DAHIL MAAGANG pumasok si Johairah at wala rin namang klase sa first period ng umagang iyon kaya naisipan niyang lakarin mula sa may entrance gate ng Mori High University hanggang sa department building nila. Gusto niyang mapag-isa at mag-isip habang naglalakad. Siya lang ang tanging naglalakad doon. Natataniman ng nagtataasang puno ang magkabilang gilid ng kalsada. Dahil masyadong malayo sa mga buildings ang entrance ng MHU kaya lahat ng mag-aaral doon ay may kanya-kanyang sasakyan. Sa sobrang lawak ng MHU kaya hindi pa niya nararating ang ibang parte niyon. Ninamnam niya ang malamig na simoy ng hangin. Napabuntong-hininga siya pagkuwan. Sa marangyang lugar na iyon, hindi niya inakala na makakatagpo siya ng isang kagaya ni Kienlee. Si Kienlee Scott na tinaguriang playboy dahil sa papali