MATAPOS hugasan ang mga plato na kanyang pinagkainan ay umakyat na si Trina sa kuwarto at nagbihis, dahil kailangan na niyang humanap ng trabaho. At siguro ay dapat na nga niyang i-withdraw ang kanyang mga naipong pera sa bangko. Ang totoo ay nilalaan niya ang perang 'yun para sa paglabas ng kanyang ina. Balak niya kasi itong surpresahin kapag nakalabas na ito, gusto niya itong regaluhan ng magandang bahay katulad ng ibang magulang. Kaya nga ginawa na niya lahat ng pagtitipid para lang makaipon. Sa sobrang pagtitipid niya ay mas pinili niya ang manirahan sa mumurahing apartment, pero napaalis naman siya dahil sa hindi niya pagbabayad ng upa. Naniniwala kasi siya sa kasabihan, na kahit gaano ka pa kayaman kung hindi ka marunong mag-ipon at magtipid, sa bandang huli ay sa kangkungan ka pupu