Chapter 01

1759 Words
NAPASINGHAP si Johairah ng muntikan na siyang matalisod. Mabuti na lang at mabilis niyang naibalanse ang katawan. Tiningnan niya ang relong pambisig. Fifteen minutes to go at magsisimula na ang klase nila. Kung bakit naman kasi sobrang lawak ng papasukan niyang Unibersidad, ang Mori High University. Ang pinakasikat at kinikilalang University sa bansa. Marami ang nangarap na makapag-aral sa naturang paaralan. Dangan nga lamang at limitado lang ang mga nakakapag-aral doon. Dahil tanging mayayaman lang ang nakaka-afford ng tuition fee. Hindi siya mayaman katulad ng iba. Sinuwerte lang siya at pinag-aral siya roon ng kanyang Tiyuhin. Sinuwerte ito sa buhay. At dahil wala na ang mga magulang niya kaya ang Tito Rey na niya ang kumupkop sa kanya ng mamatay ang lola niyang siyang nag-aaruga sa kanya sa probinsiya. Katitira lang niya sa bahay ng Tiyuhin nitong nakaraang bakasyon, sa Valle Encantado Village. Tinapos pa kasi niya ang pangalawang taon niya sa koleheyo sa probinsiya. At ngayon nga ay third year college na siya sa kursong Education major in Music, sa Mori High University na niya iyon ipagpapatuloy. Sa kagustuhan na rin ng kanyang Tiyuhin. Lakad takbo ang ginawa niya. Napapikit pa siya ng may pumasok na bato sa suot niyang flat shoes. "Pambihira naman," reklamo pa niya. Niyuko niya iyon habang patuloy sa paglalakad para tanggalin ang bato. Nang mag-angat siya ng mukha ay huli na para umiwas. Nabunggo niya ang lalaking nagmamadali rin. Mabilis naman siya nitong nahawakan sa kanyang baywang kaya hindi siya tuluyang bumagsak sa madamong ground na iyon. Pumikit siya ng mariin bago muling nagmulat ng mga mata. Ang lakas ng t***k ng puso niya. Unang araw ng klase pero heto siya at minalas pa. "S-Sorry." "Sa susunod tumingin ka naman sa dinaraanan mo," anito bago siya pinakawalan. "Hindi ko sinasadya." Tumabing pa sa mukha niya ang kanyang buhok. Marahas itong bumuntong-hininga. "What an old style. Luma na 'yang style mo, Miss. Marami ng gumawa ng kunwaring pambubunggo sa akin just to get my attention." Nagpanting yata ang tainga niya sa narinig. Inis na pinalis niya sa mukha ang tumabing doong buhok. "Anong nagpapa—" Natigilan siya noong makita ang mukha ng lalaking nakabungguan niya. Sa tantiya niya ay six footer ang lalaking ito. Maputi ito, makinis ang balat, matangos ang ilong, napaka-expressive din ng chinky almond eyes nito at mamula-mula ang labi. Sa makatuwid ay napakaguwapo ng kaharap niyang lalaki. Parang isang aparisyon. Palibhasa ay ngayon lang siya nakakita ng ganito kaguwapo dahil walang ganitong mukha sa probinsiya nila. Napakurap siya ng kumunot ang noo nito. "H-Hindi ako nagpapapansin..." Ngumisi ito na ikinalunok niya. "As if maniniwala ako sa iyo?" Guwapo na sana ang lalaking ito. Masyado lang mahangin at maangas. Pero sa kabila niyon ay hindi niya maiwasan na ma-attract dito. "Kung ayaw mong maniwala ay problema mo na 'yon," kunwa'y pagsusungit niya rito bago ito nilampasan. Napasimangot siya kapag kuwan. "Sayang ang kaguwapuhan niya. Hay, may kayabangan si Kuya." "Ang guwapo talaga niya. Saan kaya sila nagbakasyon ng mga kaibigan niya?" Narinig pa niyang sabi ng tulalang babae na naraanan niya. Halos lahat ng nakakasalubong at nakikita niya mapababae man o lalaki sa loob ng Mori High ay napaka-elegante ng pormahan. Napatingin siya sa kanyang suot. Siya lang yata ang naka-skiny jeans at naka-t-shirt sa Unibersidad na iyon. "Johairah, narito ka para mag-aral at hindi para makipagsabayan sa mga tao rito," sabi na lang niya. Nang mapatingin siya sa relong pambisig ay nanlaki lalo ang mga mata niya. "Hala, late na ako!" Tinakbo na niya ang department building na siyang papasukan niya. Napahinto lang siya nang makapasok sa nasabing gusali. Tama ba ang pinasukan niya? Para kasing lobby ng isang five star hotel ang bahaging iyon. "Hanep pala talaga rito." Lalo siyang namangha ng makitang may elevator din ang building na iyon. Napangiti siya. Hindi niya lubos maisip na doon na siya mag-aaral. Kasama ng mga anak ng pinakamayayamang tao sa bansa. Umakyat na siya sa hagdanan papuntang third floor kung saan naroon ang room sa unang subject na papasukan niya. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang wala pang professor sa loob ng room. Huminga muna siya ng malalim bago pumasok doon. Napataas pa ang kilay ng isang babae na nakapansin sa pagpasok niya. "Look at her, ang cheap. I'm sure hindi natin siya ka-level," maarteng saad ng babaeng naka-tube dress na halos ipangalandakan ang cleavage sa suot nito. Halata namang naka-push-up b*a lang ito para lumaki ang hinaharap. Nagtawanan pa ang tatlo nitong kasama. Mga naka-cross legs din habang nakaupo na animo ay mga kasali sa Miss Earth. Hindi na lang niya pinansin ang apat na mukhang Gorgons. Umupo na siya sa upuan na nasa sulok. Hindi man lang siya na-orient ng kanyang pinsan, na si Yamie, na sobrang lamig pala roon. Nakapagdala sana siya ng jacket. Ang mga tao naman doon ay mukhang mga sanay na sa lamig ng aircon. Palibhasa ay electricfan lang ang gamit nila sa dati niyang pinasukan. "For the first time of my life, magkakaroon tayo ng classmate na outcass," patuloy pa ring patutsada sa kanya ng mga ito. Kalbuhin na kaya niya ang mga ito? Nagpigil siyang lalo ng magtawanan pa ang apat. Wala naman siyang ginagawang masama sa mga ito pero siya pa yata ang napagbalingan ng mga babaeng mukhang ayaw madidikit sa mga simpleng babaeng kagaya niya. "My G! Sina Daizuke!" Ganoon na lang ang pag-awang ng labi niya ng walang poise na nagtakbuhan palabas ang apat na Gorgons at mga babae niyang classmate. Dinig niya ang pagkakaguluhan sa labas ng room. "Sino namang, Daizuke?" Dala ng kuryusidad kaya tumayo siya dala ang kanyang messenger bag at nakiusyuso sa may pintuan. Tila excited ang mga naroon na makita ang mga parating. Tumingkayad siya upang makita ang mga iyon. Maging siya ay hindi napigilan ang ma-star struck ng makita ang tatlong lalaki na animo mga prinsipe na naglalakad sa corridor. Lalong hindi magkanda-ugaga ang mga babae sa pagpapapansin sa mga ito. Umayos siya ng tayo at nakisiksik palabas ng pinto dahil nangangawit siyang tumingkayad. "Kienlee, date me. Please!" "Daizuke, pa-picture naman sa iyo." "Jamil!" Tili ng mga babae. Naitakip niya ang kamay sa tainga. Ganito ba talaga rito? Naturingang high class na school, ang mga student naman ay daig pa ang kinukurot sa singit. Natigilan siya. Diyata't ang nasa kaliwang lalaki ay iyong nakabunggo niya kanina? Nakumpirma niya ang hinala ng matitigan ito. Babalik na sana siya sa loob ng classroom noong mapadako naman ang tingin nito sa kanya. Napakunot-noo pa ito. "Gosh!" Impit na wika ng isa sa grupo ng mga Gorgons. "Kienlee's looking at me. Tabi nga riyan. Hinaharangan mo ang kagandahan ko." Tinabig pa nito si Johairah at pumwesto sa unahan niya. "Hi, Kienlee," malambing nitong bati ng malapit ng lumampas sa kanila. "Kienlee pala ang pangalan ng kurimaw na 'yon," bulong niya. Kaya pala feeling high ay dahil pinagkakaguluhan sa MHU. Mas natulala siya ay nang makita niya si Daizuke Niwa na nakatayo sa gitna. Napakaguwapo rin nito. Aaminin niya walang tulak kabigin sa mga ito. Busog na busog siya sa mga nakikita ng kanyang mga mata. May nag-i-exist pa palang ganitong tao sa mundo. "Date naman tayo, Kienlee," sabi pa ng babaeng Gorgons. "Masasayang lang ang oras mo sa kanya, Kienlee. Fake naman ang boobs niyan," apila ng isang babae. "Back off. Walang idi-date si Kienlee," malamig na saad ni Daizuke. "Hands off muna si Kienlee. Kaya girls, ako na lang ang i-date ninyo," kumindat pa si Jamil. Matalim itong binalingan ni Daizuke. "Isa ka pa, Jamil." Napakamot na lang sa batok si Jamil. "Walang kuwenta," bulong ulit niya bago tuluyan ng tumalikod. Napahinto lang siya sa paglalakad ng may humawak sa braso niya. Nakita pa niya kung paano panlakihan ng mga mata ang mga naroon. Napamaang siya ng sa paglingon niya ay makita niya si Kienlee. Those pair of eyes. Lihim siyang napalunok. "Ikaw 'yung kanina," mahinang sabi nito ng medyo yukuin siya upang magpantay ang mga mukha nila. Naitikom niya ang bibig. Kahit naguwa-gwapuhan siya rito ay nunca siyang aamin at magpapakita ng senyales. Hinding-hindi siya tutulad sa mga babaeng baliw na naroon. "Bitiwan mo ako." Hinigit niya ang braso mula rito. Mataman siya nitong tinitigan at hindi binitiwan ang kanyang pobreng braso. "May atraso ka pa rin sa akin at hindi ko 'yon makakalimutan." Tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa. "Skiny girl." Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Hoy, hindi por que baliw sa iyo ang mga babae na 'yan ay isa na rin ako sa kanila na mag-aaksaya ng oras mapansin niyo lang," mariin niyang bulong. "Nek-nek mo." "Oh, really?" "Bitiwan mo nga ako." Tadyakan na kaya niya ito? Pati kasi ang tuhod niya ay nanginginig na rin sa unang pagkakataon dahil sa pagkakalapit nila ng binata. Dito lang niya iyon naramdaman. At parang hindi iyon maganda. "Whatever, may atraso ka pa rin," giit nito bago binitiwan ang braso niya. Aapila sana siya ng ilapat nito ang hintuturo sa labi niya. "No buts, skiny girl." Balak na sana niya itong kagatin ng hilahin na ito ni Jamil palayo sa kanila. Nahabol na lang niya ito ng tingin. "Umagang-umaga nanliligaw ka agad, Lee," tatawa-tawa pang kantiyaw ni Jamil dito. "Wow. Just, wow!" Napakurap lang siya ng palibutan siya ng apat na Gorgons. Mga nakahalukipkip ang mga ito habang taas kilay. "Pati si Kienlee ko ay inaagaw mo," anang babae na nag-Hi kanina kay Kienlee. Naniningkit ang mga mata nito. "Tama si Ariz. Nakakainis ka. Inagawan mo kami ng eksena. Don't you know na sinayang mo 'yung chance na mayroon kami kanina? Grrr!" "Pasensiya na pero hindi ko alam ang sinasabi ninyo." First day of school kaya hanggat maaari ay ayaw niya na magkaroon ng kaaway. "'Wag kayong mag-alala. Hindi ko kayo aagawan sa Kienlee na 'yon." Nginitian pa niya ang mga ito. "Inyong-inyo na." Pumasok na siya sa loob ng room at naupo sa silyang inukupa niya kanina. Nakatingin na naman sa kanya ang mga tao. Awkward. "Good morning, class!" Natuon lahat ng atensiyon sa babaeng professor na pumasok sa room na iyon. Kitang-kita ang pagka-strick nito. "Sit down. Mag-a-attendance lang ako. Then puwede na kayong umalis sa time ko. Is that clear?" "Yes, Ma'am Fe." "Okay," umupo na ito sa unahan at nagsimula ng manawag ng mga pangalan nila. "Where's Miss Johaira Avila?" "Present, Ma'am," aniya na itinaas pa ng bahagya ang kanang kamay. Napatingin sa kanya ang lahat. Again, awkward. "So you must be the transferee student from Guinayangan, Quezon?" "Yes, Ma'am." Nagtawanan ang apat na Gorgons. "Taga bundok pala siya. Well, no wonder with her looks and attitude." "Quiet!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD