KABANATA 1
"Daddy, bakit ako, wala naman ako kasalanan bakit pati ako nadamay sa utang nyo?" Iyak na sabi ng dalaga habang naka dapa sa kama.
"Anak, patawarin mo, ano wala na tayong pera. Ito na lang ang tanging paraan. Dahil binigyan ako ng palugit ni Sebastian," mahinang boses ng kanyang ama.
"Ayaw ko, sumama sa taong iyon, Daddy. Gumawa kayo ng paraan? " iyak na sabi nito.
Halos buong araw si Sofia nagmukmok sa loob ng kwarto nito. Kahit nagugutom na ito hindi parin lumabas ng kwarto. Labis nag-alala ang magulang nito para sa kanya. Ngunit ito na lang ang tanging paraan para maisalbah ang kanyang pamilya.
Hanggang sa dumating na ang araw upang sunduin ang dalaga sa kanilang bahay.
Mabilis naman pinagbuksan ng ama nito ang lalaking nakatayo sa harap ng pinto.
" Maganda Umaga Mr, Madison," bati ng lalaki sa ama ng dalaga.
" Saglit lang tawagin, ko ang aking anak sa kwarto, " malungkot na boses ng ama ni Sofia. Nag totoo labas sa kanyang kalooban na ibigay ang kanyang nag-iisang anak.
Maya't-maya, bumaba na si Sofia mula sa taas. mugto ang kanyang mata.
"Anak, mag-ingat ka doon. Pangako kapag yumaman na ulit ako babawin kita mula sa kanyang?" mahinang boses nito sa anak sabay yakap. Ito na ang huling yakap ng mag-ama. Ayaw pa bumitaw si Sofia' ngunit hinila na ito ng tauhan ni Sebastian.
Habang nasa sasakyan ang dalaga tahimik lang ito.
Hanggang sa nakarating sila sa isang mansion.
Namangha ang dalaga dahil sa ganyan nito. Ngayon lang sya umano nakakita ng ganitong ka ganda ng mansion kahit mayaman na sila wala ito sa kanila.
"Dito ,po' tayo Ma'am?" saad ng tauhan ni Sebastian.
Sumunod naman si Sofia sa lalaki.
Mas nagulat ito nang makita nya kung gaano ka ganda sa loob nito. Tila nagkikislap ang mga ginto sa loob ng bahay. Natulala na lang ito sa kanyang nasaksihan.
"Miss, Sofia. Maiwan muna kita dito."
Tumango lang ang dalaga sa lalaki.
"Mabuti naman, hindi ako sinuway ng Ama mo!" seryosong boses mula sa likod nito.
Dahan-dahan lumingon ang dalaga mula sa likod nito.
Natulala sya sa gwapo ng lalaking kaharap nito.
Halos hindi pa ito kumurap sa lalaki.
"Hindi, naman, po' ganun nag ama ko. Aminin ko, napilitan din ako pumunta dito!" seryosong sabi nito.
"Wala ka na magawawa babae dahil hawak ko na ngayon ang buhay mo. Subukan mo, lang tumakas mula sa akin. Makikita mo ang inahanap mo?" banta nito sa dalaga.
Nagsitayuan naman ang balahibo ng babae sa kanyang narinig.
Gusto nya tumakbo papalayo sa lalaki.
"May isang salita ako, " mahinang boses nito.
"Here, pirmahin mo, ang kontrata na ibibigay ko, sa' yo?" sabay lahad sa mesa.
Agad naman kinuha ng babae ang papel na binigay sa kanyang ni Sebastian.
"Naglokohan ba, tayo! bakit walang nakasulat dito. "
"Basahin mo, mabuti maynakasulat dyan. Bilisan mo ang pagpirma dahil may lakad pa ako," walang buhay na sagot nito kay Sofia.
Napakamot na lang sa ulo si Sofia. Dahil kahit baliktarin pa nya ang papel na binigay sa kanya wala syang makitang nakasulat.
Kaya binigay nya ulit sa lalaki. Ngunit hindi naman nagustuhan ni Sebastian ang ginawa ng babae kaya nahampas nya ang mesa sa harap ni Sofia.
"Ginagalit mo, ba' ako?" untag nito sabay tingin sa mata ni Sofia'.
"Hi-Hindi?" pautal na sabi ni Sofia sa lalaki.
"Kung ganun, pirmahan mo, na iyan para matapos na tayo.At heto tandaan mo, lahat ng inuutos ko susundin mo. Bawal ka magreklamo dahil nakasulat ito sa kontrata na pinipirmahan mo!" anya nito sa dalaga.
Dahil sa sobrang takot nya kay Seb agad sya pumirma ng kontrata sinabi ni Sebastian.
"Masunurin ka rin naman, pala ganyan para lahi tayo nagkasundo!" ngising saad ni Sebastian kay Sofia.
" May isa pa akong kondisyon Sofia. Habang nandito ka, sa bahay ko, tumulong ko, sa gawaing bahay. Dahil hindi ka amo dito nagkaintindihan ba, tayo!" seryosong sabi nito kay Sofia.
Agad naman sumang-ayon si Sofia kahit labag ito sa kanyang kalooban. Dahil sa bahay nila hindi ito pinagtrabahan ng kanyang magulang.
Isang araw pa lang ito sa bahay ni Sebastian suko na sya dahil maraming inutos sa kanya. Halos puro mabibigat na gawain ang inutos sa kanya ng lalaki. Dahil gusto ng binata kung hanggang saan ang kaya nito.
Nag-enjoy naman si Sebastian sa panonood sa dalaga mula sa laptop nito. Dahil ang bahay ng binata may cctv halos buong buhay nito meron.
Nang matapos si Sofia nagpahinga na ito. Hindi nya alam kung saan sya matutulog dahil hindi pa ito binigyan ng kwarto ni Seb. Kaya sa gilid muna ito umupo upang doon magpahinga. Na'awa naman ang mayor doma sa sa' dalaga m Ngunit wala syang magawa dahil iyon ang utos ng kanila amo. Dahil kung sino ang sumuway sa utos ni Seb may parusa sa kanila.
Makalipas, dalawang oras muling tiningnan ni Seb si Sofia.
Nakatulog na ito sa gilid ng pader..
"Hey, anong ginawa mo?" untag nito kay Sofia.
"Sorry, nakatulog ako?" hingi ng paumanhin ni Sofia kay Seb.
"Ang sarap ng buhay mo? samantala sila nagtrabaho dito! tandaan mo, babae hindi ito ang bahay nyo.
Sa susunod kapag nakita pa kita natutulog dyan buhusan na kita ng tubig!" banta nito kay Sofia.
"Paumanhin,hindi na, po' mauulit!" yukong sabi nito kay Seb.
"Manang, ihatid ko, sya sa kwarto nya.
Bigyan mo, rin sya ng damit, " untag nito sa katiwala.
" Masusunod Lord?" yukong saad nito sa amo.
" Tara, na sa kwarto mo? " Aya nito kay Sofia.
" Sofia, ito ang magiging kwarto mo.
May banyo ka sa dito kaya hindi mo na kailangan gumamit sa iba, " pahayag nito kay Sofia.
"Salamat po, " tipid nitong sabi.
Paglabas ng Ginang huminga sa kama si Sofia. Ngunit napabangon ulit ito dahil sobrang tigas ng kama. Kinapa pa nito kung anong klaseng kama.
" Anong klaseng kama ito, parang bato? " Saad nito sa sarili.
" Kapag minalas nga naman sa buhay o? " anya nito sabay kamot ng ulo.
No choice na sya kung hindi magtiis sa ganitong kama.
Hindi nagtagal muling bumukas ang pinto.
Pumasok roon si Manang may na dalang damit para sa dalaga.
"Sofia, heto pala ang damit na susuotin mo, araw-araw," anya nito kay Sofia.