Maaga pa lamang ay gising na ako para mag ayos kahit na ala sais y medya pa lamang ng umaga. Sabagay, mamaya pa naman ang pasok ko; pero meron pa akong kailangan gawin sa School. Kakatapos ko lang maligo at magbihis at maglagay ng powder sa mukha at kaunting lipgloss sa labi ko.
"Magbreakfast ka muna bago pumasok ng school mo... " sabi ni Mommy Avery pagkababa ko papuntang dining table ng madatnan ko silang kumakain ni Mama Khaelle .Umupo naman ako sa tapat ni Mama at sumandok ng fried rice at hotdog sa plato ko at kumain. Nilapag naman nito ang tinimpla nyang milo sa akin.
Sakto naman na pababa na si Ate Avara ay nakabihis na din sya at papasok na din sa school. Lumapit naman ito sa mommies namin at humalik sa pisnge. Sabi nila mommy sila ate Avara at Ate Vien Ay galing kay Mommy Avery at ako naman ay kay Mama Khaelle.
" Alis na po kami mga mommies" sabay mosyon nito at hinalikan din ako sa ulo. Mabilis ko naman tinapos ang kinakain ko at ininom ang tinimpla ni mami.
Nagpaalam na din ako sa kanila at nagpahatid sa family driver namin sa school. Nagte traing palang kase ako para mag drive kaya wala pa akong sariling sasakyan. Si ate Avara naman ay may sariling sasakyan, gift sa kanya ni ate Vienn ng dumating sya 2 months ago galing sa Paris. They are my oldest sister.
Inayos ko naman mga gamit ko at sinukbit ko sa magkabilang balikat ko ; bag pack kase dala ko. Agad ko naman na pinakita ang I. D ko sa guard at pagkatapos ma scan ay pinapasok na ako sa loob.
" President! "
" Ponkan! " isang tao lang naman ang tumatawag sa akin ng ganun na walang respeto tsk. Ang iba naman ay binabati ako.
Someone called my name at my back. Ng lingunin ko naman ito ay walang iba kundi si briana. Nakasukbit na naman ang braso nito sa akin at hinalikan pa ako sa pisnge. Sanay na ako sa mga galawan nya pero hinayaan ko nalang.
" Saan ka pupunta? "tanong nya habang naglalakad kami sa corridor.
" sa Office. May kailangan kase kaming pag-usapan ng mga officers dahil don sa nalalapit na activities. " sabi ko habang Inaayos ang mga bitbit kong gamit sa kamay ko.
" Good morning Pres! " dinig kong bati ng mga nakakasalubong namin. Nag bow pa ang mga ito na akala mo naman mukhang royale hahaha kaloka.
Ayoko kase sa lahat ay walang galang at walang modo pagdating dito sa school. Ewan ko ba bakit ako ang pinili nilang President SC, pero infairness, takot sila sa akin. Mabait ako sa mabait sa akin.
Nag mosyon naman itong pupunta ng library at sabay nalang kaming dalawa pupunta ng room mamaya.
Nandito na ako sa officers council at pumasok sa loob. Nadatnan ko palang naman sina Gray at Paula na nag uusap.
"Good morning Pres! " bati nilang dalawa sa akin at tinanguhan ko naman ang mga ito. Nilapag ko naman ang mga dala kong gamit sa table at umupo.
" Nasaan na 'yong iba? Bakit kayo lang nandito? " tanong ko sa kanilang dalawa habang may sinusulat sa notebook.
" Si Troy dumaan saglit sa hospital dahil may sakit kapatid nya kaya sya muna nagbantay...mamaya nandito na 'yon." Gray replied me. Napatango na lamang ako.
" Ok. Sabihin mo nalang sa ibang mga officers na may meeting tayo mamaya para don sa club activities. " Tinignan ko naman ang watch ko at mag eight fifteen na. Agad naman na tumango ang mga ito.
" Sige Pres, sabihan namin 'yong iba kapag dumating na sila dito... " Tumango nalang ako kapag binitbit ang mga gamit ko papalabas ng office.
Sakto namang papalabas na ako mg makita ko si Brianna na nakikipag usap sa Librarian sa labas. Ang landi talaga ng babaeng 'to.
" Brianna! " tawag ko sa kanya pagkalapit ko sa kanila. Binati ko naman si Sir at ngumiti. Nagpaalam naman na kami s akanya para pumunta na ng room namin.
" heck! Ang gwapo ni Sir" kinikilig na turan nya parang pusang nawawala sa kalye itsura nya tsk. Hinayaan ko nalang sya sa pagpantasya nya.
"Alam mo ba na si miss Geneses ang pansamantalang papalit muna kay Sir Guerero? " bakit naman daw?
" Bakit daw? At sino naman 'yang si miss Geneses? " nakakunot naman ang aking noo habang nakatingin sa kanya kaya bigla syang natawa.
" sabi na eh, hindi ka nakikinig... Late ka na sa balita" eh sa hindi ko naman alam kung sino 'yon e. Madami kase akong inaasikaso.
" Naki maritess ka na naman... " Apaki tsismosa talaga ng babaeng 'to. Natawa na naman ito sa sinabi ko.
"Hindi noh! Nadinig ko lang alam mo naman na naglaganap mga maritess hahaha" hindi ko nalang ito pinansin dahil malapit na ang klase namin sa culinary at ma le late na kami.
" Tsk... Isa ka na d'on"bara ko sa kanya.
Pagkarating namin sa tapat ng room namin ay nakasarado ito at ang tahimik sa loob. Bakit kaya? Nakaramdam naman kami ng kaba habang pinipihit ang pinto ng biglang bumukas ito kaya nagulat kami ni briana.
" You're late! " sabi ng taong nasa harapan namin pagkatapos buksan ng pintuan. Nakahalukipkip naman ito sa harap namin at humingi kami ng pasensya. Bakit naman kase na late kami e. Pinasadahan ako nito ng tingin at hinagod ako mula ulo hanggang paa.
" Sit down. " she said monotone voice in proffesor mode.
Agad naman kaming umupo sa bandang harapan dahil 'yon nalang ang bakanteng upuan malapit sa desk ng proffesor.
" I'll introduce myself... I'm Miss Genesis Rodriguez. You can call me Miss Genesis... " She introduce herself with us and Nakatingin ito sa harapan namin at napapansin ko din na nagtatama ang mga mata namin na wala naman akong nakikita kundi ang malamig nyang tingin at ang pagiging proffesor mode nya.
" I'm your substitute proffesor with Sir Guerero...so your subject to me is culinary. " she cleared her throat at napatingin sa gawi ko. Napalunok naman ako sa pagtitig nya. Namukhaan kaya nya kami? Nakaramdam naman ako ng pasiko ni ng katabi ko ng pumunta naman ito sa tapat ko.
" Hindi ako maglelecture ngayon, get one forth sheet of paper and isulat nyo ang name nyo at 'yon ang magiging attendance nyo para sa akin... Kung sino man ang wala dito ngayon automatic absent. Is that clear? " Umalis na ito sa tapat ko at pumunta malapit sa white board at sinulat nya ang doon ang full name nya.
"pass your papers... " Dinig kong sabi nya kaya sinulatan ko agad ang papel ko at pinasa sa katabi ko. Tumingin naman ako sa watch ko. " Ok class dismiss..." Agad ko naman na sinukbit ang bag ko at nagtungo sa pinto para sa next class namin.