Chapter 72

2047 Words

Amanda’s POV Pagbalik ko sa pwesto ko pagkatapos kong maglibot sa mga lawyers ay napaupo nalang ako sa upuan ko at napatunganga sa mga papel na nasa harapan ko. Patuloy pa ring tumatakbo sa isipan ko ang biglang isyung narinig ko tungkol sa kasalukuyang kaso at kay Sir Kaiden. Napabuga ako ng marahas na hangin hanggang sa mapakunot ang noo ko. Hindi ko pa rin alam ang buong kwento o detalye pero masama na ang kutob ko tungkol rito. Napasulyap ako sa opisina ni Sir Kaiden pero naka-on ang smartglass wall nito kaya naman bagsak ang balikat na napabalik ang tingin ko sa mga papel na nasa table ko hanggang sa mapadako ang tingin ko sa may monitor ng computer ko ay kaagad kong inabot ang mouse at keyboard. Wala sa sariling tinipa ko ang pangalan nu’ng narinig kong actress. Actress Rachelle

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD