The Good Mistress : Kristina 13

1030 Words
KANINA pa siya nakahiga pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Nakaramdam na nga siya ng sakit ng ulo dahil sa pagpupumilit niyang makatulog. Hindi rin naman siya nagkape para isiping dahil sa kape at gising na gising pa rin ang diwa niya. Madalas naman siyang nakakatulog pag ganitong oras na, pero heto ngayon at gising pa rin siya. Naalala niya si Connor— ang pagpunta niya sa lugar nito kanina. Natatawa nga siya sa sarili dahil hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para sadyain ito. Napailing-iling na lamang si Kristina. Bumangon siya't nagpasyang isandal ang likod sa dingding ng hinihigaan niya ngayon sa maliit niyang silid. 'Tama ba ang ginawa ko?' tanong ni Kristina sa kaniyang sarili. Hindi rin nakaligtas sa balintanaw niya ang bulaklak na tinapon niya sa basurahan kanina— pati pala iyon, hindi niya pinatawad dahil sa inis na naramdaman kay Connor. 'Napakakulit naman kasi niya! Malay ko ba kung masamang tao siya,' aniya pa. Ayaw niyang mag-isip ng kahit na ano, pero hindi nakaligtas sa isip niya ang mga bagay na nagbibigay negatibo sa utak niya. Kung matinong tao si Connor, hindi siya nito guguluhin. Lalo pa't wala naman itong kailangan sa kaniya at ganoon din naman siya rito. Naiinis siya. 'E, kung bigyan mo kaya ng pagkakataon ang tao? Malay mo mabuti naman pala ang intensyon niya sa 'yo,' kontra ng isipan niya. Para sa kaniya hindi na magbabago ang unang ekspresyon niya rito, kung siguro hindi siya pinag-iinteresan nitong hanapin ay baka wala pa siyang naisip na masama rito. But no! Ilang araw pa nga lang silang hindi nagkikita mula nang unang engkwentro nila'y nagpakita na ito ng ibang interes sa kaniya. 'Hindi siya makakatulong sa akin! At wala akong kailangan sa kaniya — iyon ang alam ko,' siguradong pananaw ni Kristina. 'Siguro naman sa mga sinabi ko sa kaniya kanina ay tatantanan niya na ako. Hindi ko siya kailangan sa buhay ko.' Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya't pagkatapos muling nahiga sa kama niya. Sisikapin niyang matulog ngayon at may trabaho pa siya na kailangan niyang tapusin. Isa pang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Kristina, nang sa balintanaw niya sumilay ang nakangiting mukha ni Connor. 'Nakakainis! Nakakainis!' giit niyang sabi sa sarili. 'Kailan mo ba ako patatahimikin? At ano ba talaga kailangan mo sa akin?" aniya pang hindi maipinta ang inis niyang nararamdaman para sa lalaki. -- KANINA pa napapansin ni Connor ang hindi niya mapakaling asawang si Liezel, lakad ito ng lakad sa maliit na parte ng sala nila sa condo habang walang tigil ang kakatingin sa cellphone nito. Mukhang may hinihintay itong mahalagang text or tawag na hindi niya naman alam dahil hindi pa sila gaano nag-uusap. Prente siyang nakaupo sa may maliit na bar corner nila sa gawing sulok kung saan-saan kitang-kita niya ang galaw ng asawa. "Something wrong?" hindi niya natiis na tanong dito. Sumulyap ito sa gawi niya, tinaas ang kilay at muling binalik ang pansin sa cellphone nito. "Mind your own business there," mataray nitong sagot sa kanya. Bahagyang natawa na lamang si Connor sa asal ni Liezel. Hindi pa yata ito tapos makipag-away sa kaniya, mukhang naghahanap na naman ito ng g**o kapag mas naging maintriga siya. "I will! Gusto mo ba munang umalis? O, ako na lang ang aalis para hindi tayo maka-abala sa isa't isa?" tanong nyang nang-iinis. Muli siyang sinulyapan ni Liezel. Inirapan siya nito at padabog na umupo sa malambot nilang sofa patalikod sa kaniya. "Nakahanap ka ng dahilan para umalis 'no? Dis-oras ng gabi magpapaalam ka? Nangangati ka na naman ba?" Sinasabi na ba ni Connor, masasamain lang ni Liezel ang maganda niyang intensyon dito. Hindi na siya sumagot pa dahil baka kung ano lang ang masabi niya rito, mas magkakagulo lang silang dalawa. "Sorry to interrupt you. Kwarto lang ako." Walang atubiling paalam niya rito't hindi na hinintay ang mga sasabihin nito. Wala siyang balak makipagtalo kahit kanino man ngayon, lalo pa't naalala niya ang pagkikita nila ni Kristina kanina; hindi maganda iyon. Nahiga si Connor sa higaan nilang dalawa ni Liezel, hindi na talaga nagbago ang babaeng pinakasalan niya pagdating sa mga bagay na pinagdududahan nito. Wala siyang ginagawang masama d'on ay sigurado siya. Ang hindi niya lang alam kung hanggang kailan titigil si Liezel sa mga pasaring nito sa kaniya. Hindi niya napigilang isipin si Kristina— ang pagiging aloof nito sa kaniya. Halos ipagtabuyan nga siya nito e, sa hindi niya malamang dahilan. Mas wala naman siyang ginagawang masama rito, malinis ang intensyon niya. Napabuntong-hininga si Connor, alam niya namang hindi maganda ang ginagawa niyang paghahanap at nais niyang mapalapit sa estrangherang babae; may qualities lang kasi si Kristina na hindi niya kayang baliwalain. Napangiti si Connor, she really admired her. Not for intimacy, pero bilang isang espesyal na tao na gusto niyang maging bahagi ng buhay niya. "Aalis ako! Huwag mo na akong hintayin! Matulog ka hanggat gusto mo, o 'di kaya kausapin mo kung sino mang babae mo magdamag!" Nagulat si Connor sa biglang pagbukas ng pinto at sa mga sinabi sa kaniya ni Liezel. How paranoid this woman, aniya sa isip niya. Dinadamay pa talaga siya nito sa init ng ulo nitong wala naman siyang ginagawa— heto siya't nananahimik at mas piniling mag-isa na lamang sa silid nilang dalawa pero talagang nakasunod ito sa kaniya. "Do whatever you want to do, Liezel! No worries! I support you. Enjoy, honey!" natatawa niyang pang-iinis na tugon dito. Muli itong tumalikod bitbit ang bag nito't malakas na sinarado ang pinto. 'Mahirap talagang intindihin ang mga babaeng may malakas na topak at toyo!' ani na lamang ni Connor sa sarili. Napailing-iling na lamang siya sa naging asal ni Liezel, sabi pa niya kung may numero lang siya ni Kristina, hindi malayong gawin niya ang gusto nito— ang tawagan si Kristina at kausapin ito magdamag para mas makilala ang isa't isa. Kung bibigyan lang siya ng pagkakataon hindi niya ipagkakait sa sarili niya iyon. 'Thanks for making me smile, Kristina. Kahit na ang g**o-g**o ng pagsasama namin ng babaeng hinarap ko sa altar,' bulong ni Connor sa kaniyang sarili, pagkatapos pinikit ang mga mata't pinilit na makatulog.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD