Kristina - The Good Mistress - Chapter eleven

940 Words
SELF CARE PUBLICATIONS, MANILA. "KRISTINA, may tumawag kanina rito. Nagtatanong kung may kilala raw akong Kristina.." Napalingon bigla si Kristina sa kaibigan nyang si Mylene, dahil sa narinig niyang sinabi nito sa kaniya. "Pero syempre, alam naman namin na bawal magbigay ng kahit na ano'ng impormasyon sa lahat ng mga writers dito. Lalo ka na, kaya hindi ko sinabing kilala kita." Nakahinga rin agad siya ng maluwag sa huling sinabi nito. Mabuti na lang at wala si Evelyn d'on baka kung ano na naman ang itanong nito sa kaniya. Kilala niya ang personalidad ng kaibigan; masyado itong matanong. "Nag-iwan ba siya ng pangalan? At ano raw ang sadya, My? Natanong mo ba?" tanong niya kay Mylene. Ayaw niyang isipin na si Connor na naman ang naghahanap sa kaniya. Nakakaramdam na talaga siya ng inis dito. "Connor Marasigan daw. May importanteng sadya lang daw kay Kristina at sa iyo nga iyon. Sino ba iyon? Mukhang lalaking-lalaki ang pangalan eh." "Huwag mo nang intindihin! Isang estranghero sa parke na napaka kulit. Wala naman siyang kailangan sa akin e, at lalong wala rin akong kailangan sa kaniya." "Bakit ka nga hinahanap? Ano naman iyong magiging sadya nya sa 'yo?" tanong sa kaniya ni Mylene. Mukhang nagmana na yata ito kay Evelyn at wala rin yata itong planong tantanan siya sa katatanong tungkol kay Connor. "Basta! Huwag mo nang intindihin iyon at salamat dahil wala kang binigay na impormasyon tungkol sa akin." "Sabihin mo lang sa amin kung kailangan mo ng tulong ha. Makakaasa ka palagi sa akin, Kris. Mag-iingat ka, mag-isa ka pa naman sa bahay mo." Napalunok si Kristina. Hindi mawari kung bakit bigla siya nakaramdam ng kaba sa sinabi sa kaniya ni Mylene. Sa ngayon pakiramdam niya ay nasa maayos pa siya, pero paano kung dumating ang araw na hindi na siya makakaiwas kay Connor. Ayaw niyang mag-isip ng mali sa lalaking iyon dahil mukha naman itong matino. Ang hindi niya lang naiintindihan ngayon ay kung bakit hinahanap siya nito? Bakit ganoon na lang ang interes nito sa kaniya. 'Siguro kailangan ko na siyang harapin! Hindi ako matatahimik kung hindi ko malaman ang dahilan niya,' aniya ni Kristina sa kaniyang sarili. Wala naman sigurong mawawala sa kaniya kapag ginawa niya iyon. Para matahimik na rin siya kung sakali.Patuloy lang siyang magtatanong sa isip niya at maguguluhan kapag hindi niya hinarap si Connor. May iniwan naman itong address at contact number sa binigay nitong calling card sa kaniya. Napasinghap si Kristina, labag man sa loob niya ang gagawin pero wala na siyang ibang maisip pang paraan para tigilan na siya ng isang Connor Marasigan— ang lalaking ayaw magpatahimik sa kaniya sa kaiisip kung ano ba talaga ang pakay nito sa buhay niya pagkatapos ng paghaharap nilang dalawa. •• NERCONSOL PHOTOGRAPHY, MANDALUYONG. "INAAWAY ka pa ba ni Clariz?" tanong ni Abner kay Connor. Isang malakas na pagtawa ang narinig niya kay Sol habang abala ito sa ginagawang paglay-out sa ilang designs na kailangan nila. At siya heto abala sa kakatingin sa mga larawan ni Kristina sa DSLR na hawak niya, ang ginamit niyang pangkuha n'on kay Kristina. "Wala naman bago. Alam niyo magtaka kayo kapag hindi na ako inaway ni Clariz. Iyon ang magiging bago kung sakali at nakakapagtaka kapag nagkataon talaga." Tawa ang ginanti ng mga ito sa kaniya. Sanay na siya sa dalawang kaibigan, mula pa college sila na ang magkakasamang tatlo kaya wala na siyang pweding ilihim sa mga ito— lalo na sa pagsasama nilang dalawa ni Clariz. "Pakasalan mo kaya ulit si Clariz? O, baka naman kailangan niyo lang ng bakasyon. Baka kung sakaling masolo niyo ang isa't isa ay magkaroon ng pagbabago," suhestiyon ni Sol. Mapait na ngiti ang ginanti ni Connor dito. Nagawa na nila ang bagay na 'yon n'ong bago pa lang silang dalawa ni Clariz, dinala niya ito sa Palawan para sa isang linggong bakasyon na silang dalawa lang. Naisip niya kasi na baka bumalik ang pagmamahal nya sa kasintahan n'on noong hindi pa sila kinakasal na dalawa. Napasinghap siya. "Ayaw ko na munang pagtuunan ng pansin si Clariz. Ang kailangan natin ngayon ay ang maihanda ang exhibit para sa charity na tutulungan natin," tugon ni Connor. Liningon niya si Abner. Tumayo ito at pumasok sa developing area ng shop nila. "Connor, si Kristina iyon 'di ba?" Binato niya ng papel si Sol. Alam niyang binibiro lang siya nito. Mahirap para sa kaniya ang magtiwala lalo pa't nawawalan na rin siya ng pag-asang makita si Kristina ulit, at ang huling alas niyang hawak na numero nang tawagan niya ito ay itinanggi lang na kilala si Kristina. "Seryoso! Ayon oh!" Sinundan ng tingin ni Connor ang tinutumbok ng mga mata ni Sol. Hindi niya alam kung namamalikmata lang siya o totoo ang sinasabi nitong nand'on nga si Kristina sa harap ng pinto ng shop nila. "Kristina—" masayang bigkas ni Connor sa sarili niya. Nagmadali siyang tumayo para salubungin ang dalaga. "H-Hi. Hi! Ikaw nga, Kristina..." masayang salubong ni Connor kay Kristina nang buksan niya ang sliding door. Blangko ang emosyon ng mukha nito nang magtaas ng tingin sa kaniya. Tila inaasahan nang nandoon siya. Siya ba ang sadya ng babaeng matagal niya nang hinahanap mula nang makita niya ito? "Hi! Ano ang ginagawa mo rito? Hinahanap mo ba ako?" nakangiti pa ring tanong ni Connor sa walang imik na dalaga. Hindi nakaligtas sa kaniya ang malalim na pagbuntong-hininga nito. "Nandito ako para sabihin sa iyong tahimik ang mundong mayroon ako, Connor! Na kung may balak kang guluhin... huwag mo na sanang ituloy!" klaro at malinaw na narinig niya kay Kristina bago ito tumalikod at nagmartsang mabilis na naglakad palayo sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD