Chapter 1

1399 Words
Reminder This story is for adults only! PROLOGUE "Ano pa ba ang kailangan mo? Uupo ka lang doon at pamamahalaan ang mga kompanya! Hindi mo tularan ang kuya Eleazar mo! Para rin sa iyo ito Ekzekiel!" Dumagundong na sermon ng kanyang Daddy, na si Don Samuel Alonte. Kilala bilang isang business tycoon ng bansa. "You don't understand Dad! Even if I graduated with business course I don't want to manage our companies. That's not for me and please stop comparing me to Kuya. We're different person Dad. " Sagot ni Ekz sa kanyang ama. " You bastard! " Sigaw nito sa anak. "I'm sorry Dad, I can't be the person you want me to be. I'm grown up man and I know what's best for me." Sagot na naman nito sa ama. "Okay if that's what you want, you're free to leave this place and never come back! I hope you won't come back and ask for things you throw away.! " Dagdag pa ng Don sa kanyang bunsong anak. Pagkasabi ng Don ay lumabas ito na galit sa bunsong anak. Naroon naman ang asawa nito na si Donya Antonia at nakikinig sa mag-ama. Tahimik itong lumuluha sa isang sulok. "Hijo baka nabibigla ka lang? Kausapin mo muli ang Daddy mo. Please anak. Lahat ng ginagawa namin ay para sa inyo ng kuya mo." Sambit ng kanyang ina habang patuloy na lumuluha. "I'm sorry Mom but I can't be like kuya. I want to decide for myself. I don't want to manage our businesses. I want something that is new, I want to explore. Ever since, you and Dad make decisions for us. I thought after College I can enjoy life. But I am wrong, hanggang ngayon si Dad pa rin. " Sagot ni Ekz sa mommy niya na di tumitigil sa pagluha. " Anak saan ka tutuloy? Paano ka kung aalis ka Dito? " Anas nito sa kanya. "I don't know Mom, pero sa ngayon at least I've tried. Whatever is waiting for me outside of this house, I'm gladly welcome. I'm sorry Mommy. Always take care and remember that I did not choose this because I don't love you." Sagot nito sa ina at tumalikod na. Nagtungo si Ekz sa kwarto nito para kunin ang mga mahahalagang papel at mga gamit nito na kakailanganin niya sa pagsisimulang mag - isa. Hindi niya alam kung saan siya pupunta sa oras na ito. Walang dapat sisihin, ang gusto lang niya ay mabuhay ng walang nagdidikta sa kanya. Ngayon lang siya nag decision para sa sarili niya. At ang kauna unahang decision na ginawa niya ay nagresulta sa pagpapalayas ng kanyang ama. Dinala niya ang kotse niya dahil regalo naman ito sa kanya at di niya hiningi. Reward ito sa kanya ng grumaduate siya ng may latin honor sa isang kilalang university. May pera Naman siya, noon pa man nagsesave na siya. Hindi siya maluho ang magulang lang niya ang pumipili ng mamahaling gamit para sa kanya. Sapat na siguro ang ipon niya para makapagsimula. Hindi maaaring narito lang siya malapit sa mga magulang niya kaya pinatakbo lang niya ng pinatakbo ang sasakyan niya hanggang mapansin niya na lumabas na siya ng Manila. Napadpad siya sa Isang probinsiya sa North. Suntok sa buwan ang ginawa Niya pero nandito na kaya papanindigan na niya. Hapon na at naagaw ang atensyon niya Ng may nakitang nakapaskil sa labas ng isang malaking eskwelahan. Is this for real? Job Vacancy: Full time and part time We need teacher faculty in Architecture, Accountancy, Business Administration, Computer Science, Information Technology, Psychology, Hospitality Management, Dentistry, Civil Engineering, Electrical Engineering, Mechanical Engineering, Nursing for our College Matagumpay University. Qualifications: - at least with aligned master's degree - preferably with academic and industry experience - with related PRC license (if applicable) How to apply: Interested applicants may send their Comprehensive Resume, transcript of records and diploma at matagumpayuniversity@*****.com Pasok siya dito sa business administration dahil may master's degree na rin siya. Tama kailangab lang niyang maghanap ng bahay na malilipatan sa ngayon kaya muli niyang pina andar ang kanyang sasakyan. Dahil bakasyon pa ng mga estudyante marami dito sa paligid ng university ang pihadong bakante. May nakita siyang tindahan kaya tumigil siya para dito magtanong. "Magandang hapon po! Magtatanong lang po sana ako, kung may alam po kayong vacant na apartment po dito?" Tanong niya sa di katandaang babae. " Magandang hapon naman hijo! Apartment ba ika mo?" Pag - uulit nito sa tanong ng binata. " Sakto ang pagtatanong mo kakaalis lang ng umuupa doon sa may paupahan ng kapatid ko noong isang Araw doon sa looban. Ipapaskil ko pa nga lang na may apartment for rent pero heto na ikaw. Gusto mo bang makita?" Wika nito sa binata. Lumabas ito ng tindahan at nilakad na lang nila kung nasaan ang bahay. Di naman daw ganoon kalayo sa tindahan sabi ni Manang. " Pasok ka hijo. Tamang tama dito ang kotse mo may parking na pang-isahan lang na sasakyan. Heto naman ang kabahayan. Ang kwarto ay nasa itaas may CR din doon at may maliit na terrace. Nandito sa baba ang sala, kusina at lutuan. Sa likod naroon ang labahan at sampayan ng mga damit. Ilan ba kayo na titira dito kung sakali? Saad nito sa binata. "Ako lang po Manang _" di na niya naituloy dahil dinugtungan na ito ni Manang Linda. "Manang Linda na lang ang itawag mo sa akin." Anas ng matanda kay Ekz. " Ako naman po si Ekzekiel." Sabi nito sa matanda. " Kaganda naman ng pangalan mo hijo. Nagustuhan mo ba?" Wika nito sa binata na ang tinutukoy ay ang apartment. "Opo manang Linda. Rerentahan ko na po. Magkano po pala ang rent dito?" Tukoy niya sa apartment. " Three Thousand per month, two months deposit and two months advanced. " Ani Manang Linda. " Sige po kukunin ko na po." Sabay dumukot ito sa bulsa at inilabas ang kanyang wallet na puno ng lilibohin. Iniabot niya kay Manang Linda Ang twelve thousand pesos. Nang maiabot kay Manang Linda ay nagtanong ito. " Kailan ka lilipat Ekzekiel?" Tanong nito sa binata. " Ngayon na po Manang Linda, nasa sasakyan ko na po ang mga gamit ko." Tugon dito ng binata. Gusto pa sanang tanungin ito ni Manang Linda kaya lang mukhang pagod na ang binata. Hindi naman sa pinagdududahan niya kaya lang mabilis ang ginawa nitong pagdedesisyon. " Sige hijo. Kunin mo na ang sasakyan mo sa labas. Pwede mong gamitin itong set na narito dahil wala ng pwesto sa bahay. Pero kung ayaw mo pwede nating ipalabas sa anak ko." Sabi ni Manang Linda. " Wala pa naman po akong gamit Manang Linda. Hayaan ninyo na lang po muna diyan." Tugon ng binata. Lumabas nga ito para balikan ang kotse sa tapat ng tindahan ni Manang Linda. Madaming bahay dito parang ginawa para paupahan. Iyon ang napansin niya habang pabalik sa kotse niya. "Bukas na lang ako mamimili ng mga kakailanganin ko dito sa bahay." Pagka-usap nito sa sarili. Sa ngayon ang mahalaga may matutulugan na siya ngayong gabi. Inisa isa niyang ibaba ang mga gamit na bitbit niya. Dinala din niya ang laptop niya at ang wireless WiFi. Iyon ang plano niya kapag nakahanap na siya ng matitirahan saka siya magsesend ng comprehensive resume sa email ng paaralan na pinicturan niya kanina. Pakiramdam niya tama talaga ang desisyon niya dahil umaayon ang lahat. Una ang trabaho, pangalawa ang malilipatan at syempre may panahon pa siyang mag -ready dahil bakasyon pa ng mga estudyante. Professor sa business administration ang aaplayan niya sa mga job vacancies na nakapaskil kanina. Ito kasi ang field niya noong nasa college siya at ito rin ang field na nag masteral siya. Kaya ang buong asa ng magulang niya lalo na ang Daddy niya na susunod din siya sa mga yapak nila at mamahala ng company ng mga Alonte. Gusto na niyang magpahinga, mabuti nakapag drive thru siya kanina at madami ang binili niya. Kanina kasi burger lang kinain niya at wala naman din siyang gana. Sa ngayon ito na lang manok ang hapunan niya. Kaya ng maipasok na ang mga gamit, kumain muna siya. Malinis na ang bahay, halatang kakalinis lang. Itinaas na niya ang mga maleta niya at saka nagpasyang maligo. Sa baba muna siya matutulog dahil wala pa siyang magagamit na higaan. Sakto yung sofa na nasa sala pwede na iyon pansamantala ngayong gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD