sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD