C-21

1870 Words
Pinindot ko ang doorbell ng makarating ako sa tamang numero ng hotel room ni Madame Lennie. She said she wanted to thank me for helping her in the past few days. Okay lang naman talaga sa akin yon, di naman pwedeng magpasalamat siya ng paulit ulit. Pero hindi niya kasi ako tinigilan ng palabas na kami sa All mart ni Stephanie. Kaya wala na akong magagawa kundi ay pumayag na lang at here am I standing in front of her hotel room. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at nasilayan ko ang kanyang mukha na walang make up. Napanganga ako ng makitang kahit may sign of age na e, maganda at makinis pa rin talaga ang kanyang mukha. Marami talagang magagawa ang pera. “Hija pasok ka.” saad nito at nilakihan ang bukas ng pinto. Marahan akong tumango tsaka pumasok na nag-iingat, ayokong gumawa ng ingay. Nakakahiya naman sa may-ari ng kwarto. “Salamat naman at pumunta ka, Hija. I thought you didn't want to come here.” Mahina akong natawa, “Nakapag promise po ako sa inyo, Madame. Kaya tutuparin ko po.” nakangiti kong saad. “Upo ka muna, hija. Kukuha lang ako ng snacks at juice.” Umalis naman ito agad na hindi gusto na pakinggan ang angal ko, hindi naman kasi kailangan pa na merong snacks or anything. Okay lang sa akin ang water. Ang mahalaga ay natupad ko ang pangako ko sa kanya na pupunta ako ngayon sa hotel niya. Pagbalik niya ay meron na siyang bitbit na food tray, pagkalapag niya ay agad kong nasilayan ang sandwich at orange juice. Aaminin ko natakam ako sa sandwich, my fav food. “Pasensya ka na hija. Hindi pa pala nakabili ang anak ko ng cookies at ibang pwedeng pang snacks. Okay lang ba sayo ‘to?” halatang problemado ito sa snacks na dala niya. “It's okay po madam—” “Cut the Madame, Hija. You call me tita. Presto sarai mia nuora.” (You will be my daughter in-law soon.) Nakangiti nitong saad sa akin na ang panghuli ay hindi ko maintindihan. Agad naman kumunot ang noo ko ng na curious ako sa huling sinabi niya na hindi ko naman maintindihan kong ano ang ibig-sabihin non, I think it's an Italian language, yon. Kahit hindi ko maintindihan ay marahan akong tumango, “T-tita, So ano po ang gagawin natin ngayon?” tanong ko at umayos ng upo. Gulantang naman itong tumingin sa akin “Didn't I tell you back at the exit of Allmart? I mean, didn't I tell you what we're going to do now?” Marahan akong umiling, wala akong maalala na may sinabi siya kung ano ang gagawin namin ngayon. “Sorry about that, Hija. Is it okay for you to go to the mall? I mean kaunti lang kasi ang dala kong damit, I want to buy something.” nakangiti nitong saad. Tumango lang ako, wala naman akong problema kung saan kami pupunta basta huwag lang sa labas ng Isla. “Sure po, no problem tita.” “Bihis muna ako, Hija. Mag snack ka muna dyan.” nakangiti nitong saad. Tumango lang ako at sinundan ito ng tingin na papasok sa kwarto. Bumuga ako ng hangin tsaka marahan na napailing. Mukhang mapapagod ako ngayon, dahil sa mall kami pupunta. Ilang minuto ang nagdaan ng sa wakas ay lumabas na si Madame Lennie sa kanyang silid, nakasuot ito ng simple dress habang one inches heels naman. Simple pero nakapa elegante tignan. “Hija, ayos lang ba itong suot ko? Ito na lang kasi ang natira sa dinala kong damit e.” Nakangiti naman akong tumango, “You looks stunning, Tita.” pag puri ko sa kanya. Malawak naman itong ngumiti tsaka pinagmasdan ang sarili sa malaking salamin. “Let's go?” Tumango lang ako tsaka tumayo para makasabay sa kanyang paglabas. Akala ko sa hotel lang kami tatambay kaya hindi ko na lang dinala ang kotse ko. “Tita, I didn't bring my car because I thought we were going to stay in your hotel room.” pag explain ko ng nakasakay na kami sa elevator. Mukhang tsaka lang din nito napagtanto na wala kaming masasakyan, “Don't worry, dear. It seems like my son isn't busy anyway, so he can give us a ride. Or we can even make him our porter,” she said, chuckling at the thought. My face immediately changed upon hearing Tita's words. I wanted to avoid it, and now here I am, following his own mother. Nagkibit-balikat na lang ako dahil wala naman akong magagawa. “Wait a minute, hija. Tatawagan ko lang ang anak ko.” Tumitingin nalang ako sa ibang mga taong napadaan, malaki ang Isla dahil tatlo ang hotel na matayog at dalawa ang mall, dalawa din ang Grocery Mart. May maliit na hotel at mga convenience store at coffee shop, merong plaza. Para siyang maliit na city. Kaya kung dito ka naninirahan ay hindi ka ma boring, dahil kung ano ang nasa syudad ay meron naman dito. Hindi man gaano ka tao ay at least mag katulad lang naman. “He's on the way now, hija. Are you okay with my son coming with us? Or not?" Marahan akong tumango, "Yes, it's okay tita. He's your son after all." Pero sa totoo lang ay parang gusto ko nalang mag hanap ng alibay, naghahanap nga ako ng rason para maiwasan siya tapos eto ako, nakasunod sa gusto ng ina niya. Ilang minuto ang nag daan ng may itim na kotse ang huminto sa harapan namin. Binuksan ko ang pinto para makapasok si Tita ng nakita ko ang loob. “Oh, I forgot about that, hindi ko pa pala yan naibaba sa bahay, I'm sorry V—Tria.” saad ni Lennox na nakatingin sa akin mula sa rearview mirror. Napa-irap nalang ako, "Tita, may gamit po ang katabi ng upuan, Uhm sa harap ka p—" "Sa harapan ka nalang, hija. Ayoko kasi umuupo sa front seat." Marahan na saad nito. Wala na akong nagawa at tumango na lang, matapos kong inalalayan ang ginang papasok ay pinasok na rin ako sa front seat habang pigil na pigil ang hininga. Napaigtad ako ng sobrang lapit ng mukha ni Lennox sa akin, “W-what a-are you... d-doing?” gulat kong saad. "Seatbelt, relax I can't kiss you here, because my mom is here." Bulong nito sa akin. Halos hindi na ako makahinga dahil sa pagpigil ng hininga ko at dagdagan pa sa sobrang lapit ng kanyang mukha. "Breath, baby." Hindi ko na kayanan kaya't mahina ko siyang tinulak, “Umayos ka, Lennox.” Pero ang loko, tinawanan lang ako. Samantalang ako rito e, halos hindi na makahinga dahil sa kaba. Ilang minuto ang ginugol namin sa daan, mabuti na lang dahil hindi gaano kadaldal ang mama ni Lennox. Nakatingin lang ako sa labas, kung noon ay na appreciate ko pa ang daan dahil sa kalinisan ngayon, parang hindi. Hindi ako natutuwa sa mga nangyari. Pasikreto akong bumuga ng hangin ng pumarada na ang kotse, I was about to talk when Lennox suddenly ask his mother. "Mom, sasama ako sa inyo?" Nakakunot-noo nitong tanong. Agad naman kumindat si Tita sa akin, "Of course, sino ang taga bitbit sa bibilhin namin? Huwag mong sabihin na si Tria ang ipa bitbit mo sa mga bibilhin ko?" Agad naman nagkamot sa ulo ang anak nito, pero bakit sa paningin ko ay parang mas nasayahan ito? Or guni-guni ko lang ba yon? Nagkibit-balikat na lang ako tsaka sumunod sa paglalakad ni Tita, "Hija, come here. Huwag ka sa likod ko maglakad, sabay tayo,“ Nakangiting saad nito. Sumabay nalang ako sa mama ni Lennox at tahimik na naglalakad, niyakap pa ni Tita Lennie ang braso ko para sabay kaming maglakad. Hilaw akong napangiti ng biglang tumingin si Tita sa akin. "Hija, ano ba mas bagay sa akin? Long dress or pants?" She asked. "Mmm.... I think bagay po sa inyo lahat." Saad ko nalang ng hindi ako makapag-isip ng matinong sagot. Kailanman ay hindi kami nag mall ni mama dahil si papa palagi ang bumibili ng damit namin, kasama ang kabit niya. Kaya minsan lang kaming nag mall kapag dadayo ang ibang pamilya ni papa. "Totoo? Come here, doon tayo." Saad nito ay tinuro ang isang boutique na alam kong pinakamahal sa Isla. Kailanman ay hindi ako pumasok sa boutique na iyan dahil sobrang dolyar ang presyo, kung doon ako sa mura paniguradong marami akong mabibili at may sobrang pera pa. Pagpasok namin ay sinampal agad ako sa mannequin price, isang terno na sobrang sexy at naghahalagang bente-mil. Anong klaseng damit yan? Sa bente-mil marami na akong nabibili ilang buwan ko na yang allowance. Susmaryosep. “Tria hija, huwag kang mahiya mamili ka ng para sayo.” Malaking mata akong napatingin kay Tita Lennie, “P-po?.... Naku po, huwag na po. Marami po akong damit hindi naman ito kailangan.” Malungkot naman itong tumingin sa akin, "Please....." "Babe, gawin mo na lang ang gusto ni mama, kung ayaw mong magtagal rito sa mall. Siguradong hindi ka n‘yan titigilan hanggat hindi ka niya napapayag." Biglang bulong ni Lennox sa akin. I felt the hairs on my nape rise because of the warm breath brushing against it, due to Lennox being so close. I held my breath, and my heart started beating faster. I swallowed hard, and my palms began to sweat. "Babe, don't hold your breath. I didn't do anything to you. But you're cute when you're blushing.“ Dagdag pa nito. Agad kong siniko ang tiyan niya at rinig ko naman na napa-igik siya dahil sa ginawa ko. Hindi ko mabilang kung ilang minuto na kami paikot-ikot sa loob ng boutique, pero kahit isa ay wala akong mapili. Ang mahal ba naman kasi ng presyo, kahit scarf or panyo man lang. Panyo? Three hundred pesos each? Anong klaseng panyo yan? e pang pahid lang naman yan ng sipon o pawis tapos ganyan ka mahal? Jusko Lord. "Hija wala ka pa bang napili?" Agad akong napatingin sa likuran ko ng magsalita si Tita doon, marahan akong umiling, “Wala po, Tita.....Uhm ang mahal naman kasi, e.” pag-amin ko. Agad naman itong natawa, "Hija, huwag mong tignan ang presyo. Kunin mo nalang kung ano ang gusto mo." Nakita ko ang isang summer dress, "I think the summer dress is enough, Tita. I like the design," I said, but deep inside, I wanted to scream out of embarrassment and foolishness. Sa una ay nakita kung napakunot-noo ang ginang at ilang sandali ay natawa ito ng mahina, "But that summer dress is for pregnant women, dear." Parang gusto ko nalang lamunin ako ng tiles at maglaho sa harapan ng ginang, gaga ba naman kasi. Mag palusot na nga lang palpak pa. "H-hindi po yan ang ibig kong sabihin tita, I mean that dress." Saad ko at tinuro ang katabing dress na mukha namang hindi pang buntis. Napapailing itong natawa tsaka lumapit sa dress na tinuro ko, “May tastes ka sa damit, hija.” puri nito. Pero sa pakiramdam ko ay hindi, dahil sa katangahan ko kanina ay nilalamon ako sa kahihiyan. Sinong tanga ba kasi ang pipiliin ang isang dress na para sa buntis.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD