Nakayuko ako habang naka upo sa kama at nasa unahan ko si Khray na pilit na hinuhuli ang paningin ko. Aaminin ko, ngayon lang ako nahiya sa ginawa ko. Pakiramdam ko nawala ako sa sarili ko kanina. Damn! Lupa lamunin ko nalang ako. Ngayon na nasa harapan ko si Khray, wala naman akung masabi. "Look at me Sheraphin," malumanay na saad nito, umupo ako ng tuwid pero iniwas ko ang tingin ko sa kanya at bumuntong hininga. "I just want to go home," maikling sagot ko sa kanya, rinig ko ang malalim nitong hininga. Kailangan ko nang umalis dito ng maiwasan ko na si Khray, kapag tumagal ako dito pakiramdam ko mas lalo lang ako magkakagusto sa kanya. "Sorry Nashi, but you can't," doon na ako napatingin sa kanya. Hinawakan nito ang kamay ko at tinignan ako sa mga mata ko. "Trus me, it's dangerous.