The Good Mistress : Kristina

1078 Words
The Good Mistress : Kristina Chapter Twelve •••• "KRISTINA... KRISTINA, SANDALI." Malakas na pagtawag ni Connor sa pangalan ng dalaga. Pagtatala ang mayroon siya sa mga sinabi nito sa kaniya. Ang buong akala niya ay iba ang sadya sa kaniya ni Kristina at hindi iyong mga bagay na narinig niya mula rito. "Kristina... Kristina. Wait." Hindi niya inaasahang huminto ang dalaga sa paglalakad, mas lalong bumilis ang lakad nito. "Kristina. Kristina, sandali." Hindi sinasadyang nahawakan ni Connor ang balikat nito nang maabutan niya ang dalaga. Masamang tingin ang nakita niya sa mga ni Kristina nang lingunin siya nito. "I'm sorry! Kung may nagawa man akong hindi maganda sa iyo! I'm sorry. Pero believe it or not, wala akong masamang intensiyon sa 'yo, Kristina." "Bitiwan mo ako!" tugon nito sa kaniya. Tinaas ni Connor ang dalawang kamay niya, akmang pagsuko. Mas lalo yata nadagdagan ang mali niya sa dalagang hindi niya lubos maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang mga sinabi nito sa kaniya. "I'm sorry! Kung may nagawa man akong hindi mo nagustuhan. Pasensiya ka na, Kristina! Pero tulad ng sinabi ko sa iyo wala akong kasamang intensyon! I just want to be your friend.." "Hindi ko kailangan ng kaibigan!" malinaw nitong sagot sa sinabi niya rito. Kitang-kita niya sa mga mata nito kung gaano ito katotoo sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito. Binaba ni Connor ang dalawang kamay niya. "I'm sorry, Kristina... Wala akong intensyong masama sa 'yo. Pasensiya na." Nakipagsukatan siya ng tingin dito. "Ano ang kailangan mo sa akin? Bakit mo ko hinahanap? Dahil as far as I know, wala naman akong atraso at higit sa lahat kailangan sa 'yo!" hindi maitatangging may galit sa boses nito. "Iyong sagot ko sa una mong tanong; I have your photos already, and for your second question is I find you interesting. Thats the reason why, Kristina." "I don't need those things! At mas lalong hindi ko kailangan ang interes mo sa akin! Kaya pwedi ba! Pakiusap lang lubayan mo ako!" Akma itong tatalikod ng muli niya itong pigilan. "Kristina, sandali lang naman! Totoo ang sinasabi ko. I just want to be your friend, walang labis at walang kulang! Iyon lang!" Ngumiti ito sa harap niya. Pagtataka naman ang naramdaman ni Connor dahil sa pagdududang nabasa niya sa mga mata nito. "Self-proclaimed writer ako, kaya alam ko kung ang sinasabi ay totoo— at ang mga gumagawa lang ng kwento! Stay out of my way and higit sa lahat stay out of my life, Mr. Connor Marasigan!" Mabilis ang naging kilos ni Kristina. Hindi niya man lang namalayang nalagpasan na siya nito't mabilis na nagpara ng taxi. Napakamot sa sariling batok si Connor, hindi niya man lang lubos maisip kung bakit ganoon na lamang ang emosyon na pinapakita sa kaniya ni Kristina. Wala naman siyang matatandaang ginawang masama rito. 'Baka mainit lang talaga ang ulo niya!' kumbinsi niya sa kaniyang sarili. Wala na siyang planong pigilan ito at hindi ibig sabihin n'on ay binitiwan niya na ang kagustuhan niyang mapalapit dito. Gusto niya pa rin makilala si Kristina at sigurado siya r'on. ~~~ NGITNGIT sa damdamin ang nararamdaman ni Kristina. Para sa kaniya masyado na siyang naaabala ng lalaking iyon, kaya hindi na siya nagdalawang-isip na puntahan ito sa address na iniwan nito. 'Kristina, sandali lang naman! Totoo ang sinasabi ko. I just want to be your friend, walang labis at walang kulang! Iyon lang!' Muli pang sumariwa sa isip niya ang mga sinabi nito. Sinungaling! Iyon ang naging sigaw niya sa isip niya. Ang mga katulad ni Connor para sa kaniya ay ang mga taong walang alam sa buhay kun 'di ang maglaro lang. Siya pa talaga? aniya pa. Hindi siya basta-basta maniniwala sa mga sinabi nito sa kaniya— may motibo ang lalaki. At iyon ang hindi hahayaan ni Kristina na magtagumpay ito. Pinikit niya ang kaniyang mga mata, pilit na kinalma ang sarili. Ayaw niyang bumalik ng opisina na masama ang loob niya. Maaapektuhan lang ang sinusulat nyang nobela at ayaw niyang mangyari iyon. Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ni Kristina bago nagpasyang sumakay sa elevator, tatapusin niya ang lahat ng kailangan niya ngayon. Ayaw niyang magpa-apekto sa paghaharap nila ni Connor, ang naging desisyon niyang harapin ito. "Good you're here na, Kristina. May nagpapabigay sa 'yo." Nakakunot ang nuong pinagmasdan ni Kristina ang inaabot sa kaniya ni Evelyn. Isang kumpol ng red roses. "Kanino raw galing?" tanong niyang nag-aalangang tanggapin ito. "Connor— Connor Marasigan eh. Iyong naghahanap sa iyo, iyong tumawag." Sinasabi na nga ba niya. Wala naman ibang may kinalaman sa mga bulaklak na nasa harapan niya ngayon kun 'di ang lalaking iyon lang. "Itapon mo!" galit niyang utos sa kaibigan. Hindi niya na ulit inabala ang sariling tingnan ang bulaklak na iyon. Padabog siyang umupo sa sarili niyang swivel chair; tuluyang nasira na ang araw niya. "Sigurado ka ba? Kristina, first time mo lang nakatanggap ng bulaklak buong buhay mo 'di ba? Ayaw mong ma-experience man lang?" May halong birong tanong sa kaniya ni Evelyn. Tama ito! Ito ang kauna-unahang nakatanggap siya ng isang bulaklak— pero ang hindi niya kayang tanggapin ay manggagaling ito sa isang lalaking kanina lang ay nakaharap niya, sa paghaharap nilang hindi maganda. "I don't care! Kahit never na ako makatanggap ng bulaklak forever.. Huwag lang talaga sa lalaking iyon at hindi ko lang talaga matanggap!' "Teka lang ha! Bakit ba galit na galit ka sa Connor na iyon? Ano ba nagawa sa iyo ng lalaking iyon. Baka naman heto na ang way para maibsan iyong galit mo sa kaniya...ito oh, baka peace offering 'to." Nilingon ni Kristina si Evelyn. May hula siyang hindi siya nito tatantanan kapag hindi niya pinagbigyan ang gusto nitong mangyari. Muli niyang tinapunan ang bulaklak na hawak-hawak pa rin nito. "Okay. Fine. Happy?" may pang-uuyam niyang tanong dito. Kinuha niya mula sa kamay nito ang bulaklak na galing kay Connor, hindi para tanggapin ito kun 'di para tigilan na siya ng kaibigan niya. "Kinikilig ako, Kristina. Baka sa susunod iyong Connor na iyon na ang pupunta rito para dalawin ka or i-date ka ng talaga." "Over my dead body, Evelyn! Hindi ako pumapatol sa hindi kapatol-patol" "Naku! Huwag magsalita ng hindi pa tapos, baka lang mabusog ka sa sinasabi mo't kakainin mo," may panunuksong tugon nito. Tumalikod na ito mula sa kaniya, napailing-iling na lamang siya at mabilis na tinapon sa basurahang nasa harap niya ang kaawa-awang bulaklak. 'Hindi mo ako madadala sa laro mo Mr. Marasigan!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD