NAG-INAT NG mga kamay si Johairah. Napangiti siya habang inaayos ang mga gamit sa dadalhing bag pag-uwi niya sa Guinayangan, Quezon para magbakasyon kasama ang pamilya ng Tito Rey niya. "Pasok," aniya ng makarinig ng sunod-sunod na katok sa pinto ng silid na kinaroroonan niya. Pumasok si Yamie. "Tapos ka na, Ate Joh?" "Malapit na." Naupo ito sa gilid ng kanyang kama habang pinapanood siya sa kanyang ginagawa. "May chicka ako sa iyo, Ate Joh." Tumango siya kaya nagpatuloy ito. "Kilala mo naman siguro 'yung pinsan ni Jonquil na si Mark Brice Regala. Naisipan nilang magtayo ng chain of Alager Hotel Beach and Resort sa Guinayangan. O, 'di ba bongga?" Kumunot ang kanyang-noo. "Saan naman doon?" "Sa Island na nabili nila. Super private like Balisin Island in Polillo, Quezon. Minsan nga isa