Bumaba siya sa sasakyan niya at tatawid sana ng...
*Peeep!*
Napatingin lang siya dito.
"Mananagaasa ka ba ha!! "
Galit na sabi ng dalaga. Lumabas naman ang lalaki at napatingin ang dalaga doon.
"Ang gwapo..."
Mahinang sabi ng dalaga habang nakatulala sa binata. Nang matauhan ito...
"Di ka ba tumitingin sa daan?!"
"Baka ikaw."
"Nakita mo ba ang traffic light ha! Pula oh!"
Napatingin sila sa traffic light naging green na ito. Masamang tiningnan ng dalaga ang binata.
"Color blind ka na ba?"
"Mas siguro eh pula yan kanina eh!"
"Sayang maganda ka sana, high blood ka lang."
Tumalikod ang binata at sumakay sa sasakyan nito.
"Saan ka pupunta? Ha tatakas ka?"
"Nope, wala akong dapat ipaliwanag kitang kita naman natin na GREEN ang nasa Traffic Light. I'll go now may meeting pa ako."
At nagpaharurut na ang binata sa pagpapatakbo ng kanyang sasakyan. Nanggigigil ang dalaga habang nakatingin sa sasakyang papalayo.
"Di ko makakalimutan yang pagmumukha mo!"
Sa opisina ng Chief Of Agent...
Nakaupo at seryosong nakatingin si Marieneth sa Chief of Agent nila.
"May problema ka ba, Agent Ace?"
"Nakakainis kasi yung nakabangga ko kanina... kitang kita ko yung green light sa traffic light tapos may muntik nang bumangga saakin! Tapos nung pinaliwanag ko naging red na ang traffic light! Kainis!"
"Oh, nagkabuhay ang Agent namin dahil sa away sa Traffic Light."
Sinamaan ng tingin ng dalaga ang Chief nito. At napaubo naman ang Chief.
"Okey, wag ka nang magalit saakin. Peace na tayo."
"Just spill it!"
"Agent Ace, may isang mission akong ibibigay sa iyo. Ito ay isang napakamalaking mission."
Mukhang nabuhayan ng dugo ang dalaga sa narinig kaya umayos siya ng upo at seryosong nakatingi sa Chief nito.
"May tinitingnan kaming tao na nagngangalang Zander Blade Schubert....."
Biglang lumabas ang isang larawan ng isang lalaki. Mukhang magkaedad lang sila ng dalaga dahil sa bata parin ang mukha nito. Pamilyar ang mukha nito ng maalala ng dalaga kung saan niya nakita ang binata
"Ah siya nga yan!"
"Kilala mo?"
"Yan yung muntik na sumagasa saakin. Walang hiya yang lalaking yan."
"Easy lang ... patapusin mo ako."
Tumango nalang ang dalaga. Kahit ang sarap ng sugurin ang white board dahil sa inis nito.
"... 18 taong gulang. Sa batang edad siya na ang humawak sa kompanya nila at pinagsabay nito ang kanyang pag aaral at pag asikaso sa kompanya nito. Tinutulungan naman siya ng parents niya."
Napataas ang kilay ng dalaga dahil di niya alam kung bakit ito matatawag na malaking mission eh wala namang mali sa paliwanag nito sa kanya.
"Anong akala mo saakin, Chief... baby suitor?"
"No, patapusin mo nga ako...Sa isip mo isang ordinaryong binata tong kinukwento ko sayo.... diyan ka nagkakamali...."
"What do you mean? Alien ba siya? Chief naman nangbibitin ka ba?"
Naiinip na ang dalaga pabitin kasi ang Chief at mukhang di agad sasabihin ang dapat sabihin.
"Mainipin ka talaga. Okey, ang batang toh ay isang Mafia Boss."
"Mafia Boss? Means d**g lord, nagbebenta ng mga b***l kahit saan, pinapatay nito ang mga kalaban ng pamilya nito diba yan ang trabaho nila?"
Napaisip ang Chief sa sinabi ng dalaga.
"Hmm... maybe. That's why i need your help. Naalala mong may p*****n ang nangyari sa pamilyang Hermes at alam natin na isa silang Mafia. So sila ang daan natin para malaman kung sino ang pumatay sa mga taong ito."
"So what's your plan, Chief?"
Seryosong sabi ng dalaga habang nakatingin sa folder na nandun ang ibang impormasyon tungkol sa lalaking sinasabi ng Chief.
"Mag de-desguise ka at papasok ka sa school niya mismo."
Napahinto siya sa pagbuklat ng binabasa at tumingin sa Chief. Di siya makapaniwala na mag aaral nanaman siya.
"Teka, as in mag aaral ako?"
"Yup. Don't worry okey na ang enrollment mo, Here. About sa identity mo mag iiba na also your name."
Tiningnan agad nito ang folder at seryosong tiningnan ang Chief.
"Nababahala ako..."
"Bakit ka naman mababahala?"
"Dahil baka..."
Seryoso namang nakatingin ang Chief sa kanya iniisip nito na ano nanaman ang problema niya baka di niya tatanggapin.
"Na ano?"
"Baka ako ang mag top 1 doon."
Muntik nang matumba ang Chief sa sinabi ng dalaga at totoo naman ito dahil matalino ang dalaga sa araw araw na nagbabasa yan ng libro pati sa libro ng kapatid niya binabasa niya.
"Hay, Agent Ace.... i know na mas matalino ka sa lahat. At sana matapos mo na ang missiong yan puro problema lang ang binibigay ng mga Mafia saatin."
"Oho.... teka lang ano naman ang gagawin ko sa lalaking yun?"
"Ah... ang gagawin mo lang ay simple lang naman dapat makuha mo loob niya. Dapat madala ka niya kahit saan at dapat magtiwala siya sayo. Your a great actress so that i know you do it, Agent Ace."
"Makakaasa po kayo, Chief."
Tumayo na ang dalaga at sumaludo at lumabas na sa silid na yun.
"Agent Ace."
"Oh.. Agent Bill, ikaw pala yan."
"Nabalitaan ko na may bigatin kang mission ha. Yan na ang magpapataas ng rank mo."
"Oo nga... mukhang magiging baby suitor ako neto eh."
"Oh, first time yan ha. Wag masyadong care hindi baby ang inaalagaan mo damulag na yun."
"Oo naman. Ang swerte naman niya noh kung aalagaan ko siya na para talagang baby... at mukhang matured naman yung lalaking yun."
"Nagkita na ba kayo?"
Tumango ang babae. Kumulo nanaman ang dugo nito.
"Basta kung magkita kami babarilin ko agad siya..."
"Oh.. i see siya pala ang nagpapainit ng ulo ng baby agent namin."
Sinamaan nito ng tingin ang lalaki at napatawa nalang ang binatang agent.
"Ito naman oh, di mabiro. Basta kung mang hihingi ka nang tulong i'm here for you as always. Just call me and i'll be there."
Napatawa nalang ang dalaga sa inasal ng binata. Napangiti ang binata dahil napatawa niya ang dalaga at masaya siya na napangiti niya ito. Bihira kasi itong ngumiti simula nung niloko siya ng kanyang syotang baliw.
"Aish... good mood tayo ngayon, Okey? Think positive!"
"Okey."
"Hahaha good luck, Agent Ace."
"As always, Agent Bill."
At umalis na ang dalaga dahil maghahanap pa siya ng mga gamit na magagamit niya sa missiong ito.
******
LMCD