bc

Aurora: The Game of Hearts

book_age18+
254
FOLLOW
1.1K
READ
opposites attract
second chance
badboy
single mother
heir/heiress
drama
office/work place
lies
addiction
like
intro-logo
Blurb

"Nagpapatawa ka ba Aurora? Inaakala mo ba na seryoso ako sa'yo? Inaakala mo ba na papatol ako sa anak ng isang katulong? Mataas din ang pangarap mo, inakala mo talaga na makakasungkit ka ng isang Hendrickson? Anak ka lang ng isang katulong at mananatili kang anak ng isang katulong. Nakuha ko na ang gusto ko sa'yo, tapos na ang pagpapanggap ko at tapos na rin ang pakikipaglaro ko sa'yo."

Akala ni Aurora ay natagpuan na niya ang lalaking magmamahal sa kanya ng totoo, pero dahil isa lamang siyang anak ng katulong ay pinaglaruan lamang siya ng isang Darwin Hendrickson, inanakan at saka pinagtawanan.

Lumayo si Darwin, iniwanan si Aurora na luhaan at nagdurusa dahil pinagsawaan na niya ito. Ngunit mapaglaro ang tadhana dahil makalipas ng maraming taon ay muli silang pinagtagpo.

Sa pagkakataong ito, sa muling pagbabalik ni Aurora, sisiguraduhin niya na kung ano ang ginawa sa kanya ni Darwin... ganuon din ang igaganti niya dito.

Paiibigin ni Aurora ang isang Hendrickson upang sa huli ay iiwanan din niya ito katulad ng ginawa sa kanya ni Darwin.

Magtagumpay kaya si Aurora na makapaghiganti sa nag-iisang lalaki na minahal ng kanyang puso... sa lalaking ama ng kanyang anak?

Halina at alamin natin ang kapalaran ng dalawang puso na minsan ay pinaglapit ng tadhana, pinaghiwalay at muling pinagtagpo.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 -Gracias-
Prologue "Nagpapatawa ka ba Aurora? Inaakala mo ba na seryoso ako sa'yo? Inaakala mo ba na papatol ako sa anak ng isang katulong? Mataas din ang pangarap mo, inakala mo talaga na makakasungkit ka ng isang Hendrickson? Anak ka lang ng isang katulong at mananatili kang anak ng isang katulong. Nakuha ko na ang gusto ko sa'yo, tapos na ang pagpapanggap ko, at tapos na rin ang pakikipaglaro ko sa'yo." Halos madurog ang puso ni Aurora ng marinig niya ang lahat ng sinabi ni Darwin sa kanya. Eighteen years old pa lamang si Aurora ay ipinaranas na agad ni Darwin ang masakit na kabiguan sa dalaga. "Please Darwin. Mahal na mahal kita. Nangako ka sa akin na pakakasalan mo ako sa oras na ibigay ko sa'yo ang lahat ng hinihiling mo. Ibinigay ko sa'yo ang lahat-lahat ng mayroon ako maging ang dangal ko dahil nagtiwala ako sa'yo." Halos manlabo ang paningin ni Aurora dahil sa walang patid na pagluha nito. Pero pinagtawanan lamang siya ni Darwin. Hindi ito makapaniwala sa mga naririnig sa bibig ng lalaking akala niya ay totoong mahal siya. "I'm sorry, Aurora, but I have never loved you. That’s the truth. You should never trust anyone. I don’t love you now, I never have, and I never will." Sagot ng binata. Isang malakas at malutong na sampal ang dumapo sa mukha ni Darwin. Halos tumabingi ang kaniyang mukha sa lakas ng sampal na ibinigay sa kanya ng dalaga. Bumabalong naman ang mga luha ni Aurora. Hindi siya makapaniwala na nagtiwala siya sa isang taong mapanglinlang... sa isang tao na walang mahalaga kung hindi ang sariling kapakanan. "I heard you loud and clear. Sana masaya ka sa mga taong tinatapakan mo. Kung inaakala mo na magmamakaawa ako sa'yo na pakasalan mo ako, na mahalin mo ako... nagkakamali ka Darwin. Oo umiiyak ako ngayon at nasasaktan dahil totoong minahal kita, pero hindi ito luha ng panghihinayang, luha ito ng isang tagumpay na tuluyan na akong makakawala sa anino mo. Nagtiwala ako sa'yo, ibinigay ko sa'yo ang sarili ko dahil ang sabi mo sa akin ay pakakasalan mo ako. Huwag kang mag-alala dahil hindi na ako babalik pa sa hacienda ng mga magulang mo. Huwag ka na rin babalik pa dito, duon ka na lang sa Manila dahil wala ng dahilan para magtungo ka pa dito. Namumuhi ako sa'yo Darwin. Isa kang malaking pagkakamali na nangyari sa buhay ko. Pero salamat pa rin dahil sa kabiguan kong ito, patatatagin ako nito. Kinasusuklaman kita Darwin at sana hindi na tayo magkita pa." Ramdam na ramdam ni Darwin ang matinding galit na nararamdaman ng buong pagkatao ni Aurora, ngunit wala siyang pakialam. Para sa kanya ay tapos na siya kay Aurora. "Goodbye, Aurora. Thanks for the 'amazing' memories we shared." Seryosong sabi ni Darwin. Pagkatapos ay tumalikod ito, iniwanan si Aurora na nakatayo sa burol. Pero napahinto ito ng paglalakad ng sumagot si Aurora. "Goodbye, Darwin. I hope our paths never cross again. I will never love you again at sana ay maging masaya ka sa ginawa mo. Don't worry dahil hindi ako maghahabol sa'yo. Ang katulad mo ay hindi dapat minamahal." Kuyom ang mga kamao ni Darwin ng marinig niya ang tinuran ni Aurora. Ngunit hindi na niya ito nilingon pa at pinagpatuloy na lamang niya ang paglalakad papalayo hanggang sa tuluyan na ngang naghiwalay ang kanilang landas. Lingid sa kaalaman ni Darwin. May sanggol sa sinapupunan ni Aurora at hindi na ito ipinaalam pa ng dalaga. Hinaplos ni Aurora ang kanyang tiyan ng tuluyan ng naglaho sa paningin niya si Darwin, pagkatapos ay saka siya napaupo sa lupa at duon na niya tuluyang ibinuhos ang lahat ng sakit na dulot nito sa kanya. "Isinusumpa ko Darwin. Tatapusin ko ang sinimulan mong laro. Hindi ikaw ang nagwagi sa larong ginawa mo. Nagsisimula pa lang tayo. Ipinapangako ko, darating ang araw na ikaw ang luluhod sa harapan ko upang magmakaawa na mahalin ka. Minahal kita ng higit pa sa buhay ko, ito lang ang iginanti mo sa akin." Lumuluha lamang si Aurora habang malakas ng umiihip ang hangin. Lingid sa kanyang kaalaman, isang anino ang nakatunghay sa kanya mula sa malayo. ❀⊱Aurora's POV⊰❀ Nine years have passed. "Anak papasok ka ba ngayon? Huminto ka na kaya sa pagtatrabaho mo sa club na 'yan. May naipon na naman tayo kaya siguro naman ay pwede tayong magtayo ng maliit na tindahan. Lumalaki na ang anak mo, baka malaman niya ang klase ng trabaho mo." "Nay, hindi ako pwedeng umalis, may mga utang pa ako sa may-ari ng club. Hindi pa natin kayang bayaran, at ang naiipon ho natin ay hindi sasapat upang mabayaran ko ang lahat ng pera na hiniram ko sa kanila. Wala naman ho akong ginagawang masama sa club. Malinis ho akong babae, hindi ako nagpapahawak kahit na kanino, at walang nakakakita ng mukha ko." Malungkot na ngumiti ang aking ina. Alam ko na gusto na niya na umalis ako sa lugar na 'yon, pero hindi ko pa kayang gawin. Kailangan ko pang bayaran ang perang nakuha ko sa kanila. Kahit nga ang perang naiipon namin ay hindi sapat upang mabayaran ang pagkakautang ko. "Anak, kinontak ako ng lolo mo. Nandito sila sa Pilipinas at pinapatawad na nila ako ng inyong lola. Mababago na ang buhay ninyo mga anak ko. Sabi ng lolo ninyo ay babaguhin na nila ang ating pamumuhay at humihingi din sila ng tawad sa akin at sa inyong ina. Darating sila, bukas ay pupuntahan nila tayo." Umiiyak na sabi ng aking ama. Nagulat ako. Kay tagal niyang pinangarap na makamit ang kapatawaran ng kanyang mga magulang, at ngayon ay nakamit na niya ang kapatawarang 'yon. "Totoo mahal ko? Tanggap na ba nila ako? Hindi ko naman sinasadya ang nangyari nuon. Alam mo ang totoo, nanduon ka ng itinulak ako ng kapatid mo. Nawalan siya ng balanse kaya siya ang nahulog sa hagdanan. Hindi ko siya itinulak, at hinding-hindi ko 'yon magagawa. Tinanggalan ka ng karapatan sa lahat ng kayamanan ninyo dahil inaakala nila na pinagplanuhan natin ang nangyari. Hanggang ngayon ay inuusig ako ng aking konsensya dahil nawala ang kapatid mo na ako ang dahilan." Umiiyak na sabi ng aking ina. Naaawa tuloy ako sa kanila. Ito ang kwento ng aming pamilya. Mayaman ang aking ama, pero naghihirap kami dahil itinakwil nila ang mga magulang ko nuong ipinagbubuntis pa lamang ako ng aking ina. Namatay ang isa sa kapatid na babae ni tatay dahil nahulog ito sa mataas na hagdanan at pinagbintangan nila ang aking ina. Pero ipinaglaban siya ng aking ama kaya hindi nakulong si nanay. Pero ang kapalit nito ay pinalayas sila. Binawi ang lahat ng kayamanan na namana ng aking ama at saka sila itinaboy sa kalsada. Kahit na isang kusing ay wala silang binigay kaya namasukan ang aking mga magulang bilang mga katulong nuon sa hacienda ng mga Hendrickson sa Laguna. Duon ko nakilala si Darwin, ang taong pinaglaruan lang ako. Ang taong sumira ng buhay at pagkatao ko. Hanggang ngayon, tanging pagkamuhi lamang ang nararamdaman ko sa ama ng aking anak. "Ibinigay ko sa kanila ang address natin para mapuntahan nila tayo dito bukas. Umiiyak sa akin ang aking ina at humihingi ng kapatawaran. Alam na nila ang totoo. Muli nilang natagpuan ang dating kasambahay na kasama kong nakasaksi sa mga nangyari nuon. Alam na nila ang katotohanan mahal ko dahil may video itong hawak. Ito 'yung plano ng kapatid ko nuon para masira ka sa mga magulang ko, pero sa hindi sinasadyang pangyayari ay siya ang nahulog sa hagdanan. Umalis ang katulong na 'yon sa takot niya dahil kinasabwat siya nuon ng kapatid ko. Hindi kasi matanggap ng kapatid ko na isang mahirap lang ang pinili ko sa halip na ang kaibigan niya." Umiiyak na sabi ng aking ama at niyakap niya ang aking ina. Humagulgol ng humagulgol ang aking ina dahil sa kanyang narinig. Ngayon ay malinis na ang pangalan ng aking ina sa mga mata ng mga magulang ng aking ama. "Tatay, makikilala na ba namin ni ate ang lolo at lola namin? Si Tito Dario ba makikilala na rin namin?" Tumango ang aming ama kaya iyak ako ng iyak. Luha ito ng kaligayahan dahil sa unang pagkakataon, nakita ko ang kaligayahan sa mukha at mga mata ng aking ama. "Ate narinig mo 'yon? Tanggap na nila tayo. Makikita na natin sila, mayayakap na natin sila at mababago na ang buhay natin. Hindi na ako magkakalkal ng basura para lang kumita ng pambili ng bigas. Pasensya na kayo kung wala akong maitulong sa inyo. Wala kasing tumatanggap sa akin dahil hindi ako nakatapos ng high school." Niyakap ko ang kapatid ko. Naaawa ako sa kanya, gusto niyang tumulong dahil siya daw ang lalaki sa amin, pero wala naman siyang magawa dahil lahat ng inaplayan niya ay hindi siya binibigyan ng pagkakataon na maipakita ang kakayahan niya. "Makakapag-aral ka na Aurelio. Hindi ba ipinangako ni tatay na kapag napatawad na siya nila lolo ay pag-aaralin ka ulit. Heto na 'yon. Gusto ko na silang makaharap upang mayakap sila. Gusto ko ng umalis sa lugar na ito para tuluyan ng mawala ang lahat ng masakit na alaala sa akin. Gusto ko ng maramdaman ang pagmamahal nila sa atin. Iyon lang ay sapat na sa akin. Maramdaman ko lang ang pagmamahal nila ay sapat na sa akin Aurelio." Tumango ang kapatid ko at niyakap din niya ako. Ilang katok ang narinig namin sa pintuan. Bigla kaming napatingin, ang puso ko ay mabilis na kumakabog. Nagkatinginan kaming lahat dahil hindi namin alam kung sino ang nasa labas. "Sila na ba 'yan?" Tanong ng aking ina. Hawak ko na sa kamay ang aking anak na si Darren Davian Gracias. "Hindi ko alam, ang sabi nila ay bukas pa sila makakarating dito dahil may inaayos silang negosyo. Iyon ang sabi ng aking ama kaya..." Sunod-sunod na katok muli ang narinig namin kaya napahinto sa pagsasalita ang aking ama at tinitigan ang pintuan. Ramdam ko na kinakabahan ang aking ama, ramdam ko na gusto ng umagos ng kanyang mga luha. Binuksan ng ama ko ang pintuan at tuluyan na nga itong humagulgol ng bumungad sa kanya ang kanyang mga magulang. Lumuhod ito sa harapan ng mga ito at saka humagulgol ng humagulgol. Iyak kami ng iyak habang ang sinasabi nilang lolo at lola namin ay lumuhod na rin at niyakap nila ang aking ama. "Dad, forgive me dad. Hindi namin ginusto ang nangyari. Ipinagluksa ko ang kapatid ko, nasaktan ang puso ko sa pagkawala niya pero maniwala kayo sa akin, walang kasalanan ang asawa ko. Nakita ko ang lahat, pero huli na para matulungan ko ang kapatid ko." Umiiyak ang aking ama, nagmamakaawa na patawarin siya kahit napatawad na siya ng mga ito. "Alam namin anak. Matagal na namin kayong napatawad. Pasensya na kayo kung ngayon lang kami nagkaroon ng lakas ng loob upang humarap sa inyo. Ang totoo ay matagal na naming napanuod ang video, kaso nahihiya kami sa inyo. Lalong-lalo na sa iyong asawa na ninais naming ipakulong nuon. Pinalayas namin kayo, inalisan ng karapatan sa kayamanan na dapat ay sa'yo. Humihingi kami ng kapatawaran kung nakaranas kayo ng kahirapan sa buhay ng dahil sa amin. Babawi kami ng iyong ina, ipinapangako namin na bibigyan namin kayo ng magandang buhay. Ibabalik ko sa'yo ang lahat ng kayamanang inalis ko sa buhay mo. Patawad anak, patawarin ninyo kami." Bumubuhos ang mga luha mula sa mga taong mahal ko. Parang sasabog ang aking puso sa labis na kaligayahan na aking nararamdaman sa mga oras na ito. Nagpakilala sa amin ang aming lolo at lola. Niyakap nila kami at humingi ng tawad sa amin. Nangako sila na hindi na kami makakaranas pa ng kahirapan sa buhay, kaya walang patid akong umiiyak at nagpapasalamat sa kanila. Hindi na ako matatakot na baka isang araw ay malaman ni Darwin ang tungkol sa aking anak at kuhanin ito sa akin. "Ako naman ang inyong Tito Dario, at ito ang aking nag-iisang anak na si Jerwin Gracias. Siya ang gagabay sa inyong magkapatid para maturuan kayo kung paano ang humawak ng mga negosyo ng pamilya Gracias." Sabi ni Toto Dario. "Mag-empake na kayong lahat dahil isasama na namin kayo sa mansyon. Pagkatapos ay aayusin natin ang lahat ng mga papeles ninyo at duon na tayo sa Florence Italy maninirahan. Muoviti, dobbiamo lasciare questo posto adesso." Wika ni lolo. Ngumiti kami sa kanya. Nagulat sila lolo dahil naintindihan namin ni Aurelio ang sinabi niya. "Tinuturuan ko sila ng salitang Italiano, dad. Nakakaintindi sila ng lengwahe natin." Ngumiti si lolo at si lola at muli kaming niyakap ng kapatid ko at ng anak ko. Wala pa silang alam tungkol sa aking anak. "Hindi pa ho ako makakaalis. Kailangan ko kasing pumasok sa club na..." Tito Dario cut me off. "Let's go Jerwin. Sasamahan tayo ni Aurora sa club na pinapasukan niya at babayaran natin kung magkano man ang pagkakautang niya sa club na 'yon. Kailangan ko rin makausap ang may-ari ng club upang hindi niya sabihin kahit na kanino ang tungkol sa pagkatao ng pinsan mong si Aurora, lalong-lalo na sa mga Hendrickson." Nagulat ako. May mga alam ba sila tungkol sa nangyari sa akin? Ibig ba sabihin nito ay matagal na nila kaming sinusubaybayan? Maging ang mga magulang ko ay nagulat, pero ngumiti lang sa amin si lolo at si lola.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.1K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.6K
bc

His Obsession

read
91.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook