“SIGURADO ka na ba sa desisyon mo?” tanong ulit sa kanya ni Yumi habang nilalagay ni Aya ang mga bagahe niya sa trunk ng kotse. Ngumiti si Lia sa mga kapatid. “Oo, nandito na ‘to eh. Saka ayoko naman ipagkait kay Michael ‘yung kagustuhan n’ya na masubaybayan ang pagbubuntis ko,” sagot niya. Lumapit ang kanyang ama at hinawakan siya sa kamay at tinapik iyon. “Kalimutan n’yo na ang nangyari noon, anak. Mas makakabuti sa inyo at sa magiging anak n’yo na magsimula ulit kayo. Mabait si Michael, naniniwala ako doon, siguro ay talaga lang na hindi kayo nagkaintindihan.” “I agree. Give it a try first. Kapag tumagal at talagang hindi kayo nagkasundo. Pwede ka naman umalis at bumalik dito anytime,” payo pa ni Yumi. “Ang importante sa ngayo