Chapter 4

1018 Words
Sinusundan ng dalaga ang binata hanggang sa labas bahay nito. Nagisip siya na dapat makatira siya sa bahay na yan para mabantayan niya ang binabantayan. Di na siya nabigla sa bahay nito dahil isa itong mafia kaya normal na sa kanya na ganito ka palasyo ang bahay nito. May malagintong gate at may guardhouse sa gilid na tagabantay may cctv din para makita kung sino ang mga dumadaan. Napatingin ang dalaga sa may gate banda may nakalagay na nangangailangan ito ng personal assistant na kinangisi nito. "Anong ginagawa mo jan?" Nagulat ang dalaga kasi nakita siya ng isa sa mga guard dito. "Uhmm... mangangaply ako bilang personal assistant." Nagtitigan ang mga guards at nagtanguan na ang ibig sabihin papasukin ito. "Sundan mo lang ako." Sinunod naman ng dalaga ang isanf guard hanggang makapasok sila sa mansyon at nakita niya sa loo ang malapalasyong lugar, may mga malalaking painting, red carpet, mamahaling mga gamit na mukhang galing sa ibang bansa ang mga ito at umakyat na sila sa hagdan hanggang makarating sa opisina. Kumatok ang gwardia at pinapasok naman ito ng tao sa loob. At pagpasok nila nakita nito ang isang lalaki na nasa mga 50+ na ang edad. "Mangangaplay ka ba bilang isang Personal Maid?" "Opo." "May biodata ka bang dala?" Tumango naman ito at kinuha sa bag ang biodata. Binasa namam ito ng lalaki at tiningnan ng mabuti ang dalaga. "Hannah Martin, 18 years of age... may background ka ba sa pagiging personal assistant?" Tumango nalang ang dalaga at nagisip ng kung ano pang itatanong sa kanya. "Hmmm... about sa babantayan mo. Makakaya ka bang magbantay ng isang leon?" Napataas ang kilay ng dalaga sa narinig sa lalaki. Akala kasi nito baby damulag ang babantayan niya leon pala? "Leon po?" "Hahaha not exactly na leon na animal, ang ibig kong sabihin ang ugali parang leon. Ganun kasi ugali ng anak ko. Kaya mo ba?" "Ah... mahigit pa nga sa leon ang binantayan ko noon mga dragon lang yun..." "Huh?" "Ang sabi ko po, opo. Kaya ko po." "That's good i see it in your face. Your hired" Nagulat naman ang dalaga sa sinabi nito. Di niya akalain na ganun nalang kadali. "Po? Wala na pong ibang gagawin?" "Bakit may iba pa ba akong dapat gawin?" "Ah.. wala po. Uhmm kailan po ako magsisimula?" "Bukas. And dito ka na tumira... magpapakilala muna ako ako nga pala ang ama ng babantayan mo. I'm Zandro Schubert." "Kinagagala ko po kayong makilala, Mr. Schubert." Nagbow ang dalaga at sinabing aalis na. Nang makalabas siya sumakay siya sa kanyang motor sa di kalayuan sa gate. At nagdrive pauwi. Magsisimula na ang totoong plano. Sa masyon niligpit na ng dalaga ang lahat ng gamit nito at ipinasok sa maleta nang marinig niya ang katok ng kanyang kapatid at pumasok ito. "Teka... aalis ka? Lalayas ka!" "May bagong mission ako kaya wag kang mag aalala babalik ako agad matatapos ko agad ang missiong yun." "Kinakabahan na talaga ako sayo, kapatid. Mukhang nasa balikat mo na ang lupa malapit na sa ulo ang libingan mo. Di ka ba natatakot kay kamatayan?." "Kumuha pa ako ng ganitong kurso kung matatakot akong mamatay. Matagal ko nang tanggap na mamamatay ako ng una sayo. And don't worry nandyan ka naman na maging doctor ko diba?" "Don't say nonsense, Marienete!" "That's true, Kuya. So i need to go now." Tumalikod na ang dalaga ng bigla itong niyakap ng kuya niya. "Magiingat ka kapatid ko. Alam mo naman na ikaw lang ang kapatid ko ikaw lang ang natitira saakin pag wala sila mama at papa dito." "Nagiging overacting ka na naman. I'm okey... matagal mamamatay ang masamang damo." At humiwalay na ito sa yakap nito sa kanyang kapatid. At lumakad na. At sumakay na nang taxi di siya pwedeng magdala ng sasakyan baka maghinala sila. Pinindot nito ang parang headset na wireless sa tenga nito. "Titira na ko sa bahay ng mga Schubert." 'Good job, Agent Ace.' "Tatawag uli ako kung nakapasok nako sa bahay." 'Okey, do well your job. Wag mo silang maliitin.' "Okey." At tumingin ang dalaga sa bintana tiningnan ang papalubog na araw. At naisip niya sa paningin palang niya kanina sa ama ng babantayan niya mabait naman. Di naman siguro as in na masama ang mga mafia siguro kagaya lang ito sa normal na may masama may mabait. Nang maisip niya ulit na mukhang di gumagamit na pinagbabawal na gamot ang mag ama. "N-nandito na tayo maam." Nanginginig na sabi ng taxi driver. Napatingin ito sa labas at mukhang di pa naman sila nakakarating dahil sa di kalayuan ang gate ng mansyon. "Uhmm... manong doon ho sa may gate." "M-miss, dito lang po tayo... " Mukhang naintindihan naman ng dalaga. Lahat takot dumaan o huminto sa mansyon dahil sa nababalitang dangerous daw ang mga tao sa loob nito. "Okey po... kukuha lang po ako ng pera." "Uhmm... miss dyan ka ba nakatira? Ngayon lang kita nakita dito eh." "Ah.. opo. Nag aaply po ako na personal assistant jan." "Miss, ako sayo magre resign nalang ako. Nababalitaan ko na ilang manggagawa jan umalis dahil sa pag aabuso sa kanila sa loob." "Po?" Binigay na ng dalaga ang pera sa taxi driver. "Totoo ang sinasabi ko, iha. Sana maging maayos ang pagtira mo jan." Napatango nalang ang dalaga habang nagpaalam sa taxi driver at naglakad siya papuntang gate. Pinindot nito ang gate bell. "Sino yan?" "Ako po ito mga kuya." Nang makita ng mga guard ang dalaga binuksan nila ang gate at pinapasok ito. "Welcome iha." Bati ng mga guard sa dalaga. Ngumiti ang dalaga at hinatid ito sa kwarto niya. "Asan po ba ang kwarto ng aalagain ko." "Magkatabi lang kayo." Napatango ang dalaga at biglang may iniabot sa kanya na mapa. "Yan ang mapa ng boung mansyon. Yang may X ibig sabihin di pwede pasukan yan. Naintindihan mo?" "Opo. Sige po salamat po." Tumango ang guard at lumabas na. Habang nag aayos ang dalaga ng mga gamit niya agad naman inayos niya ang mga gadgets na magagamit niya. At nang matapos na niya itong ayusin naligo na siya at nagbihis at natulog na agad. ******* LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD