CHAPTER 10 "Kapag sinasabi ko, ginagawa ko talaga kaya huwag mo akong subukan Miss A! Bubuhatin kta pababa dito sa bus! Ano, ayaw mo talagang tumayo?" Kumunot ang noo ni Airish. Nagsimula nang gumalaw ang mga kamay ni Justine para buhatin siya ngunit mabilis na tumayo ang naiiritang si Airish. Napangiti siya. Hindi naman siya talaga sira-ulo para buhatin ang isang kanyang amo sa ganoong kadahilanan lang 'no. Sinusubukan lang niya ito at kumagat din naman. Mukhang alam na niya ang kiliti ng First Daughter. Alam na niya kung paano niya ito pasusukuin. "Kasi naman eh!" singhal ni Airish. "Sige, bababa na ako pero magtutuos tayo at gusto kong sumagot ka sa akin kung ano ang totoo." Napangiti si Justine. Mukhang alam na niya kung tungkol saan ang sinabi nitong pagtutuos. Magkasunod s