Masayang masaya kami ng maging successful ang project with Betina and Kian. Nag-hit na naman ang kanilang love team. Mas lalong dumami ang projects and endorsement nila dahil sa movie na natapos. Betina ask me kung anong gusto kong gift, thank you gift daw niya. I said, no need na that's my job. Don is super proud na naging maayos ang flow ng movie kahit ang daming changes. Papunta ako ngaun sa Diamonds pinapatawag ako ni Dondon, they are planning to have party. Bumaba ako sa taxi tsaka nag abot ng bayad, hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makakakuha ng sarili kong car, Canon used to pick me up naman kasi but now busy siya sa kanyang mga other businesses. Sumakay na ako ng elevator, I check my phone baka kasi nag reply na si Gab. May plans kasi kameng lalabas mag papa-spa today.