Malakas akung napabuntong hininga ng matagumpay kung naalis ang nakabaon na bala sa ulo ng lalaki. Ng matapos ko itong tahiin kaagad naman akung lumabas sila na ang bahala doon. Hinubad ko ang lab gown ko at surgical mask sabay tapon sa basurahan. Nadatnan ko na nakatayo si Khray at Keiry sa labas ng OR habang nakasandal sa pader, pareho silang naka maskara. Iniwas ko ang tingin ko kay Khray, kay Keiry ako lumapit. "He's safe, maingat kung natanggal ang bala, after nine or twelve hours magigising na siya, if not kailangan niyo siyang ipatingin sa neurologist," saad ko kay Keiry, napabuntong hininga ito sa sinabi ko bago tinignan si Khray. "You heard her, by the way Nashi are you okay? Bakit ba kasi lumangoy ka sa dagat?" ako naman ang malakas na napabuntong hininga at tinignan ito ng ma