Chapter 25

2059 Words

Amanda’s POV Kinabukasan… Maaga akong nagising at balak kong lumibot ngayon rito sa maynila para umpisahan ang paghahanap ko sa tatay ko. Pagkatapos kong mag-agahan at nagbihis ay napaupo ako sa kama saka muling kinalkal ang luma at gusto na larawan ni Nanay na nasa maleta ko. Mahahanap ko kaya ang tatay ko rito? Tanging Liam lang ang alam kong pangalan nito, ni apelyido ay wala. Pero mabuti nang may address rito sa likod ng letratong ito at may mapag-uumpisahan ako. Inilagay ko na sa sling bag ko ang letrato saka na tumayo at lumabas ng kwarto. Sakto namang palabas ako ng bahay nang makasabay ko ring lumabas si Lei. Nakatingin lang ako rito at maging ito ay nakatingin lang rin saakin hanggang sa tuluyan ko nang mai-lock ang pintuan ko. Naka-pants ito at hoodie. Mukhang aalis siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD