bc

Markus Kismet #KingFromNobody

book_age18+
394
FOLLOW
1.1K
READ
reincarnation/transmigration
mafia
tragedy
serious
straight
realistic earth
rebirth/reborn
like
intro-logo
Blurb

Markus was known as a strong man who has been group in a forbidden type of people, a mafia, who instructed him to make a crime against humanity. Aside from his strong personality, he wasn't able to realize on how to be a good person.

Unforeseen, Markus was accidentally died in a tragic incident, thinking that it was his punishment for his wrong doings. After death, Markus did not expect that he would be born again to be far from his former life in the past. By living in a new life, he is going to face the biggest punishment he could which surprise him to be an old man and a nobody in a land of unpredictable place. Without knowing that it serves as his mission with his new life.

Will he return to his past life after finishing his mission? Or he just ended up nostalgic with his destiny?

chap-preview
Free preview
Chapter 1- Ruling The Deceit
"YOU know our number one rule, Markus, so if it’s not clear to you, go ahead and make a research over and over again!" The leader was irate when he knew that Markus plans has been scattered. Kilalang batikang mafia member si Markus at kinatatakutan ang kanilang grupo dahil sa kanilang bentahan ng mga baril at droga sa kapwa nila sindikato. Ngunit sa kabila no'n ay hindi palaging perpekto ang aksyong nagagawa niya. Dahilan para masilip iyon ng leader nilang si Mr. Consuelo. "No wonder how it was easy for you to judge my expertise, leader. Kung sa iba pa nga nating miyembro ay kinaya-kaya mo na," giit niya. Mr. Consuelo has begun to be quiet. Dahilan para magtaka sandali si Markus. "O, ano? Tama naman ako, right? Ang hirap kasi sa'yo ay napaka-perfectionist mo! Bakit? Hindi ka ba nagkamali?" Suddenly, the leader has starting to grasp his finger, nagbabadya ito na magkasa ng baril. "Don't you ever say that to me! Ikaw pa lang ang nagsabi sa akin ng ganiyan!" He shouted as he fires the gun and pointed it to him. But surprisingly that Markus did not even see any fear from him. So he shout as he could. "Sige, subukan mo! Baka nakakalimutan mong nakasalalay sa akin ang reputasyon ng grupong ito!" panghahamon niya pa rito. At doo'y dahan-dahan nitong ibinaba ang baril. And eventually, Markus had won on their debate. The reason why his leader didn't let go of him despite of his imperfection. Wala naman talagang perpektong tao pero sinisigurado niya na ang kaniyang bawat aksyon ay may magandang patutunguhan. Ewan ba niya kung bakit sa dinami-rami ng naitulong niya sa grupong kinasasangkutan ay napuna pa ang kaniyang kaisa-isang kamalian. Kagaya ng dati ay uuwi siya sa kanilang bahay na parang walang nangyari. Dala-dala ang kinitang pera para sa kaniyang ina na nagmi-maintenance dahil sa pagkakaopera nito sa apdo. At kahit pa galing sa ilegal ang perang pinanggagamot sa kaniyang ina ay wala siyang pakialam, ang mahalaga naman ay mas humaba pa ang buhay nito. Sa katunayan ay hindi na nga niya naisipang mag-asawa dahil sapat na sa kaniya ang manatili sa piling ng inang nangangailangan ng aruga niya. Dahil matagal na rin itong biyuda sa kaniyang asawa. Katwiran niya'y ibinabalik niya lamang ang mga panahong ito ang nag-alaga sa kaniya simula bata hanggang sa siya'y magka-isip na. "Magandang gabi, anak. Bakit parang hapong-hapo ka yata?" pagbigay puna nito sa kaniya habang inililigpit niya ang kaniyang mga dalang gamit. "Masyado lang pong maraming pinagawa ang amo namin." "Aba'y uso ang magreklamo, anak. Mabuti sana kung sila ang mahihirapan kapag nagkasakit ka." Bahagya siyang napalingon sa sinabi nito. Kapagkuwa'y pinagmasdan niya ang kaniyang ina na iniinda ang pagsakit ng tiyan. "Inay, ano pong nangyari?" "Wala ito, anak. Marahil ay sinikmura lang ako sa ininom kong tubig," sagot ng kaniyang ina na si Marissa. Pero parang hindi siya na-satisfied sa isinagot nito kung kaya't nilapitan niya ang kaniyang ina upang siguraduhin na nagsasabi ito ng totoo. At nadismaya siya nang maamoy ito na amoy alak. "Inay, nag-inom ka na naman ba?" Nasapo niya ang sariling noo nang dahan-dahan itong napayuko dala ng kahihiyan sa kaniya. "Kailan ka pa ba madadala sa pinaggagawa mo? Alam mo namang bawal sa'yo ang mag-inom dahil wala pang isang taon nang maoperahan ka!" sigaw niya rito dahilan para manginig ang labi nito. "A-anak.. pasensya ka na, ito kasi ang paraan ko para mapawi ang kalungkutan simula nang mawala ang itay mo." "Inay naman, nandito ako. Hinding-hindi kita iiwan, alam mo naman 'yon, 'di ba? Umaalis lang ako para kumita ng pera kahit--" Muntikan na siyang madulas sa sasabihin. "Kahit ano? Kahit sa masamang paraan?" Hindi niya inaasahan na lalabas iyon sa bibig ng kaniyang ina. Matagal na panahon na rin simula nang sumangkot siya sa grupo ng sindikato. And there's a part of him that he was repentant from choosing illegal job. Bahagya siyang napalihis ng direksyon upang uminom ng tubig. Pagkatapos uminom ay doon lang sumagot, "Ano po bang sinasabi mo, inay. Dugo at pawis ko ang aking puhunan para lang mabigyan tayong dalawa ng magandang buhay." And all his words become useless when her mother slap him. The thing that he was confused to. "'M-minsan na kitang nakitang may hawak na baril, anak at hindi ko alam kung paano ka tatanungin tungkol doon," panimula nito na nagpatahimik sa kaniya. At saka ito muling nagsalita. "H-hindi ko maintindihan kung paano mo nagawang ilihim sa akin ang trabaho mo-- kung ilegal man 'yan o hindi, kung ikapapahamak mo man 'yan o hindi. Ang tanging naiintindihan ko lang ay alam kong hindi ako nagkulang ng pangaral sa'yo.." Nanatiling tikom ang bibig niya at kahit anong nais niyang ipalusot, sa tingin niya ay magiging useless lang iyon. - Panibagong araw na naman ang bumungad sa kaniya upang harapin ang isang trabaho na kailanma'y hindi niya pinangarap na pasukan. Pero dahil sa hirap ng buhay ay wala siyang choice kundi ang sumugal sa hamon ng buhay. Dahilan para matuto siyang lumaban at maging matapang. Markus is just an ordinary man, hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral simula nang mamatay ang kaniyang ama. Kaya naman gumawa siya ng paraan para maipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo. At dahil sa labandera lamang ang kaniyang ina no'n ay hindi sapat ang kinikita nito para masuportahan ang kaniyang tuition fee. Kaya naman nasangkot siya sa isang grupo ng isang sindikato nang makilala niya si Marek na isa sa malapit niyang kaibigan at para offer-an siya ng isang trabahong p'wedeng pagkakitaan kahit ilegal. “Galingan mo palagi, Markus, dahil matindi kung maging magparusa si Mr. Consuelo,” sabi pa iyon ni Marek na sadyang naging palaisipan sa kaniya. “Pero bakit ayaw mo nang bumalik sa grupo?” “Dahil minsan niya na rin akong binantaan ng kamatayan,” sagot nito na nagbigay kaba sa kaniya. Kinalaunan, sa kaniyang pagpasok sa bodega ng mga droga at baril ay nadatnan niya ang malakas na sigaw ni Mr. Consuelo. "I am giving you one last chance to give me the biggest client in the city! And if not, I am going to kill you," mariing panghahamon nito sa tauhang si Skie. Bagay na nagbigay kilabot kay Markus. Kung itutulad kasi sa kaniya si Skie ay mahina ito at madaling sumuko. Kaya para matulungan si Skie ay siya na ang umako ng tungkulin nito kahit napakailap nga mahanap ng gano'n kabilis ang kliyente sa drogang kailangan ni Mr. Consuelo. Lalo pa't hindi naman niya alam kung saan ang mga lugar kung saan laganap ang drug pushing. "Master," pagputol ni Markus sa sandaling tahimik ang lahat. "Ako na lang ang gagawa," kalmadong aniya na bahagyang nagpakunot ng noo ni Mr. Consuelo. At sa tinginan nito'y inaasahan na imposibleng magawa niya 'yon lalo na't hindi iyon ang nakatoka sa kaniya. And apparently, his decision has granted by Mr. Consuelo and just like a waiting punishment for Skie, if he didn't succeed on the mission, the return of this is his life.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook