Ng makalayo ako kay Khray hindi ako pumasok sa tinutuyan ko. Dumiretso ako sa garden sa likod nito, kaagad akung napaupo sa damuhan at napaiyak ng malakas hindi alintana ang malakas na buhos ng ulan. Dumidilim na ang langit dahil sa lakas ng ulan. Malakas kung sinuntok ang damuhan habang iniinda ang sakit ng puso ko. Nakilala ko lang siya tapos ganitong sakit na ang pinaparamdam niya sa akin. Isang malaking pagkakamali ang pagtatagpo ng landas namin. Bakit ba ako nahulog sa kanya! Bakit! "Ahhhhh!" malakas kung sigaw at napahagulgol ng iyak. Hindi ko alam kung bakit ganito ka sakit ang nararamdaman ko dahil lang sa sinabi niya. Tangina niya! Hindi ako nahulog sa kanya ng ganito kung una palang naging ganito na siya. Pero, halos alagaan na niya ako, nag-aalala siya sa akin at may iba i