"I'm sorry, naisturbo yata kita," mahinhing paumanhin ni Tita Flor. Parang gusto ko tuloy makonsensya dahil wala naman siyang dapat ipagpaumanhin. Maliban sa walang katotohanan ang dinahilan kong pag-e-exercise ay pamamahay niya ito at kasalukuyan akong nagtatrabaho sa kanya, kahit pa sabihing hiniling niyang pabor sa'kin ang pagtatrabaho ko. "Okay lang po, Tita, patapos na din po naman ako," mabilis kong tugon. Ang totoo ay pareho kami ng anak niyang tapos nang nilabasan no'ng kumatok siya. Para sa peace of mind naming dalawa ay hindi na niya kailangan pang malaman ang tungkol sa bagay na iyon. "May kailangan po ba kayo?" pahabol kong tanong sa kanya. "Sasabihin ko lang sana sa'yo na may slot ka na para sa enrollment sa university namin," nakangiti niyang pagbabalita sa'kin. "Ipakita