"Good Morning, ma'am Aiyanna!" bati ni Gwen ang sekretarya ng kanyang ama, kakarating lang niya sa opisina para sa board meeting. Binati niya ito pabalik bago pumasok sa opisina ng kanyang ama. She walked towards the glass window of the office and pulled up the window shade. Napa-buntong hininga siya habang nakatingin sa labas ng bintana, sa totoo lang kasi ay kinakabahan siya sa magiging meeting mamaya. How she wish Clyde would be here, ngunit ilang araw na itong walang paramdam. Matapos kasi ang sabay nilang pagpunta sa ospital ay nagpaalam itong magiging busy ito sa opisina at may ilang meeting pa raw ito na out of town. Hindi rin naman niya alam ang cellphone number nito upang ma-update niya ito tungkol sa meeting, she's used to her dad being in-charged. At ngayon ay naninibago siya d