CHAPTER 23 "Kuya, sorry, sinabihan ko naman ho siya kaso..." maluha-luhang sinabi iyon ni Ralph. Hindi na yata humihinga." Natatarantang pa nito na siyang lalong nagpanerbiyos kay Justine. Inilagay ni Justine ang dalawang palad niya sa dibdib ni Airish. Ipinihit niya iyon ng tatlong beses. Inulit niyang muli umaasang hihinga ito. Nang wala pa rin ay hinawakan niya ang ilong ni Airish at ibinuka niya ang labi ni Airish saka niya binugahan ng hangin. Mangiyak-ngiyak na siya sa nerbiyos dahil mukhang walang nangyayari. Inulit niya iyon ng inulit sabay sabing..."Please Airish, lahat gagawin ko huwag ka lang mamatay. Please!" bulong niya at muling inulit ang CPR. Hanggang sa umubo si Airish at lumabas ang maraming tubig sa kaniyang bibig. Suminghap siya ng hangin. Binuksan niya ang kan