NAGISING si Trina sa ingay na nagmulala sa kanyang phone na nasa bulsa ng suot niyang faded jeans. Kaya kahit inaantok man ay agad niya itong kinuha, at akmang sasagutin na ang caller pero bigla naman itong na lowbat. Ipinikit niya na lang uli ang kanyang mga mata, dahil talagang inaantok pa siya at gusto niya pang matulog. Nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ay muli siyang napamulat nang konti. "Anong oras na ba?" inaantok niyang tanong kay Clarence na siyang kapapasok lang. "I've been waiting for you to wake up. It's already 10 pm. Kailangan na nating mag-dinner, kitten. Pwede ka namang matulog ulit, pero bago 'yun ay kailangan mo munang kumain.” Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Trina sa narinig. Napabalikwas siya ng bangon. "Anong sabi mo? 10 PM na ng gabi?" gulat niyang tano