Kristina - The Good Mistress - Chapter ten

1183 Words
KRISTINA - THE GOOD MISTRESS - CHAPTER TEN • ENCOUNTER ~~~ SELF CARE PUBLICATIONS, MANILA. ~~~ "Kamusta ang naging bakasyon mo, Tinay? Nakapag-recharge ka ba naman ng maigi para sa novel mo ha?" bungad na tanong ni Evelyn kay Kristina nang pumasok siya ng araw na iyon. Natapos na ang tatlong araw niyang bakasyon. Excited siyang pumasok para na rin makita ang mga kaibigan niyang hindi niya rin nakasama. "Maayos naman, Eve. Nakapagpahinga naman ako ng maayos tulad ng plano ko talaga," sagot niya rito. Umupo muna siya bago sumagot sa tanong nito. "Si Mylene naka-leave. Sa wakas at natapos niya rin ang dapat niyang gawin kaya hayon at nag-e-enjoy sa Batangas." Nakaramdam siya ng saya para sa kaibigan — malamang sa ngayon nasa beach na ito. Madalas itong ginagawa ni Mylene lalo na kapag may nobela siyang natatapos. Ito ang tinatawag niyang charge of energy. "Ikaw? Patapos ka na rin ba?" tanong niya rito. Bukod sa kanila ni Mylene may tinatapos na rin itong nobela na may approval kay Sir Martin. "Nasa twist na ako. Hindi gano'n kadali at medyo mahirap ang kwentong hawak ko— napakabago ng plot eh. Taguan ng anak," natatawang tugon sa kaniya ni Evelyn. May pagka-sarkastiko talaga ang kaibigan niyang ito. Hindi lingid sa kanilang dalawa na palaging plot na lamang ng mga nobela ang taguan ng anak; bukod sa CEO na na-inlove sa sekretarya, katulong na nahulog sa amo or mga pinagkakasundong ikasal ng mga magulang. "Kaya mo 'yan. Ikaw pa ba? Magaling ka diyan eh. Forte mo iyan, Eve." Natatawang napapailing na lamang si Evelyn sa tugon niya rito. Mabuti na lang ang hawak niya ngayon ay medyo nagkakaiba sa madalas na market sa merkado. Tungkol naman ito sa paghihigante, parang may touch ng Mafia ang kwentong pinagkakatiwala sa kaniya. "Maiwan muna kita, Tinay. Tatapusin ko lang pinagkakaabalahan ko ngayon at parang hinihila na ako ng mga daliri kong magsulat na." Ngiti lang ang naging tugon ni Kristina rito. Hinayaan niya nang magsulat ang kaibigan niya, para sa gayon ay matapos niya na rin ang kailangan niyang tapusin. Hindi pa nga siya nagsisimula pero ang utak niya ay gusto ng magtapos sa kwentong mayroon siya ngayon. Ilang buwan din naman kasi siya nagpahinga mula n'ong natapos niya ang libro niyang masasabi niyang naging best seller sa merkado— ang kwento niyang 'The Struggle of Legal wife - Mariana.' Hanggang ngayon nga ay nasa isip niya pa rin ang kwentong iyon. Isa iyon sa tumatak sa kaniya kabilang na si ang kwento ni Cynthia na kasalukuyan ini-imprinta pa lang at heto ngayon may on-going agad siya. May kalakihan na rin ang ipon ni Kristina. Maingat lang talaga siya sa ngayon pagdating sa pera, hindi siya basta naglalabas lalo pa't hindi naman kailangan. Praktikal siya— alam niya ang kailangan niya sa mga bagay na gusto niya lang. Malaking bagay din iyon para sa kaniya, nag-iisa lang siya sa buhay at kapag dumating ang sandaling mangailangan siya mayroon siyang makukuha agad. Ayaw nyang umasa kahit kanino; kahit pa sa mga kaibigan niyang siya rin ang madalas na ginagawang takbuhan. Para kay Kristina hindi na bali siya ang tumulong huwag lang siya ang tulungan. ~~~ NEW ORLEANS COMMERCIAL BUILDING, MANILA. NGITNGIT sa damdamin pa rin ang nararamdaman ni Clariz. Ilang araw na silang hindi gaano nag-uusap ni Connor. Hindi niya alam kung umiiwas lang ba ito sa g**o o tama lahat ng hinala niya rito. "Kamusta?" Lumingon siya sa kaibigan niyang si Rachel at Nelsie— bigla na lamang tumabi ang mga ito sa kaniyang hindi niya namamalayan sa dami ng tumatakbo sa isip nya ngayon. "Do I look fine?" sagot niyang may pagtataray dito. Mabuti na lang at sanay naman ang dalawa sa kaniya. Umupo ang mga ito paharap sa kaniya. Kasalukuyan silang nasa isang cafe ngayon sa ilalim lang ng building kung saan sila nagtratrabaho bilang bank teller ang dalawa at siya naman ay bank manager. Matagal niya ng kaibigan si Nelsie at Rachel n'ong nag-aaral pa lamang siya sa kolehiyo. "Si Connor na naman ba?" tanong ni Nelsie. "May bago pa ba?" sabat naman ni Rachel dito. Wala siyang tinatago sa dalawa— lalo na sa kung an'ong mayroon sila ni Connor o mas tamang sabihin kung ano'ng pagdududa at hinala ang mayroon siya sa lalaking pinakasalan siya. "I don't know! May iba talaga eh. Hindi ko alam kung dahil lang sa kaka-away ko sa kaniya kaya siya umiiwas sa akin o may iba talagang babae ang lalaking iyon!" Tila batang sumbong niya sa mga ito. Hindi nakaligtas kay Clariz ang tinginan ng dalawa. "Baka both..." sabay na tugon ng dalawa sa kaniya. "Dadagdagan niyo pa ba ang iniisip ko ha? Pwedi ba! Ang akala ko pa naman makakatulong na kayo pero mas lalo niyo yatang pinapalala ang sitwasyon!" mainit ang ulong sagot niya sa mga ito. "E, bakit ba puro duda, Clariz? Wala ka naman proof 'di ba? Ilang beses mo nang sinundan si Connor at wala ka naman nakitang babae niya hindi ba? Maliban lang kay Sol— na alam naman nating hindi papatulan si Connor." Napasinghap siya sa kawalan. Tama nga naman si Rachel, ito ang madalas niyang kasama kapag may lakad na nakakaduda si Connor at madalas lang naman ito sa studio o 'di kaya sa libingan ng mga magulang nito. "Baka naman magaling lang magtago talaga," aniya naman ni Nelsie. "Sulsolera ka!" ani ni Rachel sa sinabi nito. "Excuse me. Retouch lang ako." Paalam ni Clariz sa mga ito. Narinig niya ang matinis na tawa ni Nelsie nang makalayo na siya sa mga ito. Malamang nag-aalaskahan na naman ang dalawa. MARIING pinagmamasdan ni Clariz ang sarili niya sa salamin sa comfort room ng cafe. Hindi niya pa rin lubos maisip kung bakit nagawa siyang lokohin ni Connor; maganda naman siya, sexy, maputi at matalino iyon ang sigurado siya sa sarili niya. Kung ibang lalaki nga lang siguro ito, hindi na mag-aatubiling ikulong na lamang siya sa bahay para hindi na makita ng iba. Which is, hindi niya maintindihan kay Connor. 'Kapag tama lahat ng hinala ko! I'll make sure na hindi ka magiging masaya, Connor! Kung inaakala mong magkakaroon ka ng happy ending sa kung sino mang kinakalantare mo. Nagkakamali ka!' mariin niyang bulong sa sarili. Isang pagsinghap ang pinakawalan niya bago nagpasyang umalis na para balikan ang dalawang kaibigan niya. "Miss.. Miss, Sandali." Napalingon si Clariz nang marinig na may tumatawag sa kaniya. Nagbaba siya ng tingin sa pouch na hawak nito— kaniya ito. "Naiwan mo." Abot sa kaniya ng babae. Kinuha niya agad ito sa kamay nito, hindi pansin ang ngiting nakapaskil sa labi nito. "Salamat. Sana lahat katulad mo— binabalik ang hindi naman nila pag-aari!" makabuluhang tugon ni Clariz sa babaeng nagbalik ng gamit niyang hindi niya namalayang naiwan pala. Tumalikod siya mula rito at pinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa makalabas nang hindi na muling binalikan ng tingin ang babaeng nagmagandang loob sa kaniya. 'NAPAKAGANDA NIYA...' iyon na lamang ang nausal ni Kristina sa sarili niya nang tumalikod na ang babaeng hindi man lang siya pinag-aksayahan ng ngiti. 'Sana okay lang siya,' dugtong niya pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD