The President’s Princess Phenomenal Romance Novel by: Joemar Ancheta CHAPTER 20 Napansin ni Airish ang biglang pagkawala ng ngiti sa labi ni Justine. Tumabi siya sa kaniya. Naglapat ang kanilang ulo sa iisang unan. NIlingon niya si Justine. Iniharap din ni Justine ang kaniyang mukha sa kaniya. Halos magkabunggo na ang kanilang mga ilong. Lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib. Matagal na niyang pinangarap na maglapat ang kanilang labi. Noon pa niya pinipigilan ang sarili na halikan ito. Ilang gabi nang gusto niyang nakawan ng halik ang mapupulang labing iyon ni Justine at ngayon, parang hindi na niya kailangan pang magnakaw. Nararamdaman niyang doon na din mapupunta ang lahat. Napalunok siya. Dahan-dahan na niyang inilalapit ang mukha niya sa mukha ni Justine. Hindi pa rin tumitinag