TULOY-TULOY lang si Johairah sa paglalakad. Papunta pa lang siya sa last subject niya, ang music. "Miss, excuse me." Hindi agad nakaimik si Johairah ng tumambad sa kanya ang isang matangkad at ubod ng guwapong lalaki. Nang makabawi ay napalunok pa siya. "B-Bakit?" "Ngayon lang ako nakapasok dito sa Mori High kaya hindi pamilyar sa akin ang lugar." Ngumiti ito ng bahagya, killer smile ang loko. Though, parang pili lang ang nabibigyan ng ngiting iyon. "I'm Ashton Salcedo," he even extend his hand to her. Alanganing tinanggap niya iyon. "Johairah. Ahm, ano ba 'yung itatanong mo?" aniya ng mabawi ang kamay mula sa malambot nitong kamay. "Saan ba 'yung sinasabi ni Jamil na UHB Private Room?" "Si Jamil Ladjasali?" Tumango ito. "Ah, doon pa sa kabilang building. Nagkamali ka ng pinasukan. N