CHAPTER 12 Naglalakad siya sa kahabaan ng daan ngunit wala siyang alam na pupuntahan. Di niya alam kung saan siya matutulog. Ni wala siyang pera para magamit niya sa pag-uwi sa kanila. Sana pala kinapalan na lang niya ang mukha niya kanina sa pagtanggap sa inaalok sa kaniyang pera. Ano kaya kung babalik na lang siya sa bahay ng Tito niya? Kaya lang, paano niya masisikmura ang ginagawa ng Tito niya sa kaniya? Nangyari na kasi iyon ng minsan at siguradong maulit pa iyon ng maulit. Muli siyang napapaluha. Natatakot siya sa daan, kinakabahan siya sa kung hanggang saan siya dadalhin ng kaniyang mga paa, tumitindig na ang balahibo niya kasi paano kung mapagtripan siya ng mga lasing o kaya adik na makakasalubong niya sa lansangan? Nagulat siya nang biglang may humintong bus sa tapat niya.