CHAPTER 41 "Kung ako ang magkakapera, gusto ko, dito ko itatayo ang bahay ko para sa mahal ko. Paggising namin sa umaga, sabay kaming magkakape habang nakatingin sa luntiang paligid. Gusto kong dito naming gugugulin ang aming mga panahon. Masayang magkahawak kamay na akyatin ang burol. Sa tuwing hapon, sasandal siya sa dibdib ko habang pagmamasdan namin ang paglubog ng araw. Sana magiging akin ang pangarap kong pag-ibig. Siya lang ang alam kong kukumpleto sa akin buhay." puno ng damdaming sinabi iyon ni Ralph. Kibit-balikat lang si Airish. Napangiti siya sa narinig niyang iyon. Kinilig. Tama si Ralph, nakagagaan nga sa pakiramdam na nasa ganoong lugar siya ngayong parang hinihiwa ang puso niya sa sakit na likha ng walang kasiguraduhang pagmamahal niya kay Justine. Dama niya ang maini