CHAPTER 30 "I am suggesting na hayaan mo ang sarili mong bukas sa kahit anong maramdaman mo. Hayaan mo ang damdamin mong gumana at hindi muna manghimasok ang isip mo." Napaisip si Justine. Sinapo niya ang kaniyang ulo. Kailangan ba niyang guluhin ang tahimik niyang buhay dahil lang sa may hindi na niya kayang supilin pa sa pusong nararamdaman kay Airish? "Wait, I have this proposition," masayang tumayo si Airish sa harap ni Justine. "What if in two weeks, let's just enjoy each other's company, no string attached. Walang tayo. Iparamdam ko sa'yong mahal kita at hayaan mo rin ang sarili mo kung hanggang saan ang kaya nitong maramdaman. Mag-enjoy lang tayo kasama ang isa't isa. You'll decide kung nasa Manila na tayo. Ano? Deal?" Tumingin si Justine kay Airish. Walang emosyong mababasa sa