ISANG ORAS nang nakaupo si Trina sa loob ng kotse ni Clarence pero hindi pa rin bumabalik ang kaibigan. Sabi kasi nito ay maghintay lang siya saglit dahil kakausapin lang daw nito ang step-mom nito. Napahinga si Trina ng malalim at sumandal sa upuan ng kotse. Parang inaantok na naman siya. Ipipikit na sana niya ang kanyang mga mata para sana umidlip saglit, pero agad din siyang napamulat nang marinig ang pagbukas ng pinto ng sasakyan. Pumasok ang kanyang kaibigan na ubod ng seryoso. "Oh, bakit ganyan ang mukha mo?" nagtataka niyang tanong. "It's nothing, kitten.." sagot ni Clarence at tipid na ngumiti sa kanya. "Saan nga pala kita ihahatid?" Pinaandar na nito ang kotse. Natigilan naman siya sa tanong nito. Saan nga ba siya magpapahatid? She has nowhere to go, at lalong ayaw niyang u