Napahawak ako sa kamay ko na maraming pasa habang patuloy na tumutulo ang aking mga luha. Kinulong nila ako sa mabahong kwarto at maraming basura. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kahit na maging matapang sa harapan nila ulit ay hindi ko na kaya. Patuloy na binabalot ng kaba at takot ang sarili ko. May mga pasa ako sa mukha dahil sa malalakas na sampal ng boss nila, isama mo pa na basta-basta nalang nila akung tinapon dito. Bakit ba ang malas ng buhay ko, sobrang malas ko sa lahat. Wala nabang patutunguhan ang buhay ko? Gusto lang naman ng maayos na buhay. Sumasakit pa ang naka kadenang paa ko sa pader, sobrang higpit nito at mukhang hindi ka talaga makakatakas dahil malaki ang kadena. Madilim pa ang buong paligid, tanging maliit na ilaw ang nanggagaling sa maliit na bintana at ito ang n