SELENA POV. Tinulak ko ng malakas si Lucas kahit nanghihina ako sa mga katagang sinabe nito ng makita kong bumukas ang elevator. Sunod sunod umagos ang luha ko ng hindi ko namalayan. Naninikip ang dibdib ko at hindi makapaniwala kay Lucas. Anong nangyare? Ang sabe niya sa akin noon hindi niya anak si Abbie. Hindi niya tinanggap si Abbie. Hindi niya inakong anak niya si Abbie dahil mas pinaniwalaan niya na anak ito ng lalaking isa sa sumira sa buhay ko. Kong alam kong anong nagawa ko sa kanila kong bakit nila ako sinira ang pagkatao ko. Hindi ko alam kong anong nagawa ko kong bakit nila ako pinaglaruan, pinag pustahan at sa tuwing naalala ko yan parang nadudurog ang puso ko. Minahal ko si Lucas ng totoo. Binigay ko sa kanya ang lahat lahat. Pati ang isang bagay na iniingatan ko, sinuko
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books