CHAPTER 1

2100 Words
Mabilis ang naging pagkilos ko para magbihis ng maayos na damit, kailangan kong mamili ng stock sa bahay at dahil monday ngayon kaya talgang pupunta na akong grocery last, last week pa ang huli kong punta. Halos hindi na ako umuwi sa apartment. Nagsuot ako ng sweat shorts at gray na v-neck shirt. Bago ako lumabas ng kwarto kinuha ko muna ang phone at wallet ko. Nagsabi rin si Canon kanina pag-alis niya na dito raw siya mag-dinner kaya kailangan ko talagang magluto. Sobrang natuwa ako sa sinabi niya. Sumakay na ako ng taxi para mabilis na makapunta sa supermarket. I grab my phone baka may text si Canon but as I expected wala. Gabby sent a message. Hey, B3h wanna go out? I sent a reply. Sure, I'm on my way to the supermarket magkita na lang tayo. Binalik ko nalang ulit ang phone ko, kanina pa ako nag iisip kung anong lutuin para kay Canon. Huminto na ang driver sa tabi, agad akong nag-abot ng bayad tsaka bumaba ng sasakyan. Bakit kaya nag-aaya si Gabby na labas baka stress na naman to sa mag-ama niya. Napapailing nalang ako sa kanila ni Allen, super hirap kasing alagaan ng kambal nila, need ng extra care ng bunso nila. Naghanap na ako ng mga bibilhin ko baka mamaya mahaba ang pila matagalan pa ako. Nasa biyahe palang naman si Gabby kaya mamaya pa yun. Nag-ikot-ikot ako, bumili ako ng favorite ni Canon na milo, para siyang bata pinapapak niya kasi yun. Kumuha ako ng isang pack para sa kanya. Pag nasa bahay siya laging milo ang hinahanap, para siyang bata. Nagpatuloy lang ako sa pag-ikot-ikot, kumuha na rin ako ng maraming snacks para kay Canon na matakaw feeling kasama sa budget. Nabusy siguro siya kaya hindi pa rin siya nag-text sa akin hanggang ngayon. Baka mamaya pa, kasi maaga pa naman. Kumain na nga kaya ‘yun. Tapos na ang lunch niya kumain naman na siguro yun. Pagkain hindi niya makakalimutan panigurado. May nakita akong bata mga nasa three years old na— napaka-cute niya. Palakad-lakad lang siya, ang mommy niya busy sa pagtingin ng mga bibilhin. Nang malapit na ako sa kanya. "Hi!" bati ko sa kanya at nakangiti. Tiningnan niya lang ako akala ko hindi niya ako papansinin, lumapit pa siya sa akin. "Heyoooow po!" nakangiting sabi niya. Nakakatuwa bulol siya, parang si Mirang kulit. Lumapit siya sa akin. "Anong name mo?" tanong ko. "Akow po tsi Alexchander." bulol bulol niyang sagot. Natatawa na lang ako sa kanya ang cute niya, ang chubby ng cheeks. "Bye, Alex mauuna na ako." paalam ko. Naglakad na ako palayo. Nilingon ko siya, he wave at me. Ngumiti ako at nag-wave back, naglalakad na ako papuntang counter para nakapagbayad na. Nang ako na ang susunod, tinitigan kong muli ang cart ko para icheck ulit kung may nakalimutan pa akong kunin. Mukhang wala naman sakto na ito ng pang isang linggo. Inilagay ko na ang mga pinamili ko para mabilis na. Marami-rami rin ang nakapila. I check my phone again. Nag-text na si Gabby. B3h saan kana? Natawa naman ako sa text niya, nababaliw na naman siya kaya ganyan ang lakas talagang mantrip nyan. Last year nang mag-birthday ako nakakaloka ang bati niya sa akin, hindi ko maintindihan paano naka-jejemon typings pa. My God! Hindi ko alam kung paano basahin. Pero I really appreciate naman nag-effort talaga siya. Naisip ko nga kung naiintindihan ba siya ni Allen, ang pagkakaalam ko ‘eh galing naman sa mayamang pamilya si Gabriela pero ganun siya kung umasta na parang palingkera na chismosa sa kanto. "One thousand three hundred fifty six po lahat ma'am.” Napatingin ako sa kanya nginitian ko lang siya bago kumuha ng cash. Nag-abot ako sa kanya ng two thousand bill. "I received two thousand." Iniabot niya na sa akin yung sukli ko. Ipinasok ko na ang sukli ko sa wallet ko. "Ma'am kailangan niyo po ng tulong." tanong nung bagger. Umiling ako at ngumiti, kinuha ko na ang mga pinamili ko. Naglakad na ako papunta sa isang coffee shop malapit doon na lang ako maghihintay kay Gabby. Nang makarating ako sa loob naghahanap ako ng available na mapwepwestuhan. Mabuti nalang na may vacant na seat sa may bandang gilid doon akong naupo para ang mga pinamili ko ay iginilid ko nakakahiya rin kasi na nakaharang. Nagtext ako kay Gabby kung saan ako nandoon. May dala naman na sasakyan iyon kaya mabilis lang ‘yon makarating dito. Tiih nandito ako sa Ma.Cafe, nasaan ka na? After ko mag send ng message. I try to call him but— wala hindi niya sinasagot, nakaramdam ako ng inis kay Canon. Dapat sanay na ako na ganun siya na binabalewala niya lang ako na parang wala lang ako para sa kanya. Hindi naman sa pagiging mababaw pero pag ganun feeling ko binabalewala na agad ako. Pwede naman kasi niyang sabihin sa akin na busy pa siya kaya mamaya na lang muna ako mangulit. Umiling-iling nalang ako ayaw kong mabad mood. "Chill lang." sabi ko sa sarili ko at huminga ng malalim. Baka busy lang siya, sabi ko sa aking isip. "Ang lalim naman nun beh!" Napatingin ako sa harapan ko, nakatayo doon si Gabby at nakangiti. Umupo na siya sa harap ko. "Ano na namang meron sa buntong hininga mo!" tanong niya pa. Pinilit kong maging masaya ang tono ng boses ko. "Wala bakla stress lang sa work." Natawa siya bigla, "Ows talaga sa work baka naman kay Cantot este kay Canon." sabi niya at humawak sa bibig. Well totoo naman na stress ako sa work pero MAS stress ako kay Canon. Bother ako laging ng dahil sa kanya. "Gaga ka talaga!" sabi ko na lang. Tumayo si Gabby siya na lang nag-order para sa amin. Ano kaya ang ginagawa ng lalaking yun? Hindi ko mapigilang di mag-isip. Kanina pa ako nag aantay ng tawag o text manlang galing sa kanya kaso wala! Mabuti pa yung 8080 naalala ako! Tang*na! Nang bumalik si Gabby wala naman siyang dalang food may kasunod pa si bakla na crew. Nakangiti siya na umupo sa harap ko, ang crew na kasama niya ay ibinaba ang food. "Thanks." nakangiting sabi ni Gabby sa crew na kasunod niya. Nakita ko na biglang nahiya ang crew samin. Ngumiti na lang din siya bago umalis. "Baliw ka talaga pati ba naman crew." nailing na sabi ko. Tumawa lang siya at nagsimula na kumain. "Ang kyut lang nung bata." maloko na nakangiti ito. Kumain lang kami ni Gabby. Masarap naman ang food. Nagkwentuhan kami habang kumakain, "Aba buhay dalaga ka gurl nasaan yung mga bata?" tanong ko. Tumatawa siya at tinataas taas ang kilay. Baliw talaga tong isang ‘to. "Nakila mama kaya malaya kami ni Allen ngayon. Kanina nga ayaw ako paalisin ng gagong yun. Nilambing lambing ko muna bago pa ako pinayagan at sabi magbehave daw ako, tang*na parang aso lang." kwento niya sa kung paano siya pinayagan ng kanyang asawa. Natatawa na lang ako sa kanya kasi galit na galit na naman siya kay Allen. Lagi naman siyang ganun kay Allen. High blood. Panay ang kwento niya sa mga ganap sa buhay-buhay nila. Tahimik lang kaming kumakain. Nang maag-ring ang phone ni Gabby. "Hello, ano na naman Allen!" singhal niya agad. Nag-hello nga pero pasigaw. Natatawa na lang ako sa kanya. Ewan ko ba sa mag-asawang ‘to parang mga ewan. "Letche ka ALLEN! Ayieee-ut. Lab you too!" sabi niya tsaka pinatay ang tawag. Tumingin siya sa akin. "Paano ‘yan b3h uwian na, pero ikaw kung gusto mo sumama ka muna sa akin nasa bar daw sila Allen nag-iinom nag-pasundo na siya para daw makatakas sa inom." Kasama nga kaya nila si Canon? Tanong ko sa aking isip, pero bakit hindi naman siya nasagot sa tawag ko. Nag-ayos na siya, naglagay siya ng lipstick sa labi. Napansin niya ata na nakatingin ako sa kanya. "Gusto mo?" tanong niya pa at inaabot sa akin ang lipstick . Umiling nalang ako, inayos ko na ang mga punamili ko. Tinulungan naman ako ni Gabby na magbuhat. "Ano tara na!" aya niya. Paano ang mga pinamili ko. Ano kayang plano ni Gabby. "Paano ang pinamili ko?" tanong ko. Huminto siya tsaka niya lang naisip na may mga dala ako pero wala akong dalang sasakyan, saglit pa’y nakaisip na siya ng paraan. "Ay alam ko na papakuha ko nalang sa driver namin yan." Nakangiting sabi niya. “Para makasama ka sa akin.” Wala talaga akong palag pag si Gabby na— may tinawagan muna siya. Naalala ko nang time na nag-cover up pa siya sa bahay ni Allen ganito rin ang ginagawa ko sa kanya. Biglang isasama siya mag-bar para malibang siya tapos saktong broken hearted ang bakla kay Allen. Sad girl ba. Nang bumalik siya tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa umiling-iling lang siya. Hinawakan niya ako sa pulsuhan at dinala sa sasakyan niya. Pagpasok namin sa loob may inaabot siya sa akin na galing sa isang paper bag. Kunot noo ko siyang tiningnan. "Ano to?" tanong ko. Nginitian niya ako. "Mag palit ka." utos niya. “Pangit ng outfit mo girl.” Gusto ko sana na tumanggi pa sa kanya pero alam ko naman hindi ako mananalo sa kanya kaya bandang huli nagpalit na rin ako. Denim skirt na hapit na hapit sa aking katawan at isang crop top na pink, halos kitang kita na ang pusod ko. I can manage to wear it naman. "Tara na." aya niya. Sumakay na kami sa sasakyan niya. Nagdrive siya papunta sa bar na tambayan nila Allen. Malamang nandoon si Canon kasama ang tropa niya. Pagdating namin agad na sumalubong sa amin ang malakas na tugtog, wild crowd at mausok na paligid. Naglakad kami papasok nauna si Gabby nakasunod lang ako sa kanya. Lumapit ako kay Gabby. "Gabby, restroom lang ako text mo na lang sa akin kung nasaan kayo." sigaw ko sa kanya para marinig niya ako. Bigla kasi akong naihi, hindi ako nakapag-restroom kanina. Naglakad na ako patungong restroom. Ang hirap sumiksik napakaraming tao. Monday pa lang ngayon pero ang daming tao. Nakahinga ako ng maluwag ng nakapasok ako sa loob ng restroom. Pumasok na agad ako sa isang cubicle para makaihi. Maya maya may naririnig akong pumasok taong nag-uusap. "Let's go baby here walang tao." "Hmmmm— ahihi may kiliti ako dyan." halinghing nung babae. Narinig ko yung mga yapak nila, jusko mukhang nakakasaksi ako ng live show ngayong gabi. Hindi na bago sa akin ang mga ganun. Lalo na pag nasa bar. Naiisip ako kung lumabas ba ako o hihintayin ko sila na matapos. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng cubicle, may nakita akong dalawang bulto ng tao. Ang mukha ng lalaki nakasubsob sa leeg ng babae ang haliparot naman todo sa pag-ungol. Sarap na sarap sa ginagawa ng lalaki sa kanya. Game na game ang gaga! Nakakainis mga maharot. Get a room horny people! Akala ko titigil na sila pero hindi pa rin kahit na nakita na ako ng babae hindi niya tinutulak ang lalaki na busy sa pagkain sa leeg ng haliparot. Naglakad na sana ako palayo— "Hmmm- Canon!" ungol ng babae. Napahinto akong bigla. Mablis na kumalat ang matinding kaba sa aking sistema. Kunot-noo kong tumingin ulit sa dalawang abala sa ginagawa na pagpapaligaya sa isa’t-isa. Nakita ako ng babae na nakahinto ako doon at nakatingin sa kanila kala ko di matitinag. "Hey Babe, look you know her?" sabi ng babae at tinutulak pataas ang ulo ng lalaki palayo sa kanyang dibdib. Lumingon ang lalaki sa akin. Biglang tumigil ang mundo ko ng nakita ko kung sino yung lalaki— literal. May mabigat na bagay na nakapatong sa aking dibdib. Hindi na ako nag-aksaya ng oras tumalikod na ako at tumakbo palayo roon. Akala ko okay na mahal niya na ako. Nag-umpisa ng tumulo ang mga luha ko na pilit ko pinipigil habang nakatingin ako kay Canon. Nagtago ako sa may gilid, tinawagan ko si Gabby. I’m trying to calm myself. "He— hello Ga— gabby mauuna na akong umuwi." pumipiyok na ang aking boses habang nagpaalam ako tsaka ko pinatay. I’m just inform her para hindi siya mag-alala sa akin na bigla akong nawala. Naghintay na ako ng masasakyan paalis sa lugar na iyon. "Kuya hatid mo ako sa may LiqAcho." Agad na pinaandar ng driver ang sasakyan palayo doon. Ang sakit sakit! Tangina akala ko lang pala na okay na ng bumalik siya sa akin— hindi pala. Durog na durog na naman ang puso ko dahil umasa ako. Lagi nalang ba Canon! Tangina bakit ba kasi mahal na mahal kita kahit ang kupal mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD