Nagising ako dahil sa panakit ng katawan ko. Ang sarap pa sanang matulog pero hindi ko na talaga matiis ang pananakit ng katawan ko. Dahan-dahan kung dinilat ang mata ko pero unang bumungad sa akin ang kulay dark blue na paligid. Kaagad bumalik sa alaala ko ang lahat ng nangyari, binalot ng kaba ang puso ko. Mabilis akung napabangon habang hinahawakan ang tiyan ko na kumikirot sa sakit. Nilibot ko ng paningin ko ang buong kwarto pero tanging dark blue ang nakikita ko mapa kurtina at bedsheet. Damn! Nasaan ako! Pero nanlumo ako ng maalala ang nangyari sa akin. Kaagad na binalot na naman ng kaba ang puso ko. Unti-unting namuo ang luha ko habang nararamdaman ko pa ang bawat hawak at halakhak nila. "Don't cry," automatic na napabalikwas ako at napaurong ng may narinig akung boses. Binalot