Napabalikwas ako ng pumasok sa library si Dart habang hawak-hawak nito ang cellphone niya. Iniwas ko ang tingin ko, alam ko na si Khray ito. Isang linggo na ang nagdaan mula ng nagkausap kami sa cellphone. Kumabog lang ang puso ko, tanggap ko na sa sarili ko na may gusto ako sa kanya. Walang pinipiling oras at taon para magka gusto ka sa isang tao. Katulad ko, nagkagusto ako sa kany na hindi ko namalayan. Pero, dadalhin ko hanggang sa hukay ko ang nararamdaman ko sa kanya. Walang makakaalam na gusto ko siya. I will never admit it. At ilang araw ko na itong iniiwan na kausapin siya. Hindi ko alam pero galit ako sa kanya, galit ako sa hindi malamang dahilan. Gusto ko siyang makausap pero pinipigilan ko ang sarili ko. "Lady Nashi, it's Sir Eon," malumanay na saad nito, bumuklat ako ng isa