Kabanata 28

1617 Words

Katatapos ko lang gawin ang pang voice over para sa project namin ni Justin, kaya heto at humilata na muna ako, hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa natanggap kong tawag mula sa hindi kilalang tao. Kaagad na kasing pinutol ng lalaking 'yon ang tawag na hindi man lang sinagot ang tanong ko. Gulong-gulo tuloy ang isip ko. Hindi ko rin mapigil ang kabahan. Magdamag dilat ang mga mata ko sa kakaisip kung sino 'yon. Ang nakakatakot, alam ng caller na gising pa ako ng ganoong oras. So, ibig sabihin ay nakamanman lang siya sa mga galaw. At saka, bakit Eric ang tawag sa akin ng caller na 'yon? Tumayo ako dumungaw sa bintana dito sa kwarto ko. Iginala ko ang paningin sa paligid. Puro apartment din ang nasa paligid nitong tinuluyan ko. Kaya naisip ko na baka 'yong tumawag sa ak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD