Chapter 16

2264 Words

Amanda’s POV Pinipilit kong pagaanin ang pakiramdam ko pagkatapos ng tagpong iyon na hindi ko inasahan. Para akong nanghihina na hindi ko maipaliwanag. Ngayon lang ako nakakilala ng ganitong klase ng tao. Sobrang mapanghusga. Wala sa sariling napailing ako at mapait na napangiti. Bumuga ako ng marahas na hangin saka inilibot ang tingin sa paligid ng opisinang ito. Ito ba? Ang sinasabi nitong hindi ko deserve? Ang mapunta sa opinsinang ito? Ang maging personal assistant ng mismong CEO? Tama nga naman siya. Mukhang masyado nga akong naging ignorante sa mga bagay-bagay. Una na akong binalaan ni Theon tungkol sa pinsan nito pero hindi ko naman inasahan na ganito kasama ang ugali nito. Ganito talaga siguro kapag mayaman. Naiiba lang siguro si Theon. Kaya siguro sobrang galit si Nanay sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD