CHAPTER 3

1294 Words
Napa daing ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Ang bigat ng pakiramdam ko, tumingin ako sa aking tabi. Mahimbing parin na natutulog si Canon na bahagyang nakaawang ang kanyang bibig. Dahan dahan kong inalis yung braso ni Canon na nakapulupot sa akin, bahagya syang kumislot kaya agad kong nilagyan ng unan para maging kapalit ko. Umalis ako sa kama, napakasakit ng ulo ko. Ang dami ko nainom kagabi. "Ugggh!" daing ko. Parang marinding pinipiga ang ulo ko sa sobrang sakit. Nagtungo muna ako sa cabinet para kumuha ng pambahay na damit. Lagot ako hindi ko na puntahan ang mga appointment ko. Dama ko rin ang sakit ng aking katawan. Naglalakad ako at tumuloy sa pagpasok sa loob ng banyo para maligo. Ramdam na ramdam ko ang lagkit ng aking katawan. Lalo na sa gitna ng aking mga hita. Hindi na talaga maganda ang epekto ni Canon sa akin dahil konting halik at haplos palang niya nagiging marupok na naman ako. Hala sige bukaka agad. Naligo ako agad at isinuot ang pangbahay na damit. Tumingin ako sa wallclock ko sa loob ng kwarto eight o’clock na ng umaga. Hinanap ko ang phone ko kaso hindi ko makita sa kwarto, saan ko na naman kaya iniwan ‘yun. Madalas na hindi ko alam kung saan napupunta ang phone ko. Naglalakad ako palabas ng kwarto. Pagbaba ko nakita ko ang mga nagkalat kong mga damit sa baba. Jusko para akong ahas na nagpalit ng balat. Isa-isa ko itong dinampot at dinala sa lalagyan ng labahan. Napailing nalang ako, masama ang epekto ng alak sa akin— mabuti na lang talaga ay nakaya ko pang umuwi. May narinig akong tumutunog kaso hindi ko naman makita kung nasaan malamang cellphone ko iyon at ang mga appointment na hindi ko na cancel. Lumuhod ako para silipin sa ilalim ng sofa ang cellphone ko. Nakita ko ay nandun sa sulok nakasiksik. CHANCE MONTIE CALLING… I the answer button. "Hell—" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko. "HELLO, NASAN KANA? HINDI KA BA PAPASOK NGAYON?" "Nasa apartment ako baka hindi." sagot ko habang naglalakad papasok sa loob ng kusina para kumuha ng tubig na maiinom. Narinig ko ang ingay sa kabilang linya, mukha nasa production pa si Chance. "Gaga ka pumunta kana dito mag-ready ka na rin ng mga dadalhin mo kasi may project kang gagawin sa Laguna at Bulacan, Remember? So get your ass here. Kilos na bye seeyah!" Magsasalita pa sana ako ng patayin niya na agad ang tawag. I planned to cook food but suddenly Chance called. Kaya pagluluto ko nalang siya ng food. Nagsaing ako and nagluto na rin ng ulam niya. Lumabas na muna ako sa kusina at umakyat na. Nagtuloy ako papasok sa loob ng kwarto ko at naghanda ng mga kailangan ko para sa pag-alis ko. Dinala ko din yung heels ko baka kasi kailangan ko rin. Sobrang demanding ng work ko, kaya hindi pa talaga ako pwede mag-settle agad. Nang maihanda ko na lahat nilagay ko na sa sala ang mga gamit ko na mga dadalhin. Bumalik ako sa kusina para ayusin yung niluluto ko. Good thing dahil gusto ko din na nakalayo muna kay Canon kaya kahit ayaw ko pang kumuha ng project field. Opportunity na rin siguro ito pata naman kahit paano ay makalayo ako sa kanya. I grab it na para na rin mabusy ako at hindi ako sad girl. Inayos ko na yung pagkain sa dining table tinakpan. Naglagay na rin ako ng note, para pagkagising niya ay mabasa na niya agad na umalis ako. Nagsuot na ako ng komportableng damit, inayos ko na rin ang rubber shoes ko. Umakyat ako sa kwarto to check him out. Natutulog pa rin siya. I lean and give him a peck a kiss. "Take care baby, see you. When we see each other. I love you." sabi ko tsaka muli ko siya hinalikan sa labi. Tumalikod na ako para umalis, naramdaman ko yung pagbigat ng dibdib ko habang naglalakad palabas ng kwarto. I really need to do this for myself. Mabilis ako lumabas ng apartment. Nagbook na ako ng sasakyan. In five mins nandyan na. I call Chance kanina kung sino ang kasama ko sa field work ko bakit parang biglaan. Ang sabi ng bruha ako raw napili Dondon na ipadala. Pumarada na sa harap ko yung sasakyan, tinulungan ako ng driver na ilagay sa loob ang mga gamit ko. "Diamond Studio manong." sabi ko. I text Chance na I’m on my way baka kasi magpanic na naman siya and I send Gabby’s message too. H3y b3h, make bantay naman to my Canon, I'm going field work. Hindi ko alam kung gaano ako katagal mawala, thanks in advance mwah. Pagkarating ko sa studio nagpatulong ako kay Jake para tulungan ako sa mga gamit ko. I need to have my own car dahil nahihirapan ako, wala na akong Canon na maaasahan na naghahatid magsusundo sa akin– lalo pa ngayon na kailangan ko na talaga kasi parang mas gugustuhin ko na mag-field work. Ayoko ring gamitin ang spare car ni Canon. Pagdating ko sa office nandun si Chance at si Dondon. "Finally Jeorge you're here!" tili ni Dondon. Si Dondon ang aming big boss, almost seven years na rin akong nagtatrabaho under Diamond Studio. Well highly recommended kasi ang aming company kaya talagang sikat na sikat. I work hard para makuha ko ang position ko ngayon. "Sorry. I'm late, wasted kasi ako kagabi so I have my hangover." paliwanag ko. Naupo ako sa sofa ganun rin ang ginawa nung dalawa. "It's okay. Sorry sa late information, I know na hindi mo tatanggapin ito kasi field sorry Jeorge, I badly want you to make this project happened and I know na you can make this tsaka lahat sila ay na sa field na din"paliwanag nya I know naman na matagal na akong gustong muling isabak ni Dondon sa field ang kaso lahat ng big project na field ay tinanggihan ko because I want my Canon but not now I need to choose myself first. Enough na muna siguro ang pagiging tanga ko. "I know you Don, almost one year na din akong hindi tumatanggap ng project." nakangiting sabi ko. Pumalakpak palak pa si Dondon. "Ang first set ay Laguna, then Bulacan after that baka mas malayo pa pero— I know na you can make this so congratulations in advance Jeorge." sabi ni Don at tumayo ay nakipag-beso sa akin. Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Sige na Don mauuna na kami para maka-byahe na."paalam ko sa kanya. Tumango lang ito at lumabas na, kami na lang ni Chance. "Good Luck girl!" masayang sabi niya. Ngumiti lang ako sa kanya. "So paano na? I will go na, see you for next six months." paalam ko sa kanya. Kinuha ko ang isang bag-pack ko na dala ang iba naman ay nasa sasakyan na ng team ko. I get my phone and remove the sim card then nilagyan ko ng bago. Nandun na ang team ko na sina Layla, Kano, Pepoy at Gigi. "Hi, Miss Jeorge." bati nila sa akin. "We miss you miss Jeorge!" sabi ni Gigi siya ang pinaka maingay at pinaka madaldal sa team. "Well, I Miss you all. So are you ready!" tanong ko sa kanila. "YES!" sigaw nila ng malakas. Dumating na ang mga hinihintay namin na gamit at dumating na rin ang Faith na laging late paano grabe mag make-up kilay is life ang bakla. "Sorry, I'm late." hinihingal na sabi niya. Natawa na lang kami sa kanya ng maayos na lahat at nandyan na umalis na kami para medyo maaga makapag-ayos sa hotel. Early booking naman kaya walang problema. Naiisip ko na naman si Canon. Natulog nalang ako buong byahe kaysa mag-isip at baka tuluyan ng mabaliw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD