NAALIMPUNGATAN si Trina sa loob ng kotse. Napahikab siya at unti-unting iminulat ang kanyang mga mata. "Dumating na ba tayo?" inaantok niyang tanong nang maramdaman na parang hindi na tumatakbo ang sasakyan. "Nasaan na tayo?" muli niyang tanong, pero wala namang sumasagot. At nang mapatingin siya sa kanyang tabi ay wala na si Daryll. Hindi niya mapigilan ang mapasimangot nang mapagtantong mag-isa na lang siya sa loob ng sasakyan. Pero nang mapatingin siya sa labas ay ganoon na lang ang paglaki ng kanyang mga mata nang makita ang nangyayari. Si Daryll na nakikipaglaban sa maraming kalalakehan, pero hindi 'yun ang kumuha sa atensyon ni Trina, kundi ang dalawang lalake sa likuran ng kanyang asawa na may hawak na lambat. Napaawang na lang ang kanyang labi nang inihagis na nga ng dalawan